embed embed2
'LF: Mag-Aampon Sa Akin, Yung Kaya Akong Paaralin,' Incoming Grade 12 Student Determined To Finish Studies
PHOTO BY COURTESY OF JERICO CAMPARICIO
  • Nito lamang June 2022, nagtapos ang Grade 11 student na si Jerico Camparicio nang may karangalan bilang isang Academic Excellence Awardee sa Roxas National Comprehensive High School sa Roxas, Palawan.

    Ayon sa report ng Palawan News, noong Sabado, nag-post si Jerico sa isang public group sa Facebook ng isang panawagan: naghahanap siya ng mga bagong magulang. Hindi raw sapat ang kinikita nito sa pagtitinda, upang makapag-enroll sa parating na pasukan.

    LF: Parents

    "LF (looking for), guys, yung gusto lang po mag-ampon sa akin, yung kaya akong paaralin kasi gusto ko makapagtapos sa pag-aaral ko."

    Alok ni Jerico, payag siyang magluto at maglinis sa bahay ng kanyang titirhan kapalit ng pagpapaaral sa kanya.

    "Alam ko mahirap na walang pinagtapusan, pero sana merong mag-ampon sa akin."

    Paliwanag niya, iniwan na siya ng kanyang mga magulang at ang kanyang mga kapatid ay may kanya-kanya nang pamilya. 

    "Iniwan kasi ako ni Papa, umuwi siya sa Negros at hindi niya ako sinusuportahan. At si Mama naman, nag-asawa ng bago."

    Aniya, siya lang daw ang nagsisikap mag-aral sa kanilang anim na magkakapatid. Siya raw ay ang ikaapat na anak, at tatlo na sa kanila ang may asawa. Ayaw pa raw niya mag-asawa dahil pangarap niya ang makatapos ng pag-aaral.

    Sa panayam ng Smart Parenting kay Jerico, sinabi nito na siya ay naghahanap pa rin ng tatanggap sa kanya at susuporta sa kanyang pag-aaral. 

    "Ang gusto ko po ang mag-ampon sa akin, yung mamahalin ako na parang anak at paaaralin ng maayos. Tatanggapin ko [sila] bilang mama at papa."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hiling niya, sana ay may magbigay sa kanya ng bisikleta para makatulong sa pagbiyahe niya papuntang eskwelahan. 

    Pangarap ni Jerico

    Bakit nga ba ganun na lamang ang determinasyon ni Jerico makapagtapos?

    "Ang pangarap ko po ay maging isang [sundalo ng Philippine] Marines," sabi ni Jerico sa Smart Parenting. "Para makatulong sa kapwa ko, at isa na doon ang mga magulang ko. Gusto ko sila iahon sa kahirapan."

    READ ALSO: Working Student Will Soon Be A Homeowner At Age 19: ‘Ayokong Umasa Sa Parents Habambuhay’

    Sabi ni Jerico, kahit na iniwan na siya ng kanyang mga magulang at mga kapatid, hindi nawawala ang pagmamahal niya para sa kanila.

    Sa report ng NET 25 kay Jerico, nag-iwan ito ng mensahe para sa kanyang mga magulang.

    "Pa, gusto kita makita. 7 years na iniwan niyo ako sa Palawan. 7 years din na nagtitiis ako sa graduation na wala kayo. Kaya nga nagsisikap ako mag-aral para maabot yung pangarap ko, kaso di nila ako sinusuportahan, kaya gusto ko nalang magpaampon sa ibang tao. Sana maintindihan niyo.

    "Ma, kung di niyo ako kayang suportahan, kakayanin ko nalang po."

    Magsisimula na ang pasukan sa August 22, at maraming kabataan na tulad ni Jerico ang naghahangad na mabigyan ng tulong ng pamahalaan.

    "Ang masasabi ko sa mga katulad ko na mga kabataan, wag po nila sasayangin ang pagpapaaral ng mga magulang nila. Sana magsikap tayo kasi ang kabataan ang pag-asa ng bayan."

    READ ALSO: DepEd Announces SY 2022-2023 Calendar Of Activities

    "Sana naman wag kayong susuko dahil ang mga working students nagtitiis dahil gusto makapagtapos sa pag-aaral, at maabot ang kanilang pangarap. Wag kayong susuko."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles