;
embed embed2
  • Ikinuwento Ni Chito Kung Paano Niya Napasagot Noon Si Neri Kahit 'Hindi Ako Ang Tipo Niya'

    Sina Chito Miranda at Neri Naig ay halos 8 taon nang kasal, at may dalawa silang anak na lalaki.
    by Jocelyn Valle .
Ikinuwento Ni Chito Kung Paano Niya Napasagot Noon Si Neri Kahit 'Hindi Ako Ang Tipo Niya'
PHOTO BY Instagram/chitomirandajr
  • Nagbalik-tanaw si Chito Miranda noong panahong nagliligawan pa lang sila ng misis na niya ngayon na si Neri Naig-Miranda.

    Sinimulan ng musikero at bokalista ng bandang Parokya ni Edgar ang kanyang trip down memory sa pagshi-share ng litrato, sa Instagram, ng kanyang asawang aktres at negosyante.

    Sabi ni Chito patungkol sa litrato ni Neri na naka-upo sa hagdan at suot ang isa sa mga produkto ng paga-ari nitong Very Neri Sleepwear, "Guys, asawa ko nga pala."

    Dagdag niya, "Di ko makakalimutan 'tong pictorial na 'to...sigurado ako na January 2021 'to kasi October 2021 birthday ni Cash eh"—ang pangalawa sa dalawa nilang mga anak na lalaki—"Salamat nga pala sa @veryneri_sleepwear at nagka-baby kami."

    Dito na ikinuwento ni Chito kung paano niya napasagot noon si Neri, na pitong taon na mas bata sa kanya.

    Aniya, "Alam nyo, ang daming mga pogi at mga macho at mga mayayaman ang nanligaw kay Neri...pero ako lang ang bukod-tanging nagpa-tawa sa kanya ng wa-poise.

    "Sinigurado ko na sobrang enjoy sya kapag kasama nya ko, para mamiss nya ko kapag di na nya ako kasama.

    "Never nya ako naging crush, at hindi ako yung tipo nya...pero I made sure na hahanap-hanapin nya ako kapag wala ako.

    "Trinato ko sya bilang prinsesa na kabarkada pero may malisya...I made sure na spoiled sya sa akin (prinsesa), pero kaya ko syang kutusan at patawanin (barkada), at sinigurado ko na alam nya na hindi lang 'friendship' ang habol ko sa kanya (malisya)."

    At gumana nga ang style ni Chito. Kaya, lahad niya na may pagka-pilyo, "Ayun...after a few months, nag-'I love you' sya bigla. Ang sagot ko lang was, 'I know.'

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pag-amin niya, "Oo...alam ko...mayabang ako. Pinagyayabang ko talaga na sinagot nya ako, at na asawa ko na sya ngayon."

    Ikinasal sina Chito at Neri sa civil ceremony noong December 13, 2014 sa Bonifacio Global City at, kinabukasan, nagkaroon sila ng garden ceremony at reception sa Tagaytay City. Nakatira na sila ngayon sa bayan ng Alfonso sa Cavite, malapit lang sa Tagaytay City.

    Bukod sa mga anak na lalaki na sina Miggy, 5 years old (L), at Cash (R), 8 months old, may anak din silang babae na si Pia. Nasa proseso na ang legal adoption ni Pia, sabi ni Neri sa isang Instagram post.
    PHOTO BY Instagram/mrsnerimiranda

    Love story

    Sang-ayon si Neri na hindi niya "type at all" si Chito bago pa sila magkakilala ng mga huling parte ng 2009. Sabi niya sa writer na ito sa interview para sa YES! Magazine, “’Yong mga exes ko, Chinese na businessman. Hindi ’yong may banda, may tattoo.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    Pero, kuwento ni Neri, sinundan niya si Chito sa Twitter "kasi, nakakatawa ’yong mga tweet niya." Isang araw, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Chito sa pamamagitan ng Twitter. Pagkatapos, sa Facebook naman siya pinadalhan ng friend request. Doon nagsimula ang kanilang friendship.

     

    Nauwi ang kanilang online banter sa text messages at phone calls hanggang nagkita na sila nang personal. Sinabihan si Neri ni Chito ng ganito: “Don’t worry, hindi ’to date. Kapal ng mukha mo!” Natawa na lang siya at hindi namalayang nasa Tagaytay na sila.

     

    Naging madalas ang pagpunta nila sa Tagaytay at pagkikita nila sa Metro Manila. Doon napagtanto ni Neri na type niya rin naman pala si Chito. Aniya, “Sobrang bait, maalagain. Sobrang inaalagaan niya ang mom niya, and sobrang responsible.”

     

    Pero, lingid sa kaalaman ni Neri, sineryoso ni Chito ang sinabi niya noon na hanggang friends lang sila. Kaya biglang umiwas si Chito, bandang kalagitnaan ng 2011. Nasaktan si Neri dahil naging malapit na sila sa isa't-isa. Nang patapos na ang taon, si Neri na ang lumapit kay Chito.

     

    Nagbigay si Neri ng ultimatum kay Chito: “Kung palalampasin natin ’to, ’tapos magkikita tayo na parang may something, sayang, e. Ayaw ko ’yong what if na meron kang relationship diyan, ’ta’s meron ako, ’ta’s biglang pagtinginan natin, alam mo meron tayo.”

     

    Naging boyfriend-girlfriend sila noong December 12, 2011.

    Read also: Key To A Successful Marriage: Never Stop Courting Your Spouse

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles