;
embed embed2
  • Hindi Planado Ang 'Instant Salon' Ni Neri Miranda, Pero Malaking Tulong Sa Staff Nito

    Naghahanap pa ng iba pang tauhan sa ExtraOrdiNeri salon.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Planado Ang 'Instant Salon' Ni Neri Miranda, Pero Malaking Tulong Sa Staff Nito
PHOTO BY Instagram/mrsnerimiranda
  • May bagong negosyo si Neri Miranda, na kilala sa kanyang bottled tuyo at cafe sa lugar nilang mag-asawang si Chito Miranda sa Tagaytay. Pero aminado ang mom of three na hindi planado ang pagkakaroon niya ng salon.

    "Inalok lang po sa akin etong existing salon sa Serin," paliwanag ni Neri, patungkol sa isang mall sa Tagaytay. "Dahil mag ibang bansa na po ang may-ari. Kinuwento sa akin ng staff na binebenta na talaga ang salon at sana ako raw ang makabili para may trabaho pa rin sila."

    Dagdag pa niya, "Syempre bilang wais na misis, nag-haggle ako kase wala talaga sa plano ang salon at tight ang budget. Pero nagkasundo kami sa presyo. Ayun, instant salon si Neri."

    Ibinahagi rin ni Neri sa kanyang Instagram post na galing ang pangalan ng kanyang instant salon, ExtraOrdiNeri, sa kanyang kaibigan. Biro pa niya na ililibre niya ito ng gupit sa buhok ang name.

    Bukod sa pagsalba sa mga tauhan sa magsasara na dapat na salon, naghahanap pa si Neri ng iba. Aniya, "May staff na kami pero need pa namin dagdagan para mabilis ang kilos at madaling matapos ang mga clients. Para sure na alagang alaga ang mga pupunta sa salon."

    Hindi makakaila ang husay ni Neri sa pagpapatakbo ng negosyo. Mula sa aksidenteng pagdiskubre niya ng potensyal ng bottled tuyo noong 2015, na nauwi sa matagumpay na pagtatag ng Neri's Gourmet Tuyo, nagtayo siya ng ukay-ukay stall at bakery hanggang sumabak na rin siya sa beddings, sleepwear, accessories, event planning, wedding gowns, cafe, at bed and breakfast.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bumibili si Neri ng maliit na yate para kaya sa asawang si Chito para maparenta rin at condo unit para naman sa panganay nilang si Miggy para bilang investment (basahin dito).

    Kaya naman bilib sa kanya si Chito. Sabi ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar sa isa niyang post, "Hindi naman sa pagmamayabang (medyo lang siguro), mas mayaman sya sa akin, at ako ang nireregaluhan nya ng kung anu-ano." (Basahin dito.)

    Sabi naman ni Neri sa isang event, na dinaluhan ng Smart Parenting, malakas daw talaga ang loob niyang sumubok sa negosyo at dumiretso sa mga taong dapat kausapin. Malaking tulong din daw ang kanyang nanay sa pagkakaroon niya niya ng diskarte sa buhay.

    Basahin dito para mga karanasan at kaalaman ng iba pang mompreneurs.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles