-
Sabi Ni Neri, Kaya Pa Ng 1 Anak, Pero Ayaw Na Ni Chito: 'Gusto Na Niya Akong Masolo'
"Date" ng mag-asawang Neri at Chito Miranda ang sabay na pag-grocery.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Kumpara sa unang pagbubuntis ni Neri Naig-Miranda noong 2016 (kay Miggy), mas nahirapan siya sa ikalawa nitong 2021 (kay Cash).
"Talagang duwal," sabi ng mompreneur tungkol sa naranasang hirap, tulad ng morning sickness at pagiging maselan sa pagkain. "Talagang, ayoko nito! Maduduwal ka ’tapos magtu-toothbrush ka, iba din. May hinahanap ka. White toothpaste lang kasi kung hindi, talagang...'Waaah!'"
Pero nang manganak na si Neri kay Cash, sa pamamagitan ng scheduled o elective Cesarean section (CS), hindi na raw siya nahirapan kumpara kay Miggy na emergency CS. Nasabi tuloy niya sa musikero niyang asawang si Chito Miranda, "padali na nang padali," kaya puwede pa silang makaisa pang anak. Sabi naman daw ni Chito, "Hindi na!"
Nagkuwento si Neri sa online event na ginanap kamakailan para sa iniendorsong niya baby care products ng Babyflo. Aniya, ganito ang binigay na rason sa kanya ni Chito: "Hindi ka nga nahihirapan pero ako ang nag-aalaga sa 'yo."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pang paliwanag ni Neri tungkol sa kanyang asawa, "Ayun, gusto niya akong masolo. Mag-travel-travel. Puwede na naming maiwan ang kids. ‘Tayo naman ang magde-date.’ Naks! Nakaplano na siya."
Bukod kina Miggy, 5, at Cash, 4 months old, nasa pangangalaga ng mag-asawang Neri at Chito ang tumatayong ate ng mga bata na si Sophia. Ayon sa isang social media post ni Neri inaasikaso na nila ang pagiging opisyal na pagsali ni Sophia sa kanilang pamilya (basahin dito).
Pero sa kanya raw, sabi ni Neri, "okay" pa siya sa isang anak, lalo na kung ipagkaloob ni Lord. Kahit daw ang kanyang mga biyenan ay nanghihingi pa ng isang anak, kaya hindi raw niya sinasara ang ganoong posibilidad.
Mga tips ni Neri
Nagkuwento pa si Neri tungkol sa relasyon nila ni Chito. Aniya, kontra ang kanyang asawa na tumira at mag-invest sa Tagaytay pagkatapos nilang ikasal noong December 14, 2014. Pero lumago ang naipundar nilang farm, pati na ang ilang negosyo, at nagkaroon pa sila ng malawak na pasyalan, lalo nitong panahon ng COVID-19 pandemic. Kaya raw si Chito, "nae-enjoy na niya ang katas ba ng mga pinaghirapan."
CONTINUE READING BELOWwatch nowMagkatuwang talaga silang mag-asawa, pati sa pagba-budget. Kaya sabay silang pumupunta sa grocery, at iyon na raw ang kanilang date.
Nagbigay pa ang kilalang "wais na misis" ng ilang tips para maging mas efficient sa paggastos ng pera at oras:
Gumawa ng checklist
Lahad ni Neri, "Ako talaga, may checklist ako. Ako, namamalengke talaga ’ko. So pag pumupunta ako sa palengke na wala akong checklist, hay, naku! Kung ano-ano ang bibilhin mo, hindi naman pala dapat ‘yung uulamin mo."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag mag-grocery nang gutom
Katwiran ni Neri, "Pag gutom ka kasi, lahat gusto mong kainin." Kaya silang dalawa raw ni Chito, kinaugalian nilang kumain muna bago pumunta sa grocery para hindi silang gumastos pa sa pagkain.
Ilista ang mga dapat gawin sa araw-araw
Sabi ni Neri, "May notebook ako. Chine-check ko talaga kung anong nagawa. Prioritize. Naka-set na 'yang Top 5 priorities. Kasi pag wala ako no’n—sa dami nating ginagawa—maaalala pa ba natin? Kailangan kong isulat kasi makakalimutan ko s’ya…'Okay, eto na ang nagawa mo.' Si Chito rin, merong notebook. Eto, puwede na nating gawing schedule, lahat."
Bigyan ang sarili ng day-off
Napagkasunduan nilang mag-asawa na merong panahon si Neri para sa kanyang sarili. Aniya, isa o dalawang beses kada buwan, humihingi siya ng day-off. Sa araw na iyon, si Chito na ang nagsasabi sa mga bata na hayaang magpahinga at mag-isa si Neri sa kuwarto.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ni Neri, pagkakataon niya iyon para maligo ng 20 minutes at magamit ang bathtub. "Walang ‘Mommy, mommy, what are you doing?’ Si Chito talaga ang nagsasabi, don’t disturb si Mommy.' Nakakatuwa sa mga dads, ina-acknowledge kumbaga ang ginagawa [ng mommy]. Step up talaga sila. Hindi gigisingin, hindi kukulitin."
Ilang taon nga ba ang dapat na agwat ng bawat anak? Basahin dito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments