;
embed embed2
Hanga Si Chito Miranda Magkaroon Ng Misis Tulad Ni Neri: 'Siguro Swertihan Lang Talaga'
PHOTO BY Instagram/chitomirandajr
  • Nang ibahagi kamakailan ni Neri Naig-Miranda sa Instagram ang litrato nila ng asawang si Chito Miranda na nasa swimming pool at may simpleng caption na, "Nakapagbakasyon din," nagkomento naman ang musikero.

    Sabi ni Chito, "Parang 'Sugar Daddy' lang ako dito ha! Pero di nila alam na ikaw talaga ang aking 'Sugar Baby' kasi mas mayaman ka kesa akin at ako ang nireregaluhan mo ng kung anu-ano."

    Nagpaliwanag pa siya sa sarili niyang social media post gamit ang parehong litrato nila ng misis, na halos 10 taong mas bata sa kanya. Aniya sa caption, "Mukha akong sugar daddy nitong batang ito."

    Dagdag pa ni Chito kay Neri, na unang nakilala bilang artista pero negosyante na ngayon, "Pero for the record, at hindi naman sa pagmamayabang (medyo lang siguro), mas mayaman sya sa akin, at ako ang nireregaluhan nya ng kung anu-ano."

    Nauna nang naikuwento ni Neri sa isang post na niregaluhan niya si Chito ng "maliit na yate, parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo," noong nakaraang 46th birthday ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar.

    Kaya dugtong ni Chito sa kanyang post, "Nakakahiya nga kasi yung huling regalo ko sa kanya nung birthday nya, dalawang extension cord."

    Napaisip tuloy siya dahil sa sobrang paghanga sa nanay ng dalawa niyang anak na sina Miggy at Cash: "Siguro swertihan lang talaga yan."

    Bukod kina Miggy, 5, at Cash, 5 months old, nasa pangangalaga ng mag-asawang Neri at Chito ang tumatayong ate ng mga bata na si Sophia. Ayon sa isang social media post ni Neri, inaasikaso na nila ang pagiging opisyal na pagsali ni Sophia sa kanilang pamilya (basahin dito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tulad ng pinapakita nina Chito at Neri na pagpapahalaga sa isa't-isa, sinasabi ng mga eksperto na kailangang mahalin muna ang asawa bago ang mga anak. Basahin dito kung bakit.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles