;
embed embed2
  • Ito Ang Mga Ginagawa Ni Iya Villania Kapag 'Hindi Talaga Type' Ng Mga Anak Niya Na Maligo

    Aminado ang mom of 3 na may mga araw na mahirap paliguan lalo na ang middle child.
    by Jocelyn Valle .
Ito Ang Mga Ginagawa Ni Iya Villania Kapag 'Hindi Talaga Type' Ng Mga Anak Niya Na Maligo
PHOTO BY Courtesy of Babyflo (L), Instagram/iyavillania
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Aminado si Iya Villania na kung may mga araw na "walang struggle" sa pagpapaligo sa mga anak nila ni Drew Arellano, meron ding mga pagkakataon na "hindi talaga type" nina Primo, 5; Leon, 3; at Alana, 1, na maligo.

    Kaya nakaisip na si Iya ng mga paraan para maenganyong maligo ang mga bata. Ibinahagi ng TV host ang mga ito nang matanong siya ng SmartParenting.com.ph sa online event ng iniendorso niyang baby care products na gawa ng Babyflo.

    Aniya, malaking bagay na si Primo ay "much easier to talk to," at napagsasabihan nang makakagamit lang ng gadget pagkatapos maligo. Ang kuya na si Primo naman ang nanghihikayat sa sumunod sa kanyang si Leon na maligo na rin.

    Kuwento ni Iya tungkol sa bath time ng two boys: "Si Kuya, ready na ready na, ’tapos si Kuya pa ang tiga-tulak kay Leon papuntang banyo. So siyempre, nakakatulong. Si Leon, mas tanggap n’ya. ‘Okay, Kuya wants me to take a bath.' So sabay sila.

    "Tuloy, hindi kami nahihirapan na hatakin si Leon kasi si Primo na ’yung humahatak sa kanya. Mas okay kay Leon kesa si Mommy pipilitin ako maligo. Okay si Kuya kasi may kalaro sa bath tub."

    Tips para maenganyong maligo ang mga bata

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Biro tuloy ni Iya nang hingan siya ng tips para sa mommies na hirap paliguan ang mga anak: "Bigyan mo ng kapatid para may kasabay maligo." Madadagdagan na ang Arellano siblings dahil buntis ang kanilang mommy sa isa na namang baby boy (basahin dito)

    Heto pa ang mga subok ng diskarte ni Iya:

    Bigyan ng bubble bath

    Mas enjoy daw ang ang mga bata kapag mabula ang paliguan ng mga bata.

    Isali sa proseso ng pagpapaligo

    Paliwanag ni Iya, "Let them get involved when taking a bath. Hindi ’yung puro ikaw ang magpapaligo. Let them play with the soap, with the wash cloth. It gives them a sense of independence, so they feel like achieving something.

    Pumili ng mga produktong may cute designs

    Pansin ni Iya na panay ang tingin ng mga anak sa colorful packaging ng gamit nilang bath products. Tila binabasa pa ng mga bata ang nakasulat kahit hindi sila talaga marunong magbasa. Dagdag pa ni Iya. "’Yung mga bote na ’yun, it’s also a way of learning."

    Subukan ang bath drops

    Kapag hindi raw umubra ang mga naunang tips, nilalabas na ni Iya ang huli niyang baraha: bath o color drops. "Ano siya para siyang mga tablets na kapag nilulubog sa tubig, nag-iibang kulay. ’Yun ang huling baon ko. Pag ayaw talagang maligo, ‘Okay, what color do you want in the water?’"

    Basahin dito para sa paliwanag ng pediatrician tungkol sa tinatawag na bath myths.

    What other parents are reading

      

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles