embed embed2
  • Para Sa Mga Single Moms (And Dads): Finding The Courage To Date Again

    Paano mo malalaman kung ready ka nang magmahal muli?
    by Ana Gonzales .
Para Sa Mga Single Moms (And Dads): Finding The Courage To Date Again
PHOTO BY iStock
  • Ano man ang dahilan ng pagiging single parent mo ngayon, importanteng maintindihan mo na hindi pa huli ang lahat para buksan mo ang puso at isip mo sa muling pakikipagrelasyon. Bagaman hindi maikakailang mahirap nang magtiwala muli, hindi mo rin naman pwedeng alisan ng karapatan ang sarili mo na makahanap ng makakasama sa panghabang-buhay. Narito ang ilang mga paraan para mahanap mo ang lakas ng loob na makipag-date muli:

    Huwag kang matakot

    Madaling sabihin, mahirap gawin—patunay ng mga nanay sa aming online community na bumalik sa ‘dating game.’ Ayon sa kanila, kailangan mo muna mag-heal mula sa mga naranasan mo dati bago ka bumalik sa pakikipag-date. Kapag buo nang muli ang iyong sarili, saka mo pa lang maayos na mapapakisamahan ang kung sino mang makaka-date mo. Dagdag pa nila, normal ang takot lalo na kung talagang traumatic ang nangyari sa iyo sa nakaraan. Ngunit, hindi ito dapat maging hadlang para mahanap mo ang iyong kaligayahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Take your time 

    Katulad ng maraming bagay, hindi dapat minamadali ang pagbalik sa pakikipagrelasyon lalo na ngayong mayroon nang baby na involved. Kilalanin mo munang mabuti ang isang tao bago ka magdesisyong i-invest ang sarili mo sa kanya. Payo nga ng isang nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, kailangan mong mas maging maingat ngayon dahil hindi na lang ikaw ang involved dito. Huwag magmadali at bigyan mo ng sapat na panahon ang iyong sarili para makilala ang kung sino mang susubok maging karelasyon ka.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mas maging mapanuri

    Sabi nga nila, ‘Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me.’ Payo ng mga nanay sa Village, mas maging mapanuri sa pagpili ng iyong susunod na partner. Huwag kang mag-settle sa isang taong pakikiligin ka lang o i-fflatter ka lang. Dapat ay iyong makakapag-offer sa iyo ng security, lalo na’t mayroon ka nang mga anak na mas nangangailangan ng stability. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Huwag makinig sa sasabihin ng iba

    Kwento ng ilang mga nanay natatakot silang makipagdate muli dahil sa sasabihin ng iba. Natatakot silang mahusgahan ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Natatakot din sila sa double standards at may ibang nahihiyang ma-label na single mom o ‘naanakan.’ Payo ng mga nanay na dumaan na dito, kahit kailan ay hindi ka magiging masaya kung palagi kang nakikinig sa sasabihin ng iba. Sabi nga ng mga nanay sa Village, you owe it to yourself to be happy and you deserve it.

    Huwag ma-guilty

    Pagkatapos ng takot, maaari kang makaramdam ng guilt dahil for once, hindi lang anak mo ang iyong iisipin. Isa sa mga pinakamagagandang payo na nabasa namin sa Village ay kung gaano kaimportante na hindi ka maguilty sa paghahanap ng mamahalin at magmamahal sa iyo. Dagdag pa ng mommy na nagbahagi nito, hindi mo dapat pagdusahan habang-buhay ang ano mang nangyari sa nauna mong relasyon. Hindi masamang maghangad ng isang bagay para sa iyong sarili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Be yourself and always pray

    Isa ito sa mga pinakacommon na advice na lagi naming naririnig mula sa mga married nanay at tatay. Kalimitan kasing umpisa ng kwento ng mga single parents na nakahanap na ng karelasyon ay ang pagdadasal nila. Marami sa aming mga readers ang nagkwento na kung kailan sumuko na sila at nagdasal, saka nila nahanap ang kanilang mga partners in life. Sabi nga ng isa sa aming mga active Smart Parenting Village members na si mommy Kelly Summers, “Walang maling lalaki kapag si Lord na ang nagbigay.”

    Ikaw mommy, daddy, single parents ba kayo? Nahanap niyo na ba ang inyong partner in life? I-kwento niyo ang inyong experience sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles