embed embed2
  • Gusto Mo Ma-Improve Tulog Mo? Huwag Daw Kayo Mag-Share Ng Kumot Ni Hubby

    Kahit ang mga ritwal ninyo bago matulog ay malaki ang impact sa relasyon ninyo.
    by Ana Gonzales .
Gusto Mo Ma-Improve Tulog Mo? Huwag Daw Kayo Mag-Share Ng Kumot Ni Hubby
PHOTO BY Shutterstock
  • Ugali niyo ba ng partner mo na matulog nang sabay? O mag-kwentuhan bago matulog? Ayon sa mga eksperto, malaki ang maitutulong nito para maging maganda ang inyong relasyon.

    Bukod pa sa mga nabanggit, mayroon pang isang sleeping technique at iba pang mga habits na sabi rin ng mga eksperto ay makakabuti sa inyong relasyon.

    Ang isang sleeping technique na mabuti para sa mga mag-asawa

    Hindi ba't lahat ay pinagsasaluhan ninyo ng asawa mo? Mula sa Netflix at Spotify account hanggang sa mga gamit sa bahay at marami pang iba.

    Ayon sa mga eksperto, ang isang bagay na hindi ninyo dapat pagsaluhan para maging maayos ang relasyon niyo ay ang comforter o kumot.

    Kapag kasi may sarili kang kumot, ikaw mismo ang may kontrol sa kalidad ng tulog na mayroon ka. Ito raw ang nakaugalian ng mga tao mula sa ibang bansa tulad ng Scandinavia.

    Ang simpleng pagbabago na ito ay makakatulong para maiwasan ang pagising-gising ng sino man sa inyong dalawa dahil naghihilahan kayo ng kumot.

    Parang nakakatawang sleeping technique hindi ba? Pero minsan, ang mga simpleng galaw na ito ay malaki ang naitutulong sa isang pagsasama.

    Bukod pa rito, narito naman ang ilang pwede ninyong gawin bago matulog na makakatulong naman para mapagtibay ang inyong relasyon:

    5 simpleng bonding moments na pwede ninyong gawing mag-asawa bago matulog

    Magligpit ng mga kalat ninyo sa buong araw

    Hindi kailangang linisin ang buong bahay. Pero ang pagtutulungan ninyo para bahagyang ligpitin ang mga nakikita ninyong kalat ay isang magandang habit bago kayo matulog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magkwentuhan ng mga magagandang nangyari sa araw ninyo

    Masarap matulog kung maganda ang usapan ninyong mag-asawa bago o habang nakahiga. Huwag mag-usap tungkol sa mga stressful na bagay, sa halip, pagkwentuhan ninyo ang mga bagay na ipinagpapasalamat ninyo sa dumaang araw.

    Magbalik tanaw sa mga magagandang nangyari sa inyong dalawa

    Kadugtong ng pagpapasalamat sa magagandang nangyari sa araw ninyo, maganda rin kung mapaguusapan ninyo ang mga paborito ninyong alaala sa isa't-isa.

    Masahihin ang isa't-isa

    Kung hindi naman kayo ganoon kapagod sa araw ninyo, magandang bigyan ninyo ang isa't-isa ng isang mabilis na masahe. Bukod sa nakakarelax ito, isa rin ito sa mga simpleng paraan para maparamdam ninyo sa isa't-isa ang pagmamahal ninyo.

    Magpasalamat kayo sa isa't-isa

    Anong magandang nagawa ninyo para sa isa't-isa ngayong araw na ito? Magbigay kayo ng Ilan sa mga ipinagpapasalamat ninyo sa isa't-isa ngayong araw para bago matulog, maramdaman ninyo ang appreciation ninyo sa isa't-isa.

    Mayroon ba kayong mga habits bago matulog na nakakatulong sa inyong relasyon? Anu-ano ang mga ito? I-share niyo na iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakuha ng iba pang techniques na makakatulong sa pagsasama ninyo ng partner mo.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles