embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hindi Ko Na Maibalik 'Yung Dating Ako Pagkatapos Akong Lokohin Ni Mister

    Nararamdaman ko na rin na nagkakagusto na ako sa iba.
    by Ana Gonzales .
Hindi Ko Na Maibalik 'Yung Dating Ako Pagkatapos Akong Lokohin Ni Mister
PHOTO BY iStock
  • Posible pa nga bang bumalik sa dati ang isang relasyon na nasira na ng infidelity? Paano mo nga ba ibabalik ang tiwala mo sa isang taong hindi naging totoo sa iyo?

    Narito ang ilang #SPConfessions na tumatalakay sa usaping ito:

    Napatawad ko na siya, pero hindi ko na maibalik kung sino ako pagkatapos niyang mangaliwa

    Limang taon na kaming nasa relasyon, apat na taon doon ay kasal kami. Mayroon na kaming mga anak at matagal na rin kaming nakabukod sa mga magulang namin. 

    Limang buwan pa lang ang nakakalipas nang malaman kong niloko ako ng asawa ko. Nagkaiyakan na kami, nagkausap, nagsumbatan, at nagkapatawaran. Nagpaliwanag na rin siya kung bakit niya ito nagawa. Mahaba ang naging usapan namin. 

    More from Smart Parenting

    Pero kahit ganoon, kahit nagkausap na kami, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Hindi ko na maibalik kung ano ako sa kanya dati. 

    Hindi ko alam kung paano ibalik ang spark. Ngayon, nararamdaman ko na na nagkakagusto ako sa iba. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang biglang nawala ang amor ko sa asawa ko. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maibabalik pa kaya namin ang dati?

    More from Smart Parenting

    I am trapped in a loveless marriage

    Dalawang taon pa lang kaming kasal pero alam ko na na wala na akong nararamdaman para sa asawa ko. Nasaid na ang lahat ng nararamdaman ko para sa asawa ko. Palagi kaming nag-aaway. Paulit-ulit lang ang mga pinagaawayan namin pero wala pa rin siyang pagbabago. 

    Tamad siya, sinungaling at walang determinasyon sa buhay. Wala siyang sariling diskarte at sunod lang siya ng sunod sa lahat ng sinasabi ng kanyang mga magulang. Isip bata pa siya.

    More from Smart Parenting

    Masyado kasing naging madali para sa amin ang lahat. Wala pa kaming isang taon, nagpakasal na kami at agad kaming nagkaroon ng anak. Bago pa lang kami ikasal, marami nang pagkakataon na umurong-sulong siya. Muntik pang hindi matuloy ang aming kasal dahil sa pakikialam ng pamilya niya. 

    Gustong-gusto ko nang makipaghiwalay dahil talagang hindi na ako masaya. Pero hindi namin magawa dahil na rin sa aming anak. Sobra na ang emotional torture na nararanasan ko. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi kasi talaga namin kayang mag-usap nang mahinahon. Bawat pag-uusap namin, nauuwi agad sa pag-aaway. Our marriage was such a mistake.

    More from Smart Parenting

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfession na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting


View More Stories About
Recommended Videos
View more articles