-
Pinag-aawayan Namin Ni Hubby Ang Pera. Paano Ko Ba Siya Makukumbinsing Magtrabaho?
Napakaimportante ng kompromiso, lalo na pagdating sa mga desisyong makakaapekto sa inyong pamilya.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Napakalawak talaga ng naging epekto ng COVID-19. Hindi lamang nito ginawang komplikado ang pag-aaral ng mga anak natin, nakaapekto rin ito sa hanapbuhay nating mga magulang. Dahil sa mga lockdowns at pagsasara ng maraming mga negosyo, marami sa atin ang nawalan ng trabaho.
Malaki ang nagiging epekto nito sa relasyon ng mga mag-asawa. Kamakailan nga ay madalas itanong sa amin kung paano ba kukumbinsihin ang hubbies na mas maging masipag sa paghahanap ng trabaho.
Sa kasalukuyan, madalas kasing pinagtatalunan ng mga mag-asawa ang efforts ng isa't-isa. Ayon kay mommy, kailangang mas maging aggressive ni daddy sa paghahanap ng trabaho. Ngunit para kay daddy, hindi siya dapat minamadali dahil hindi niya naman hawak ang resulta ng kanyang mga applications?
Tanong ng mga nanay, paano ba kumbinsihin si daddy na mas maging masipag pa? May kailangan bang gawin ang mga nanay para mas ma-encourage sila?
Ayon sa ilang mga nanay, totoo ang kasabihang kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan. Kung hindi nauubusan ng dahilan si hubby kung bakit hindi siya naghahanap ng trabaho, baka naman ayaw niyang talaga.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi naman ng ilang nanay, walang padre de pamilyang gustong magutom ang asawa at mga anak niya. Hindi rin kagustuhan ni hubby na mawalan siya ng trabaho.
Gustuhin man niyang maging masipag sa paghahanap buhay, mas mahirap pa ring isugal ang kanyang kalusugan.
Kaya naman sa halip na awayin siya, sabi ng ilang mga mommies ay mas magandang tanungin muna siya kung saang aspeto ng paghahanap ng trabaho siya nahihirapan.
Maraming mga nanay rin ang nagbigay ng mga leads o iyong mga kumpanyang kasalukuyang naghahanap ng empleyado sa kabila ng pandemya. Nariyan ang mga call centers, delivery services, at online selling.
Payo pa ng mga nanay, isang magandang source of income ang pagtatayo ng isang simpleng negosyo. Kung mayroon naman kayong maliit na puhunan, sa halip na magtrabaho para sa mga kumpanya, pwede kayong magtayo ng sarili ninyong negosyo.
Dagdag pa nila, hindi madalas magpakita ng stress at pag-aalala ang mga husbands kaya naman mahalaga na ipakita natin sa kanila ang ating suporta.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMaaari rin kasing nakakaramdam siya ng pressure ngayon para kumita ng pera pero hindi lang niya sinasabi sa iyo. Kwento ng mga nanay, walang hindi nadadaan sa magandang usapan.
Bukod pa riyan, hindi man madali, kailangan ninyong magkompromisong dalawa. Sino ba sa inyo ang mas malaki ang tyansang makahanap ng trabaho ngayong pandemic? Mas magaling ka ba sa mga online jobs kaysa kay hubby?
Okay lang ba sa kanya na ikaw ang magtatrabaho at siya ang mag-aalaga sa bata? Kaya mo bang mag online selling habang siya naman sa delivery? Mayroon ba kayong resources at gamit para sa mga work-from-home jobs?
Ito ang mga options na pwede ninyong pag-usapan bilang mag-asawa para sa halip na mag-away ay makagawa kayo ng plano para sa financial needs ng inyong pamilya. Ngayon, higit kailanman, ay mas kailangan ninyong maging magkakampi dahil hindi ninyo malalampasan iyong pandemya kung hindi kayo gagalaw bilang isang team.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon ka bang mga kwentong tulad nito na gusto mong ibahagi sa amin? Ipadala mo lang sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.
What other parents are reading

- Shares
- Comments