Sa editorial na inilabas ng mga psychologists mula sa University of Tennessee-Knoxville na sina Kristina-Coop Gordon at Erica A. Mitchell, sinabi nila na tinatayang 25% ng mga pagsasama ang nakakaranas ng infidelity o pangangaliwa.
Ayon pa sa kanila, malaki ang epekto ng karagdagang stress na dala ng pandemic sa pagsasama ng isang mag-asawa. Pinatunayan 'yan ng mga miyembro ng aming online community na Smart Parenting Village.
Marami sa kanila ang nagsabing bagaman kasama nila sa bahay ang kanilang mga asawa dahil sa kabi-kabilang lockdown, nagkakaroon pa rin ang mga ito ng extramarital affair. Isa sa mga madalas magamit na paraan ay ang mga online dating sites at apps.
Mayroon ding mga gumagamit ng kanilang email o social media accounts para itago ang kanilang mga extramarital affairs.
May mga mag-asawang nag-aaway dahil sa pera, mayroong mga hindi magkasundo dahil sa in-laws, at mayroon ding hindi magkasundo sa mga diskarteng gagawin ngayong may banta ng COVID-19. Marami rin ang hingi magkaintindihan pagdating sa division of labor sa bahay.
Ito ang ilan sa mga dahilan na nagtutulak sa mga partners na mangaliwa o humanap ng kalinga mula sa iba—kahit pa digital o virtual lamang ito.
Lumalabas din sa pag-aaral nina Gordon at Mitchell na mayroong 13% ng mga taong kasal na o nasa relasyon na ang nakipag-usap sa kanilang ex ngayong may pandemic.
Ayon sa kanilang pananaliksik, ang labis na stress ay maaaring humantong sa kawalan ng tinatawag na sexual at relationship satisfaction.
Hindi rin nakakatulong sa mga mag-asawa na confined sila sa iisang bahay lang. Ayon sa mga relationship experts, dahil sa pandemic, wala ring access sa mga resources at social support ang mga tao, kaya mas nagiging mahirap maka-recover mula sa pangangaliwa.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.