Filipino,relationships,love,love and relationships,#SPConfessions,live in partner,Living In Struggles After 13 Years, 2 Kids Together,relationship, love challenges, long-term commitment, marriage promises, parenting struggles, Manila life, emotional well-being, Smart Parenting Village, family communication, decision-making, #SPConfessions,Explore a heartfelt story of a 13-year relationship, two kids, and unmet promises.
LifeLove & Relationships

‘13 Years And 2 Kids Later, Umaasa Pa Din Ako Na Ikakasal Kami’

‘He promised me noong bagong panganak ako sa bunso namin to give him one year, ikakasal kami. Eight years old na si bunso.’

Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

“I’m thinking of leaving my partner.

“We’ve been living together for 13 years, may 2 kids na. Every year umaasa ako na baka sakaling magpakasal na kami. He promised me noong bagong panganak yung bunso namin na bigyan ko lang daw siya ng 1 year, ikakasal kami. Eight years old na yung bunso namin ngayon. Never ako tumingin sa iba. I work 16 hours a day para makaipon ang [partner] ko para sa kasal namin. Hindi din ako naging burden for him. Lahat ng mahal niya, minahal ko because I don’t want him to have to choose when I can extend my love to all he loves. Dumating na ako sa point na labas pasok na ako sa hospital kaka-trabaho. Still, no signs of him planning and coordinating. Because of my work, naaafford namin ang lifestyle na meron kami. He provides but not enough, he doesn’t work hard. Ako lagi niyang pinupunto na dahilan kung bakit hindi siya makagalaw para maghanap ng isa pang pagkakitaan dahil I work too much so he can’t leave me alone. Pareho kaming work-from-home by the way. He is kind and humble. He does all the house chores. But thinking about it, sabi ko, mag-hire na lang kami para hindi niya magawang excuse iyun to not help me earn more for our children’s future. I never asked for a grand wedding. Kahit walang guest, kahit walang venue, kahit kaming dalawa lang. Basta lang maging legitimate mga anak ko. I never asked anything from him because I’m so scared to get disappointed and feel pinaasa na naman. I’m thinking of leaving him kapag may nahanap na akong matitirahan sa Manila.”

“Never niya kaming nadala as a man of the house”

Ito ang inilahad ng isang ina sa Smart Parenting Village. Ayon sa kanya, iniisip na talaga niyang makipaghiwalay sa kadahilanang hindi pa din siya pinapakasalan ng kanyang partner at ama ng kanyang mga anak kahit na pa ito’y nangako na gagawin ito ilang taon na ang lumipas.

Marami namang nag-kumento at sinabi na maraming nagpapa-unlak ng mga libreng kasal o kasalang bayan at maaaring sa ganitong paraan magpakasal si mommy poster at ang kanyang partner. Sabi ng isa, “Sa barangay every fiesta alam ko they offer ‘kasalang bayan,’ same goes if fiesta ng mismong barangay na nakakasakop sa parish niyo. They will hold a mass wedding. Sa munisipyo, yung mayor mismo nagkakasal.”

May ilan din nagsabi na parang may iba pang hinanakit si mommy poster sa kanyang partner. Ani ng isa, “Tama ba ako na meron pang ibang pinanggagalingan ang mga disappointment mo kay partner kaya parang decided ka na na hiwalayan na siya? Kasi tayong mga babae ganyan naman, parang nag-iipon muna ng sama ng loob bago sumuko.”

watch now

Sumang-ayon naman dito si mommy poster at sinabi ang iba pa niyang hinanakit, “For 13 years, unprepared siya and never niya kaming nadala as a man of the house. Ako lang nagpursige para makatipid sa panganganak dahil for some reason for both births, doon siya nag-ca-career move and I fully support that to the point na I worked 16 hours a day kahit buntis ako and ako lang umako sa lahat. I gave up my dreams for his dreams. Wala siyang pangarap makatapos pero nagpursige siya sa push ko at narealize din niya ang realidad ng buhay. Madami siyang pinangako na small things na hindi natupad. At itong kasal ang tanging tinitira ko sa sarili ko na magawan niya ng paraan. The fact na I did all the padre de pamilya responsibilities waiting for him to be that, understanding him in all the ways I can. Kasal na lang yung magagawa niya for me. The fact that I saw how determined he is na makasali sa basketball, mag-invest sa shoes, sa time and all, makes me question why, for 13 years, hindi niya pinakita yung parehong enthusiasm niya sa basketball at mga kababata at kateam niya sa amin na pamilya niya.”

“Hindi pwedeng ikaw lang yung may gusto at may pangarap”

Marami ang nagpayo sa mommy na kausapin nang maayos ang partner at sabihin dito ang mga nararamdaman niya. Ani nila:

“For the last time, try asking him again about his plans para sa family niyo. Baka naman nasanay na lang din siya at hindi na niya na-prioritize, iremind mo. Tell him na kailangan niyo na yan bigyan ng panahon at ayusin dahil lumalaki na ang mga anak niyo. If after eh wala pa rin or hindi mo ma-feel na interesado talaga siyang ayusin, then you can freely move on na with your kids. Wala kang what ifs kasi you know na you did your part.”

“Masakit man, pero if you feel like you can protect your emotional well-being by being far from him, do so. For me, totoo yung distance makes the heart grow fonder, at pwedeng ito ang maging motivation niyo to work even harder para magkasama. Of course, it takes two to tango. Hindi pwedeng ikaw lang yung may gusto at may pangarap. Talk to him. Let him know what you feel and be ready for the answers. Then decide. Pray for wisdom and lakas ng loob.”

Basahin ang mga ito para maging mas maayos ang komunikasyon at pagsasama ng iyong partner:

Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.

Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close