embed embed2
  • Paano I-Handle Ang Selos? Usapang Love Life Mula Kay Anne Clutz

    Pinagusapan din ng mag-asawa ang mga challenges na naranasan nila sa kanilang relasyon.
    by Ana Gonzales .
Paano I-Handle Ang Selos? Usapang Love Life Mula Kay Anne Clutz
PHOTO BY Anne Clutz / YouTube
  • Kilala ang beauty vlogger na si Anne Clutario, o Anne Clutz at mama Anne sa kanyang mga followers, sa kanyang mga honest na makeup reviews at nakakatuwang tutorials. Pero sa isa sa kanyang daily vlogs kasama ang kanyang pamilya, ibinahagi ni Anne ang mas intimate na bahagi ng kanyang buhay.

    Sa isang nakakaaliw at insightful na Q&A kasama ang kanyang fans, ibinahagi nila ng asawa niyang si Kitz ang kanilang buhay mag-asawa.

    Ang madalas pag-awayan ng mag-asawa

    Relatable naman ang sagot ni Mama Anne nang tanungin siya kung ano ang madalas nilang pag-awayan ni Papa Kitz. Ayon sa kanya, matigas daw ang ulo ng asawa niya pagdating sa mga simpleng bagay sa bahay. "Kagaya ng pagsasampay niya ng damit kung saan-saan, 'Yung pag-iiwan niya ng mga cabinets na nakabukas," sabi ni Anne. "Wala naman kaming major away na talagang grabeng-grabe," dagdag pa niya.

    Pabiro namang ibinahagi ni Kitz ang kinakainis niya kay Anne. "Mawala lang ako ng five meters, hinahanap mo na ako," sabi niya sabay tawa. Aminado si Anne na talagang clingy siya dahil namimiss niya raw lagi ang kanyang asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sino ang nasusunod sa family decisions?

    Agad namang sinabi ni Anne na pagdating sa mga desisyon sa bahay, si Kitz talaga ang nasusunod. "Mostly, si Papa Kitz talaga 'yung last say. Pero, bago siya magkaroon ng last say, ako muna 'yung maraming say," kwento ni mama Anne. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Combined decisions naman ang sagot ni Kitz na nabanggit din naman ni Anne. "Kailangan sa mag-asawa, ganon. Hindi dapat 'yung isa lang ang nasusunod."

    More from Smart Parenting

    Usapang hiwalayan

    Tulad ng ibang mga mag-asawa, hindi na rin pala bago sa mga 'almost breakups' sina Anne at Kitz. Kwento ni Anne, may pagkakataon daw na umalis si Kitz dahil sa hindi nila pagkakaunawaan."Noong mga time na 'yun mayroon talaga 'yung pareho kayong immature," paliwanag niya.

    "'Yung topak ka, may topak din ako," sabi naman ni Kitz. "Pareho kayong immature na kumbaga kahit maliit na bagay pinagtatalunan ninyo," dagdag pa ni mama Anne.

    More from Smart Parenting

    Mga hindi pagkakaunawaan  

    Sinong unang nakikipagbati at nagsosorry kapag may misunderstandings? Hindi agad nakasagot ang dalawa sa tanong pero nang sabihin ni Kitz na nagso-sorry siya kahit hindi niya kasalanan, agad namang pinabulaanan ito ni Anne.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Hoy, hindi ka nagsosorry sa akin!" pabirong sabi ni mama Anne. "Tatanungin niya ako kung anong gusto ko. Syempre kapag may ganoon nang tanong, bagsak na ang Bataan," pabirong dagdag niya.

    Pagdating sa leave and cleave

    Ang leave and cleave ay iyong pag-alis ng mag-asawa sa puder ng kanilang mga magulang at pagbukod nang walang kasamang extended family. Pagbabahagi ni Anne, noong bumokod sila ni Kitz, aminado silang hindi pa nila kaya. "Pero natutunan namin," sabi niya.

    Kwento pa ni Anne, nang maging mag-asawa sila ni Kitz, buntis na siya at kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral. "Hindi kami humiwalay. Doon kami tumira kay mommy at daddy," sabi niya. "Kailangan talaga na hihiwalay kayo, kasi hindi kayo matututo bilang mag-asawa," dagdag pa niya. "Alam niyo 'yung lahat ng desisyon kayong dalawa lang. Doon kayo magiging responsable."

    More from Smart Parenting

    Ano ang best thing to do kapag uma-attitude si mister?

    "Hindi siya naga-attitude sa akin," sabi ni Anne. "Ako ang nag-aattitude sa kanya!" Nang tanungin naman niya si Kitz kung anong ginagawa nito kapag nag-aattitude siya, simpleng 'Hinahayaan ko lang' ang sagot nito. "Huwag mong sabayan," payo ni Kitz. Importante ring bigyan mo ang iyong asawa ng time and space.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano i-handle ang selos?

    Wala na raw selosan sa kanilang mag-asawa sa punto ng kanilang pagsasama ngayon. Kwento ni Anne, dati ay nagseselos pa siya kapag tinitignan niya ang Instagram ni Kitz. Pero ngayon, hindi na niya ito pinapansin. "Natural lang sa lalaki 'yun. Ngayon, parang wala nang effect —nakasanayan ko na lang siya," paliwanag niya.

    Tinanong din ng mga fans si Anne kung dumating ba sa point na nagkaroon ng ibang babae si Kitz. "Never" ang simpleng sagot niya. "Wala kaming ganitong issue," paliwanag niya.

    Payo pa ni Anne, dapat ay lagi mong iniisip bilang babae na wala nang mahahanap na katulad mo ang asawa mo. "Lagi ninyong itaas ang bandera ninyo!" pag-encourage niya.

    More from Smart Parenting

    Sinong in-charge sa budget

    Kung madalas ay ang mga nanay ang nagbubudget, mayroon pa rin namang mga households, tulad ng kina Anne, na si tatay ang in charge sa budget ng pamilya. "Kasi 'pag ako nag-budget, sobrang magastos ako," katwiran ni mama Anne.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas manhid nga ba ang kalalakihan?

    Naramdaman niyo na ba na parang nababalewala kayo? "Oo," sagot ni mama Anne. Kalimitan kasi ay nararamdaman ng mga nanay na parang hindi na sila napapansin ng mga asawa nila. Ganoon din minsan ang pakiramdam ng beauty vlogger. "Minsan puro ping pong 'yung inaasikaso," sabi pa niya. Napakamot na lang ng ulo si papa Kitz.

    "Mas madalas pa niyang pagplanuhan 'yung paglalaro niya kaysa 'yung pagpasyal," paglalambing pa niya.

    More from Smart Parenting

    Sex talk

    Pagdating naman sa usapan ng lovemaking, sinabi ni Anne na importanteng pinaguusapan ito ng mag-asawa. Dagdag pa niya, isa ito sa mga nagpapatatag sa pagsasama ng mag-asawa. "Hindi naman 100%. I feel like, malaking factor 'yun," paliwanag niya.

    Importante rin ang me-time sa kanilang mag-asawa pero hindi naman sila dumating sa puntong nagkasawaan na sila kahit madalas silang magkasama.

    Makikita sa vlog ni mama Anne na open at madali lang sa kanilang mag-asawa na mag-communicate sa isa’t-isa bagaman mayroon din silang mga challenges na pinagdaanan at pagdadaanan pa. Patunay ito na kung mayroon kayong open communication, wala kayong hindi mapagtatagumpayang mag-asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng video dito:

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles