-
'Biggest Christmas Gift Ever' Para Kay Mommy Nang Magkusang Magpa-Vasectomy Ang Asawa
Plano pa rin ni mommy na magpa-ligate "para quits kami."by Angela Baylon .
- Shares
- Comments

Hindi biro ang pagtataguyod ng pamilya, kaya naman mahalaga na bukas ang mag-asawa pagdating sa usapin ng family planning. Kabilang na ang paggamit ng birth control o contraceptives upang masunod ang planong bilang ng anak. Dapat ring maiparating na hindi lang mga babae ang dapat na umako ng responsibilidad pagdating sa pagpaplano at pagsasagawa ng birth control.
"Most men don't have any idea na may for men talaga na way of contraceptive aside (from) condom."
Mister, sinurpresa ang asawa sa desisyong magpa-vasectomy
Masayang ibinahagi ng isang miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village ang kaniyang kasiyahan nang malamang nagkusa ang asawa na magpa-vasectomy, isang birth control procedure na isinasagawa sa mga lalaki.
Kuwento ni Ladylyn Grace Flores, 2012 pa lamang matapos ipanganak ang kaniyang panganay ay may plano na siyang magpa-ligate, na family planning method naman para sa mga kababaihan. Hindi ito natuloy dahil 20 anyos pa lamang siya noon at hindi pa raw maaaring sumailalim sa nasabing procedure. Dahil dito, walong taon siyang gumamit ng IUD (intrauterine device) na isa ring paraan upang mapigilan ang pagbubuntis.
Hindi gaya ng IUD na maaaring tanggalin, ang tubal ligation ay isang klase ng permanent birth control.
Isang buwan bago ang schedule na pagtanggal ng IUD kay Ladylyn upang muling subukang sumailalim sa ligation, nalaman niyang buntis siya. Aniya, maaaring dahil sa araw-araw na pagbibisikleta kaya pumalya ang IUD. Dahil dito mas naging desidido siya sa pagpa-plano ng birth control dahil "ika nga nila quota na kami kasi one boy, one girl na." Dito na niya unti-unting binuksan sa asawang si Aris Flores ang tungkol sa vasectomy.
Mommy Ladylyn kasama ang asawang si Aris at kanilang dalawang anak.PHOTO BY ladylyn floresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Paminsan-minsan tinatanong ko si husband if kaya niya ba if siya na lang patali tutal mas madali lang procedure at libre pa kaysa sa ligate, tinanong ko kasi nga di ba para sa iba, kabawasan sa pagkalalaki nila if hindi na sila makakabuo," kuwento ni Ladylyn.
Pagpapatuloy niya, "At first hesitant siya but kalaunan um-OK na siya since nakita naman niya gaano ako ka-decided na magpatali na at 'yung effort at hirap ko sa pagdadala ng baby at pag-aasikaso sa mga bata."
"Hindi lang dapat si misis 'yung laging nasasaktan o na co-compromise 'yung body."
At nito ngang Nobyembre 2021, laking tuwa ni Ladylyn nang biglang mag-chat ang kaniyang mister na nakapagpa-schedule na pala siya ng vasectomy procedure. Para sa kaniya, itinuturing niyang "biggest Christmas gift nya ever" ang pagkukusang ginawa ng asawa.
Ibinahagi ni Aris kay Ladylyn na siya na ang nag-asikaso ng mga kailangan upang makapagpa-schedule ng vasectomy procedure.PHOTO BY Ladylyn FloresMensahe sa ibang mag-asawa na nais mag-family planning
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSa comment section, maraming ang humanga sa pagpi-presenta ni Aris na manguna para sa kanilang family planning. Ang isa pabiro pang nagtanong ng "Shopee link sis? Maka-order nga ng tulad ng hubby mo." Habang mayroong ding mommy na hiniling na sana ay magawa rin daw ito ng kaniyang mister.
Payo ni mommy Ladylyn, "I-open niyo lang sakaniya [mga asawa] 'yung idea (ng vasectomy), wala naman po mawawala. Most men don't have any idea na may for men talaga na way of contraceptive aside [from] condom."
"In reality mas nakakadagdag points ng pagkalalaki 'yung marunong umako ng turn at responsibility niya as part ng family," dagdag niya sa panayam sa SmartParenting.com.ph
Paalala rin niya sa bawat mag-asawa, "Kaya nga family planning di ba hindi lang dapat si misis 'yung laging nasasaktan o na co-compromise 'yung body, health dahil sa family planning kung mayroon naman din for guys."
Basahin dito ang naging karanasan ng isang daddy matapos magpa-vasectomy sa kaniyang early 30s.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments