embed embed2
  • 'Parang Nagkukulang Ako Lagi': Paano Ba I-handle Ang Unappreciative Na Husband?

    Minsan, may kinalaman ito sa love language ninyong mag-asawa.
    by Ana Gonzales .
'Parang Nagkukulang Ako Lagi': Paano Ba I-handle Ang Unappreciative Na Husband?
PHOTO BY Shutterstock/christinarosepix
  • Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    Malimit karamihan sa mga ginagawa at ibinibigay natin sa ating mga mahal sa buhay ay taos sa ating mga puso at walang hinihintay na kapalit.

    Ngunit hindi natin maitatanggi na nakakagaan ng loob at nakakawala ng pagod kapag nakakatanggap tayo ng appreciation mula sa ating mga anak at sa ating partner.

    Kaya lang, paano kung sa halip na appreciation ay panunumbat ang makuha natin?

    Sa ilang #SPConfessions na natanggap namin sa aming email at mula sa mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, ikinwento ng mga nanay kung paanong naramdaman nila na hindi sila appreciated ng kanilang asawa. Narito ang bahagi ng isa sa mga natanggap namin:

    Niregaluhan ko ang asawa ko ng isang mamahaling bagay. Gusto ko kasi ay maayos ang mga gamit niya. Matagal ko itong pinag-ipunan dahil naka-budget na rin ang aming pera.

    Kaya naman nang mabili ko na ito, excited talaga akong ibigay sa kanya. Nang iabot ko, sa halip na matuwa ay nadismaya siya. Nanghinayang siya sa perang ginamit ko pambili.

    Noon pa man ay hindi na talaga siya mahilig sa mga branded items. Pero para sa akin kasi, mas tipid kapag dekalidad ang gamit—hindi kasi madaling masira. Kumbaga, hindi ka gastos nang gastos para magpalit.

    Nagtampo ako. Pakiramdam ko, hindi niya na-appreciate ang gesture ko. Kahit ang mga efforts ko sa bahay, malimit, pinupuna rin niya. Hindi siya masaya sa kung paano ko gawin ang mga bagay-bagay. Pakiramdam ko, nagkukulang ako palagi. Ano bang pwede kong gawin?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    How to deal with an unappreciative husband

    Communication is key

    Gaano man kagasgas ang payong ito, isa pa rin ito sa mga pinaka-epektibo. Kung hindi mo ipaparating sa partner mo na nasasaktan ka sa pagiging unappreciative niya, hindi niya ito malalaman.

    Alamin ang love language ng isa't-isa

    May mga tao na pagbibigay ng regalo ang paraan nila para iparamdam ang pagmamahal sa mga taong mahalaga sa kanila.

    Mayroon naman mga taong quality time ang love language at may ilang service o praise ang binibigyang halaga.

    Kailangang maliwanag sa inyong mag-partner kung ano ang love language ng isa't-isa para malaman ninyo ang motibo ng isa sa ginagawa niya.

    Intindihin ang pinanggagalingan ng partner mo

    Baka kaya hindi agad natuwa ang partner mo sa ibinigay mo ay dahil may iba siyang pangangailangan na kailangang pagtuunan ng pansin.

    Maaaring kaya hindi niya nagugustuhan ang mga ginagawa mo ay dahil mayroon siyang ibang expectation.

    Linawin mo sa partner mo o isipin mong mabuti kung saan siya nanggagaling bago mo isiping hindi ka niya ina-appreciate.

    Draw the line

    Iba ang hindi appreciative sa verbally abusive. Kung wala kang ibang nakukuha sa partner mo kundi panlalait sa mga efforts mo, maaaring ika'y nasa isang toxic relationship. Iba ito sa partner na hindi mo lang naiintindihan ang love language.

    Sa huli, ang mahalaga ay mapag-usapan ninyong mag-asawa kung ano ang nagiging dating ng mga salita ninyo sa isa't-isa. Babalik at babalik din ang lahat sa masinsinang pag-uusap.

     

    Mayroon ka bang #SPConfessions tulad nito na gusto mong ibahagi sa mga kapwa mo nanay? I-share iyan sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles