;
embed embed2
  • Sabi Ni Vicki Belo Kay Sarah Geronimo: 'She Is So Settled And So Happy'

    May pagkakatulad daw ang marriage sa paggawa ng banana bread.
    by Jocelyn Valle .
  • Ibinahagi ni Sarah Geronimo ang ilang detalye ng buhay may-asawa nila ni Matteo Guidicelli 10 buwan pagkatapos ng kanilang secret wedding noong February 20, 2020.

    Simula noon, parati silang magkasama kaya parang 10 years na raw silang mag-asawa. Nakalipat na rin sila nitong October sa isang four-story house na may swimming pool. 

    Nagkuwento si Sarah habang tinuruan niya mag-bake ng banana bread si Dr. Vicki Belo sa YouTube channel ng beauty doctor na posted noong December 17, 2020.

    Buhay mag-asawa, ayon kay Vicki Below at Sarah Geronimo

    May pagkakatulad nga raw ang paggawa ng banana bread sa pagkakaroon ng asawa. Una na dito ang pag-mix ng iba-ibang ingredients, tulad ng “overripe bananas na sobrang tamis” at “butter na salted naman.” Idagdag pa ang vanilla “para laging mabango.”

    Talagang age doesn’t matter

    Naalala ni Sarah na 18 years old siya nang una silang makakilala ni Matteo, na 16 naman noon (32 at 30 na sila ngayon). Naging magkatrabaho at magkaibigan sila hanggang naging magkasintahan.

    Hindi raw naging hadlang ang kanilang two-year age-gap parang tuluyang lumalim ang kanilang relasyon. 

    Paliwanag ni Sarah, “Ang maturity naman po namin, magkaiba. May mga bagay na mature siya, ako immature. Feeling ko mas mature ako sa mga mga bagay na ganito, and siya, malapit na!”

    Napapitik ng mga daliri si Sarah, sabay biro sa tingin niya ay pagbubuhat ng sariling bangko, “Wow! E, di ako na!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalaga ang pagtitipid

    Kahit narating na ni Sarah ang superstar status, mahigpit pa rin ang hawak niya sa kanyang pitaka. Ganoon din si Matteo, na galing naman sa may kayang pamilya at may sarili pa siyang negosyo, bukod pa sa pagiging actor at singer.

    Biro nga ni Vicki na parating pagtitipid ang nasa isip ng newlyweds. Kapag kasama niya raw si Sarah sa pagsha-shopping, panay ang tingin ng kanyang Belo endorser sa price tag. Si Matteo naman daw, madalas magsabi na kailangang mag-ipon ng pera.

    Pero hindi sang-ayon si Vicki sa komento ni Sarah na “super kuripot” ang newlyweds. “Careful” lang daw sa paggastos, at mainam daw iyon. Aniya, “It brings you together, that you have a dream and you work towards it.”

    Paghingi ng validation

    Pansin ni Sarah sa mga tulad niyang kababaihan, malimit maghanap ng validation kahit kasal na sa mahal nila. Para makasiguro lang daw na tunay silang mahal ng mga asawa nila. Siya daw talagang nagtatanong kay Matteo ng, “Mahal mo ba ’ko?”

    Pakli naman ni Vicki na parati namang nagsasabi at nagpaparamdam ng pagmamahal si Matteo kay Sarah. Kaya napailing si Sarah at saka umamin. Aniya, “’Yon nga po, gano’n po talaga, mga pa-cute. Ewan ko ba sa mga babae, parang timang.”

    Panoorin dito ang episode ni Sarah Geronimo sa vlog ni Dra. Vicki Belo:

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles