;
embed embed2
  • 'I Lied To My Husband About The Guys I Slept With Before Him'

    #SPConfessions: I was afraid na kapag malaman niya lahat, hindi na niya ako mamahalin
    by Jazer Basan .
'I Lied To My Husband About The Guys I Slept With Before Him'
PHOTO BY Shutterstock
  • Kadalasan, ang mga liham na natatanggap namin sa #SPConfessions ay tungkol sa mga mister na nangangaliwa. Walang taong perpekto at minsan, may mga misis din na nagkakamali.

    Ngunit pagkakamali nga ba ang maging mapusok bago maganap ang kasal? Hanggang kailan dapat itago ang lihim ng nakaraan para hindi maging dahilan ng hiwalayan? Basahin ang confession ng isang ina tungkol sa kanyang premarital relationship.

    'I had to lie to my husband about how many guys I slept with noong single pa ako'

    "I was so afraid na kapag malaman niya lahat, hindi na niya ako mamahalin; hindi na niya ako tatanggapin. Sinabi naman niya sa akin from the start na tatanggapin niya kahit na ano pa basta sabihin ko lang ang totoo. Lately palagi nalang kaming nagaaway hanggang sa nagka-ungkatan ng nakaraan.

    Naniwala ako sa isang tsismis

    Noong nagsasama pa lang kami (before marriage) at umuwi ako ng probinsiya, naniwala ako sa isang tsismis na nakipagbalikan siya sa ex niya. Akala ko sila pa rin.

    Akala ko siya ang gusto at mahal ng asawa ko, at maiiwan na naman akong mag isa. Masasaktan na naman ako. Mawawalan na naman ako ng kwenta sa mundo.

    I met my crush and made another mistake

    It was then when I met my crush and made another mistake. Nagawa ko ito para makalimutan yung problema. We got intimate pero pinigilan ko siya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

    Alam ko na mali yung ginawa ko, na para lang sa pansarili kong nararamdaman. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ng (future) husband ko pag nalaman niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I told my husband 

    I told my (now) husband about my problem. Sinasabi nya na sinira ko ang buhay ko dahil sa mga nagawa ko. Recently, I told him everything kasi palagi na kaming nagkaka problema. Akala ko ile-let go din niya yung past ko dahil tanggap naman niya ako pero he was very disappointed, lost and sobrang sama ng loob niya sakin.

    Nasaktan ko ang asawa ko

    Nasaktan ko ng husto ang asawa ko sa mga pagsisinungaling ko at panloloko ko sa kanya noon na itinago ko. Ako lang ang tanging babae na nakarelasyon niya.

    Sinabi ko sa kanya na gusto ko ayusin lahat ng maling ginawa ko sa kanya. Gusto ko patunayan sa kanya na kahit anong mangyari, hindi ko uulitin na lokohin sya.

    Naiintindihan ko ang galit niya. Sabi niya mali siya ng taong pinili, na pinagsisisihan niya kung bakit hindi niya pa tinanggap yung alok ng ex niya na magkabalikan sila at iwan ako noon. Pero mahal niya ang mga anak namin.

    Ang laki ng sinakripisyo niya para sa akin simula umpisa, pero hindi ko nakita iyon dahil sarili ko lang ang inisip ko. Nagawa ko man sya na lokohin noon, totoong minahal ko siya. Bagay na hindi nya lubos maisip at matanggap.

    Wala na siyang nararamdaman para sa akin

    Alam kong ako ang dapat gumawa ng paraan para tuparin mga pangako ko sa kanya pero wala nang pag-asa. Wala na daw sya nararadaman para sa akin at pinuputol niya na ang ugnayan naming dalawa.

    I really want to make things right. All he's asking  is ikuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin, simula nung hindi pa kami magkakilala hanggang sa mga yung mga nagawa ko na sa buhay ko: every detail.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa mga sinabi nya, dapat na ba ako mag let go at 'wag ng ayusin ang lahat ng ito? Dapat na ba akong bumitiw para maging masaya na sya ulit kahit na hindi na sa piling ko?"

    Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting. Read the full confession on Parentchat.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles