-
Your Health FDA Warns Against 5 Face Mask Brands: Here Is A List That Is FDA-Approved
-
News And Then They Were 5! Nanganak Na Si Andi Eigenmann
-
News Toni Gonzaga Now Appreciates Her Parents' 'No Overnight Before Marriage' Rule
-
Love & Relationships Cheaters Beware: Supreme Court Upholds Jail Time For Unfaithful Husband
-
Kailangan Mo Ba Talaga Ng Credit Card?
Huwag kang kumuha para lang sa status symbolby Lei Dimarucut-Sison .

PHOTO BY @Motortion/iStock
Hindi siguro iilan lang sa atin ang nakatanggap na ng tawag o email galing sa mga nag-aalok ng credit card. At para sa ilan, napakadaling umoo sa alok na ito. Hindi ba, kapag ang isang tao ay may credit card, ibig sabihin, mayaman siya? Kaya bakit ka naman hihindi?
Pero kung magiging wais ka sa pera, ang mas magandang tanong ay, "Bakit mo kailangan ng credit card?" Isa kaya sa mga dahilang ito?
1. Credit card para sa emergency.
Convenient daw ang pagkakaroon ng credit card para sa mga di-inaasahang pangyayari, gaya ng kung mayroong magkasakit sa pamilya o mawalan ng trabaho. Pero may mga nagsasabi din na mas mainam na magtabi ka ng pera sa bangko para sa inyong emergency fund kaysa magkaroon ka ng utang sa credit card company. Magtanong tungkol sa checking account, para mas madaling mag-transfer ng pera kung kinakailangan.
What other parents are reading
2. Credit card para may rebates o rewards.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng rebates at points o rewards ay isa sa mga pang-akit ng mga credit card companies. Para kang nakakakuha ng discount dahil sa rebates. Maari mo namang ipalit ang iyong mga rewards o points sa mga produkto gaya ng appliances o pagkain, o ng services gaya ng airfare o membership.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPero suriing mabuti kung ano ba ang kapalit bago ka makakuha ng rebates o ng points. Gaano ba ang kailangan mong i-charge sa credit card bago ka maging kwalipikado sa rewards o points? Hindi ba mas madali kung bibili ka na lang nang diretso (electric fan? Isang bucket ng fried chicken?)? Wala ka pang utang.
3. Credit card para hindi maubos ang cash.
Ang isang dahilan kung bakit marami ang nababaon sa utang ay dahil ang akala nila, pwedeng "unli" ang gamit sa credit card. Hindi ganoon 'yon. Dapat, kaya mong bayaran nang buo ang credit card bill mo kada buwan (hindi minimum amount lang) para hindi ka ma-charge ng interes. Samakatuwid, ang icha-charge mo sa credit card ay katumbas lang (dapat nga, mas maliit kaysa) ng cash na mayroon ka.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya kung tutuusin, kung gusto mong hindi maubos ang cash mo, hindi ang pagkakaroon ng credit card ang sagot—iyon ay ang pagpigil sa sarili mo na gumastos.
At panghuli, kung gusto mo lang ng credit card para magmukha kang nakakaangat sa buhay—kung status symbol lang ang habol mo—forget it. Hindi kailanman tamang dahilan ito.

View More Stories About
Trending in Summit Network