;
embed embed2
  • Kilalanin Ang Pinay Mom Sa Australia Na Kumikita Ng P200,000 Kada Buwan

    "Gusto ko talaga patunayan sa asawa ko na gusto ko talagang tumulong."
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
Kilalanin Ang Pinay Mom Sa Australia Na Kumikita Ng P200,000 Kada Buwan
PHOTO BY youtube/marielasin
  • Sinong mag-aakalang puwedeng kumita ng halos PHP200,000 a month sa pagpipitas ng prutas?

    Ito ang trabaho ng 23-year-old Pinay na si Mariel Larsen. Apat na taon na siyang nakatira sa Australia, kung saan nakapangasawa siya ng isang Australian na fruit picker doon.

    ALSO READ: How This OFW Became A Restaurant Owner In Australia

    PHOTO BY youtube/marielasin

    Para matulungan ang mister, pinasok din ni Mariel ang pagiging fruit picker, at kumikita siya ngayon ng AU$3,000-AU$6,000 kada buwan, o ang katumbas ay Php113,000-Php226,000 per month.

    “Nakapunta po ako dito sa Australia dahil nakapag-asawa po ako ng isang Australyano, so dinala niya po ako dito sa Australia,” kuwento ni Mariel sa interview ni Kara David para sa Brigada ng GMA News and Public Affairs nitong March 19, 2022.

    Kuwento ni Mariel, hindi simple ang ginagawa nila dahil malalaking bin ang pinupuno nila ng prutas. Ang bawat lalagyan, kailangang punuin ng 300-500 kilo ng prutas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “By the end of the day, as in mararamdaman niyo po talaga yung sakit ng likod niyo, dahil nakatayo po kayo [buong araw] and then mabigat po yung bag.”

    PHOTO BY youtube/marielasin

    Aniya, may mga suki silang mga farm na pinupuntahan taun-taon.

    Lahad ni Mariel, “May routine na po kami every year. Meron po kaming farm na permanently na po talaga na pabalik-balik kami sa iba’t ibang prutas na tinatrabahuan po namin."

    Dahil field work ang kanilang trabaho sa iba’t ibang lugar, nakatira ang pamilya ni Mariel sa isang camper van.

    Sa ganitong paraan, convenient ang pagpunta nila sa iba’t ibang taniman ng prutas.

    “At first, parang mahirap po siya,” aniya ukol sa pagtira sa camper van.

    “At the same time, nae-enjoy ko po na nakakarating kami sa iba’t ibang lugar in Australia.

    “And I really love na parang [family] adventure kasi may anak din kami. So na-e-enjoy ko na rin siya.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    PHOTO BY youtube/marielasin

    Ibinahagi rin ni Mariel na todo-kayod silang mag-asawa ngayon dahil gusto nilang makapagpatayo na ng sarili nilang bahay.

    “We’re really working hard po talaga this time na makapagbahay kami in the next three years.

    “Target po namin dahil mag-five years old na po yung anak namin.”

    Ipinapasilip rin ni Mariel ang buhay niya bilang fruit picker sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na Marielasin.

    Inamin ni Mariel na may mga puna siyang natatanggap sa social media.

    Pinagsasabihan daw siyang asikasuhin na lang ang pag-aalaga ng kanyang anak.

    PHOTO BY youtube/marielasin
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katwiran niya, “Sinasabi ko naman, hindi naman siya kailangan [trabaho], pero ako kasi, gusto ko talaga patunayan sa asawa ko na gusto ko talagang tumulong.”

    Supportive naman daw ang kanyang mister dito. Aniya, “Yung asawa ko hindi naman po siya nag-i-stop sa akin. Whatever makes me happy daw, happy din po siya.”

    This story originally appeared on Pep.ph*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    Basahin dito ang isa pang inspiring story ng isang nanay na pinatunayang walang deadline sa pag-abot ng iyong pangarap.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles