;
embed embed2
  • Sabi Ni Mark Herras, Binibigay Niya Nang Buo Ang Sweldo Sa Kanyang Asawa

    Ikinasal si Mark kay Nicole Donesa noong September 8, 2021.
    by Jocelyn Valle .
Sabi Ni Mark Herras, Binibigay Niya Nang Buo Ang Sweldo Sa Kanyang Asawa
PHOTO BY Instagram/herrasmarkangeloofficial, nicole_donesa
  • Bago pa maganap ang civil wedding nina Mark Herras at Nicole Donesa nitong September 8, 2021 (basahin dito), kung kailan 7 months ang kanilang panganay na si Corky, balak na talaga nilang magpakasal.

    Pero, paliwanag ni Mark sa interview niya sa Tunay na Buhay, ang news and public affairs show ng GMA-7, nagbago ang kanilang mga plano dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon, itinuloy na nila ang kasal at itinaon sa birthday ni Mama Mary.

    Kuwento pa ni Mark sa host ng show na si Pia Arcangel, may mga pagbabagong dumadating sa kanyang buhay simula nang mag-asawa siya. Isa diyan ang tungkol sa usaping pera.

    Nang matanggap kasi ni Mark ang sweldo galing sa payroll ng GMA-7, tinanong niya ang kanyang sarili: "Ibibigay ko ba lahat ’to?" Nagpasya siyang ibigay lahat ng kinita niya sa kanyang asawa.

    Sinabihan pa niya si Nicole: "Wala akong binawas d’yan, ha?" Kaya ang siste, nagsasabi na lang siya sa asawa kapag may kailangan siyang bilhin.

    Kapag naman may pagtatalo o di pagkakaunaawan ang mag-asawa, sabi ni Mark talagang sinisikap nilang mag-usap at magkalinawagan. Dati raw kasi umaalis na lang siya at umuuwi sa sarili niyang bahay. Ngayon daw, hindi nila pinapalipas ang gabi na magkaaway sila.

    Pag dating naman sa pagiging tatay, pansin ni Mark na "instinct" ito. Noon kasing binata pa siya, takot na takot siyang humawak ng baby, halimbawa kapag may kaeksena siya sa isang teleserye. Napaka fragile raw kasi ng baby para buhatin.

    Lahad niya, "Pero sa anak ko, instinct talaga kung paano ka maging tatay—kung paano mo siya bubuhatin, paano mo siya iingatan." Ibinida pa niyang marunong siyang magpalit ng diaper, magpaligo, at magpakain kay Baby Corky. "Nagagawa ko lahat."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles