-
Bianca Gonzalez Nag-Host Ng Excel Tutorial Para Sa Paggawa Ng Budget
Ibinida ni Bianca Gonzalez ang isang Excel expert sa kanyang pinakahuling Paano Ba 'To? episode.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Aminin mo man o hindi, isa talaga sa mga pinaka-challenging na bahagi ng pagiging magulang ay ang pagbubudget ng ating kinikita. Higit na ramdam ito sa mga panahong tulad ngayon, kung saan limitado lamang ang ating mga resources at walan kasiguraduhan kung ano ang mga susunod na maaaring mangyari.
What other parents are reading
Dahil extended nga ang community quarantine sa buong Luzon, mas lalong kailangan nating maging wais pagdating sa pagpapahaba ng 'buhay' ng ating mga budget.
Kaya naman sobrang laking tulong ng pinakahuling Paano Ba 'To episode ni Bianca Gonzalez kasama ang social entrepreneur at Excel expert na si Reese Fernandez-Ruiz. Dahil passion ni Reese ang Excel sheets, makakaasa tayong talagang helpful ang kanyang mga tips pati na rin ang ginawa niyang mga halimbawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano gamitin ang Excel sheets para sa budgeting?
Gumawa ng isang halimbawa si Reese na pwede mong i-download dito: Simple Budget Template. Pwede kang gumawa ng kopya sa pamamagitan ng pag-click ng File at pagpili sa Make a copy. Kung gusto mo namang i-download, i-click mo lang ang File at Download.
Madali lang maintindihan at gamitin ang budget sheet na gawa ni Reese. Hinati niya ito sa tatlong areas: ang Inflow, Savings Target, at Outflow.
Ano nga ba ang Inflow, Savings Target, at Outflow?PHOTO BY Bianca Gonzalez / YouTubeCONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Ano ang Inflow?
Ito ang lahat ng perang pumapasok sa pamilya ninyo. Kasama dito ang sweldo ninyong mag-asawa, pati na rin ang mga side hussles o 'raket' ninyo.
Ano ang Savings Target?
Ayon kay Reese, mahalagang mayroon kang Savings Target para hindi ka lang magtatabi ng 'kung ano ang natira'. Sabi pa niya, ang savings target ay pwede namang bumaba hanggang Php100—ang mahalaga ay may target ka.
Ano ang Outflow?
Dito mo naman ilalagay lahat ng mga gastos mo. Kasama sa ginawa ni Reese ang rent, utilities, phone bill, groceries, at pagkain sa labas pero pwede mo itong dagdagan o baguhin ayon sa inyong pangangailangan.
Makikita mo rin sa Excel sheet ni Reese ang NET. Ito ang perang matitira sa iyo pagkatapos mong ibawas ang Savings at Outflow mo.
Sa ibang mga tabs (bahagi ng sheet sa ibaba) naman, makikita mo ang buwanang breakdown ng mga budget at expenses mo. Payo ni Reese, mas maganda kung araw-araw kang naglalagay ng data para hindi mo nakakalimutan ang mga nagagastos mo o ang mga pumapasok na pera.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNalilito ka na ba? Ito lang ang mga kailangan mong tandaan:
Ang itinalaga mong budget sa Budget tab ang basis ng buong sheet mo. Kapag nagpunta ka sa tab kung saan makikita ang buwanan breakdown ng iyong gastos at income, doon mo makikita ang actual na lumalabas at pumapasok na pera kada araw.
What other parents are reading
Paano mo malalaman kung pasok ka sa buwanang budget mo?
May ginawa ring tab si Reese para diyan—ang Budget vs. Actual. Sabi niya, pagdating sa income, mas maganda kung mas mataas ang aktwal na perang nakuha mo kung ikukumpara sa inaasahan o expected income na nakalagay sa Budget tab mo.
Sa halimbawang ibinigay ni Reese, green kapag pasok ka sa budget na itinalaga mo at red naman kung hindi ka pasok sa budget. Kung makita mo ang zero na value, ibig sabihin, pasok ka sa budget mo.
Ipinakita rin ni Reese kung ano ang mangyayari kung nag milk tea ka ng maraming beses kahit na hindi naman pasok sa budget mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano kung gumastos ka ng Php100 para sa milk tea?PHOTO BY Bianca Gonzalez / YouTubeMakikita mo sa Budget vs Actual tab ng sheet mo na sumobra ka at negative na ang pera mo.PHOTO BY Bianca GonzalezADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
May mga apps na pwedeng gamitin para maiayos mo ang budget ng iyong pamilya. Mayroon din namang tinatawag na envelope method at pwede rin namang notebook lang ang gamitin ninyo para ayusin ang pera ninyo.
Ano man ang iyong pamamaraan, ang mahalaga ay mayroon kang gamit para makita mo kung magkano ang pera ninyo at ang ginagastos ninyo buwan-buwan. Sa ganitong pamamaraan kasi, mas maihahanda mo ang iyong pamilya sa panahon ng kalamidad tulad nga ng nangyayari ngayon.
Mahirap gumawa ng sarili mong budget tracker sa Excel lalo na kung hindi ka marunong, kaya naman magandang pagbabahagi ang gawa nang tracker ni Reese. "Thank you so much for having me," sabi niya kay Bianca. "Thank you for giving me the opportunity to share, kasi, these are really difficult times for a lot of people," dagdag pa niya.
"It's also the time to be transparent with yourself and to reflect on what you have, what you could share, and what you could survive on," sabi pa niya. "The more you know, the better for everyone–the better for you."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede mong panoorin ang kabuuan ng video nina Bianca at Reese dito:
What other parents are reading
Paano ninyo inaayos ang pera ng inyong pamilya? Anong budgeting methods ang gamit ninyo? I-share mo lang ang iyong techniques sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments