embed embed2
  • Mabilis At Ligtas! Narito Ang Online Payment Facilities Ng SSS Maliban Sa Bangko

    Mahalaga na hindi maipagliban ang bayarin sa SSS.
    by Jocelyn Valle .
Mabilis At Ligtas! Narito Ang Online Payment Facilities Ng SSS Maliban Sa Bangko
PHOTO BY iStock
  • Sa unti-unting pagluwag ng community quarantine, nagbubukas na rin ang mga opisina at establisyemento kung saan puwedeng magbayad ng monthly bills, tulad ng Social Security System (SSS) contribution. Pero kung pipiliin pa rin na limitahan ang paglabas ng bahay, makakatulong ang SSS online payment facilities para hindi maipagliban ang bayarin.

    Kapag empleyado, ang kumpanya ang nag-aasikaso ng pagbabayad ng SSS contribution. Pero ang mga miyembrong may status na self-employed, voluntary, at non-working spouse, pati na rin ang household employers at kasambahay, maging mga OFWs, nasa kanila ang responsibilidad ng pagbabayad.

    Ang kanilang buwanang kontribusyon ay maaaring bayaran ng quarterly o advance ng ilang buwan, pero hindi puwede ang mga nakalampas ng buwan (retroactive). Kaya hangga’t maaari walang buwan ang makakaligtaang bayaran.

    What other parents are reading

    Maiiwasan ang ganitong problema at alalahanin sa tulong ng SSS online payment facilities, basta may internet connection at kakayahang gumawa ng cashless transaction. Isinusulong ng SSS mismo ang ganitong paraan ng pagbabayad hindi lang para sa monthly contribution, bagkus maging sa loan repayment, para sa mabilis at ligtas na transaksyon saan man naroroon ang kanilang miyembro, maging sa labas ng bansa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bago simulan ang transaksyon, siguraduhin na meron ng Payment Reference Number (PRN). Ayon sa SSS, mandatory ang pagamit ng PRN sa pagbabayad ng contribution alinsunod sa kanilang proyekto na Real-time Posting of Contribution Payments (RTPC). Sa ganitong paraan, kagaad na makikita ng SSS member ang pagkakatala ng kanyang binayarang contribution. Sinabi rin ng SSS sa isang press statement na 35 sa 86 nilang accredited collecting at paying partners ay sumusunod na sa RTPC.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para masimulan ang online payment, bisitahin ang SSS website. Makikita ang link sa e-payment services katuwang ang kanilang partner banks na kaanib ng grupo ng BancNet. Ito ang mga Bancnet bank members:

    1. Asia United Bank
    2. Bank of Commerce
    3. BPI
    4. BDO
    5. Chinabank
    6. Citibank
    7. CTBC Bank
    8. Development Bank Of The Philippines
    9. East West Bank
    10. Equicom Savings Bank
    11. HSBC
    12. Land Bank Of The Philippines
    13. Metrobank
    14. PB Com
    15. PNB
    16. Philippine Veterans Bank
    17. Philtrust Bank
    18. RCBC
    19. Robinsons Bank
    20. Security Bank
    21. Standard Chartered Bank
    22. Sterling Bank of Asia
    23. UNIONBANK
    24. UCPB

    Kung may credit o debit card, maaari din itong gamitin na pambayad kung ang bangko na nag-issue ng ganoong card ay tumanggap ng SSS payment sa kanilang online banking system.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kapag limitado ang ganitong paraan, magagamit pa rin ang credit o debit card sa pamamagitan ng mobile wallet na PayMaya. I-download lang muna ang SSS app. Dito rin makakakuha ng PRN sakaling wala pa nito ang magbabayad.

    Sa payment page, ibigay lang ang hinihinging impormasyon tungkol sa credit o debit card na registered sa PayMaya account. Puwede rin na direktang magbayad gamit ang PayMaya account. Tandaan lang na may convenience fee na ang halaga ay mula sa 1.75 percent ng total amount na binayaran kung gamit ang credit o debit card. Kapag PayMaya account ang gamit, Php10 ang transaction fee. 

    Magagamit din ang account mula sa iba pang e-wallet na GCash at GrabPay sa katulad na transaksyon sa SSS. Isa pang paraan ay ang mobile app, gaya ng Moneygment at Bayad Center. I-download lang ang app mula sa Google Play o App Store, at hanapin lang ang bills payment feature. Sundin ang mga direksyon at punan ang mga detalye para makapagbayad na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Paalala lang na may singil na system fee ang Moneygment na Php50 kada transakyon at ang Bayad Center naman ay Php5. Tatakbo ng dalawang araw ang pag-post ng Moneygment ng nabayarang contribution, samantalang agad-agad (real-time) sa Bayad Center.

    Bukod diyan, makakabayad na rin ng SSS contribution sa pamamagitan ng financial technology company na Coins.ph at ang tax software provider na Taxumo. Makakagawa ng account sa Coins.ph kapag na-download ang kanilang app at sa Taxumo naman ay sa website nito.

    Nakasaad din sa website ang lahat ng hakbang para makabayad ng SSS contribution at makakuha ng PRN, kung wala pa. Sundan lang ang direksyon at punan ang mga detalye upang matagumpay na magawa ang transaksyon sa isa sa SSS online payment facilities.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles