embed embed2
  • Gipit Sa Cash? Madali Lang Mag-Apply Ng SSS Salary Loan Online

    Malaking tulong din ito sa panahon ngayon
    by Lei Dimarucut-Sison .
Gipit Sa Cash? Madali Lang Mag-Apply Ng SSS Salary Loan Online
PHOTO BY Pixabay
  • Marami sa atin ang mahigpit ang pangangailangan sa pera sa mga panahong ito. Dahil sa enhanced community quarantine na dulot ng COVID-19, ang karamihan ay hindi nakakapasok sa trabaho, kaya palaisipan din kung saan kukuha ng perang gagastusin.

    Kung kailangan mo ng pera at miyembro ka ng SSS, salary loan ang maaring kasagutan dito. At ni hindi mo na kailangang lumabas para  gawin ito — maari ka ding mag-apply online ng SSS salary loan!

    Ano ang SSS salary loan?

    Ito ay isang cash loan na ibinibigay sa mga miyembro ng SSS na kasalukuyang nagtatrabaho, mga self-employed na nagbabayad ng SSS contributions, o mga boluntaryong miyembro. Ito ay tulong pantawid para sa mga short-term na pangangailangan sa pera ng mga miyembro.

    Ayon kay SSS Assistant Vice-President for Media Affairs Ma. Luisa Sebastian, ang SSS salary loan ay maaring gamitin sa "educational or health needs, purchase of gadgets or any other material." Pero hindi lamang para dito ang salary loan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Qualified ka bang mag-salary loan?

    Ang halaga na pwede mong i-loan ay depende sa dalawang bagay: ang halaga ng iyong contribution, at kung gaano katagal ka nang nagco-contribute.

    Kung mag-a-apply ng one-month salary loan, mayroon ka dapat 36 na posted monthly contributions. Ang anim dito ay dapat na-post sa loob ng huling 12 buwan bago ka mag-file ng application.

    Kung mag-a-apply ka ng two-month salary loan, mayroon ka dapat 72 monthly contributions. Anim sa mga ito, dapat nai-post din sa loob ng huling 12 buwan bago ka mag-apply.

    Magkano ang one-month salary loan?

    Ang isang buwang loan ay katumbas ng average ng iyong posted monthly salary credits (MSC) sa huling 12 buwan.

    Paliwanang ni Sebastian, "If a member is consistently paying, at the minimum, monthly contributions worth Php110 [katumbas ng MSC na Php1,000], then the loan amount will be Php1,000; while a member who is consistently paying at the maximum monthly contribution of Php1,760 [na ang equivalent MSC ay Php16,000], can have a loan amount of Php16,000."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano mag-apply ng salary loan online?

    Simula November 2019, ang lahat ng salary loan applications ay dumadaan na sa SSS website, at kailangan nang i-file online. Dahil dito, kailangan mong mag-register sa SSS website bago ka makapag-apply ng salary loan.

    1. Sa web browser ng iyong computer (Google Chrome, Firefox, o kung anuman ang gamit mong pang-surf ng internet), puntahan ang website ng SSS (www.sss.gov.ph).

    2. Mag-log in. Kakailanganin mo ng username at password. I-click ang 'Submit'. Kung hindi ka pa naka-register sa website ng SSS, alamin dito kung paano.

    3. I-click ang E-Services tab.

    I-click lang ang E-Services tab para mag-apply ng salary loan!
    PHOTO BY Screenshot from SSS website

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. I-click ang 'Apply for salary loan'. Sa step na ito, malalaman mo na agad kung maari kang mag-salary loan. Makikita mo na rin dito ang loanable amount, o ang halagang maari mong utangin.

    5. Basahin ang Terms and Conditions, pagkatapos ay i-click ang "I agree to the Terms of Service". Magpatuloy sa susunod na step.

    6. Basahin, i-download, o i-print ang loan disclosure statement. I-click ang 'Submit'.

    7. Isang confirmation message ang makikita mo sa screen pagka-submit mo ng application. Importanteng kopyahin ito o i-print. May makukuha ka ring notification sa email address na inilagay mo.

    Kapag na-submit na ang salary loan application mo, bibigyan ang iyong employer ng tatlong araw para magbigay-patunay, at i-approve o i-reject ang iyong loan. Kung hindi ito magawa ng employer sa nasabing panahon, mag-e-expire ito at kakailanganin mong ulitin ang application process. Malalaman mo ang status ng application mo sa pamamagitan ng email. Makakatanggap ka din ng text message kapag na-approve ang iyong loan.   

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang loaned amount ay idedeposito sa UMID-ATM savings account/Unionbank of the Philippines (UBP) Quick Card. Kung mayroon ka nang UBP saving account, pwede mo ring i-register iyon. Sa kasalukuyan, mga UBP accounts pa lang ang accredited.

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles