embed embed2
  • Taho Business Ni Mommy Kumikita Mula P15K A Month! Sharon Cuneta Naging Client Na

    Nakapundar si mommy ng negosyo mula sa kanyang paboritong snack.
    by Jocelyn Valle .
  • Si Miriam De Guzman-Calimutan ang gumagawa ng binebenta niyang taho, na nakarating na sa kanyang idolo na si Sharon Cuneta.
    PHOTO BY Miriam De Guzman-Calimutan

    Habang lockdown ang Luzon noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic, napaisip si Miriam De Guzman-Calimutan at kanyang pamilya kung ano pa ang puwede nilang pagkakitaan. Doon nagsimula ang kanyang taho business.

    Kuwento ni Miriam sa SmartParenting.com.ph na apektado rin ng "domino effect" mula sa pagbagsak ng ekonomiya ang accounting firm ng kanyang asawang si Al Calimutan. Naunang nakaisip kaagad ang kanilang tatlong anak na gawing negosyo ang household cleaning products at naipundar nila ang Quaranclean (basahin dito).

    Taho business opportunities

    Samantala, nagkaroon si Miriam ng tinatawag na light-bulb moment nang minsang nag-crave silang mag-anak ng taho. Pero dahil sa kautusang pumirmi sa bahay, walang naglalako ng taho at wala ring tinda sa malls.

    Kaya sabi niya sa sarili, "Why not try to make a homemade taho?" Paborito niya raw talaga ang taho mula bata pa siya, at ngayong mom of three na siya, aniya, "it brings back childhood memories."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sakto naman daw na may ipinamanang taho recipe ang kanyang nanay. Pero nang sinubukan niya ito, tokwa ang lumabas dahil "parang may kulang sa measurement." Imbes na panghinaan ng loob at sumuko, nagpursige pa siya nang lubusan para maipundar ang negosyong tinatawag na niya ngayong Taho-Po.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lahad ni Miriam, "Nag-research ako, kabila't-kanan trial and error hanggang sa makuha ko 'yung tamang lasa at consistency...Pumatok siya una sa panlasa ng pamilya ko. Then, I started selling it muna sa village namin."

    Dagdag pa niya, "It was a big hit. Nakita ko 'yung kinasabikan ng tao sa taho, and that makes me more aggressive to sell it outside the neighborhood. Ang social media ang avenue ko to sell my taho."

    Taho business success story

    Nagsimula si Miriam sa initial capital na Php7,000, na kaagad naman daw niyang nabawi. Sa ngayon, hindi bumababa sa Php15,000 ang kita ng Taho-Po kada buwan. May mga pagkakataong lumalakas ang benta at higit pa sa doble ang kita kung minsan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binebenta ni Miriam ang kanyang taho by the bucket. Ang 1 Liter bucket ay may presyong Php250 at ang 2.5 Liter naman, Php400. Bukod sa classic taho, mabibili rin ang coffee at strawberry flavors na may kaunting dagdag sa presyo. Mayroon ding option kung nais ng kliyente ang extra sago o arnibal. Mahahanap ang Taho-Po sa Facebook.

    Umabot na rin ang taho ni Miriam sa idolo niyang si Sharon Cuneta. Bagamat hindi sila nagkita nang personal, nakatanggap naman siya ng video message mula sa Megastar. Nirekomenda kasi siya ng isa pa niya kliyente at kaibigan din na si Rosanna Roces.

    Pahayag pa ni Miriam, "Nakakataba ng puso kasi maliit lang ako na negosyante, eh, nabibigyan halaga ng isang Megastar na napaka sweet at mabait na tunay."

    Gawa ang Taho-Po sa all-natural Canadian soybeans at mabibili by the bucket.
    PHOTO BY Miriam De Guzman-Calimutan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman, sabi pa ni Miriam, sulit ang pagod at panahon na ginugugol niya sa pagpapatakbo ng kanyang taho business. Sinisigurado niya lang na hindi niya napapabayaan ang iba pa niyang priorities.

    Aniya, "Likas na ata sa mga nanay 'yung kayang mag-multiple tasking. I believe it's a gift from God. Madaling araw pa lang, gising na ako to cook our freshly made-to-order taho. And after ma-deliver or pick up lahat ng orders, that's the time naman I help sa accounting business ng husband ko.

    "At sa mga in-between, naisisingit ko pa lahat ng household errands, pagluluto, paglilinis, groceries, pagtuturo ng assignments/modules ng anak, atbp."

    May mensahe rin ang taho business owner para sa nais na maging mompreneur din: "Huwag matakot sumubok. It will start with a vision, eh. Dapat meron niyan. Then, lagyan mo ng passion ang kahit na anong trabaho mo. Kailangan may dedication at commitment ka sa ginagawa mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Patuloy kang mag-aral. Huwag matakot magkamali because it's part of the process. At higit sa lahat, magtiwala sa Diyos na gagabayan tayo at tutulungan magtagumpay."

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles