celebrity,Tagalog,Michael V,Ogie Alcasid,Smart Parenting Village,smart parenting exclusive,Michael V And Ogie Answer Moms' Most Pressing Questions,michael v, ogie alcasid, celebrity dad, smart parenting village, tagalog, smart parenting exclusive,Bakit nga ba matagal si daddy sa banyo? Sinagot 'yan ng mga celebrity dads na sina Ogie at Bitoy.
LifeNews

'Bakit Ang Tagal Sa Banyo?' Mga Tanong Ng Mommies, Sinagot Nina Ogie Alcasid At Michael V

Masayang ikinwento ng dalawa ang 'panig' ng mga tatay.
PHOTO BYMichael V., Ogie Alcasid

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkakaintindihan sina nanay at tatay. Minsan talaga, may mga ginagawa ang isa't-isa na mahirap unawain.

Para hindi na ito pagmulan pa ng simpleng hindi pagkakaintindihan o malalang away mag-asawa, itinanong namin sa mga celebrity dads na sina Ogie Alcasid at Michael V. o Bitoy, ang mga 'pressing questions' ng mga moms.

Sa ikalawang episode ng Smart Parenting Exclusive interview namin sa kanila bilang aming cover ngayon buwan ng mga tatay, kwelang ipinaliwanag nina Bitoy at Ogie ang 'panig' ng mga tatay.

Sinagot nila ang mga 'alegasyong' masyadong matagal sa banyo ang mga tatay. Ipinaliwanag din nila kung bakit kahit may listahan na, minsan nagkakamali pa rin si daddy ng bibilhin.

Ipinaabot din namin sa kanila ang tanong ng mga nanay kung bakit mas nauuna pa silang nakakatulog sa pinapatulog nila at kung bakit hindi nila agad itinatapon ang basurahan kahit puno na.

Excited ka na bang marinig ang mga sagot nila? Panoon ang buo (at nakakatawang) Smart Parenting Exclusive dito:

Producers: Ana Gonzales with Jocelyn Valle

Editor/video: Stephen Migallen

Art direction: Jico Joson with Cyrille Calderon

Relate ba kayo ng partner mo sa mga tanong ng mga nanay at sa mga sagot nina Ogie at Bitoy? I-share ang inyong diskusyon sa comment section.

Mapapanood sina Michael V. at Ogie sa Smart Parenting YouTube Channel at Facebook page sa buong buwan ng Hunyo bilang pag-gunita sa Father's Day. Pumunta lang sa smartparenting.com.ph para mabasa ang iba pang kwentong isinulat namin tampok ang dalawang kwelang celebrity dads na ito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close