
PHOTO BY iStock

Trending in Summit Network
Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na walang inilabas na direktiba ang gobyerno na bawal magpapasok sa supermarket o ano mang establisyimento ng mga taong hindi nakasuot ng face mask.
"Wala naman kaming inilabas na patakaran mula sa inter-agency task force na kailangang magsuot ng mask bago pumasok sa mga supermarket," paliwanag ni Nograles sa isang televised briefing. "Ang rules lang natin ay magkaroon lamang ng social distancing sa mga supermarkets," dagdag pa niya.
Ayon sa ilang reports na natanggap nila, may mga taong hindi pinapapasok sa ilang establisyimento dahil hindi umano nakasuot ang mga ito ng face mask.
Giit ni Nograles, ang kasama lamang sa rules na inilabas ng gobyerno ay ang pagkakaroon ng social distancing kaya hindi dapat pigilang makapamili o makapasok sa groceries at supermarkets ang sino mang walang suot na face mask.
"Made-determine naman ng supermarkets kung ilan ang maaari nilang papasukin, to make sure na may social distancing sa loob," pahayag niya. "'Yun lang ang patakaran ng IATF."
Ang IATF o Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang isa sa mga nangungunang kumikilos para mapigilan ang paglala ng pagkalat ng nakamamatay na COVID-19. Si Nograles ang kasalukuyang spokesperson ng task force.
Sa iba namang balita, nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG), na walang 'window hours' ang enhanced community quarantine.
Kumalat kasi online ang isang Facebook post na nagsasabing may nakatakdang oras kung kailan pwdeng lumabas ang mga tao at mamili at mayroon ding nakatakdang oras kung kailan bawal lumabas ng bahay.
Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, fake news ito. "There is no such policy from the DILG and IATF," paliwanag niya sa GMA News. Dagdag pa ni Malaya, inatasan ang kapulisan para hikayatin ang mga tao na manatili lamang sa loob ng bahay.
Paglilinaw naman ni PNP - DPCR chief Police Major General Benigno Durana, pinaalalahanan na ang mga local government units na huwag "mag-overstep" o iwasang ma-misinterpret ang mga gabay na inilabas ng IATF.
Para sa iba pang mga balita at kwentong tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ang link na ito.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.