embed embed2
  • Good News! Isang 16-Day-Old Baby Ang Pinakabatang COVID-19 Survivor Sa Bansa

    Inalagaan siya ng National Children's Hospital medical staff sa loob ng 11 na araw.
    by Jocelyn Valle .
  • Isang 16-day-old baby ang kasalukuyang pinakabatang COVID-19 survivor sa bansa. Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) sa kanilang Facebook page kahapon, April 30, 2020. Gumaling ang sanggol sa ilalim ng pangangalaga ng healthcare workers sa National Children’s Hospital (NCH). 

    Dagdag pa ng DOH na 11 araw na ginamot at kinalinga ng doctors, nurses, at iba pang frontliners ang sanggol na tinawag nilang "Baby Survivor." Hangga sila sa tapang at husay ng NCH healthcare team sa kanilang tagumpay. Saludo din sila sa lahat ng healthcare workers sa kanilang patuloy na serbisyo sa gitna ng krisis.

    Nagbigay pugay si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa medical staff ng NCH sa kanyang Facebook virtual presser noong araw ding iyon. Tinawag niya silang “matatapang” at “walang kapagurang nagtatrabaho upang masiguro ang kaligtasan” ng sanggol na kinilala naman niyang Baby Kobe.

    Nilinaw din ni Vergeire na salungat sa unang lumabas na balita ay dalawa lamang — at hindi anim — ang pumanaw sa 25 na sanggol na nag-positibo sa coronavirus. Nagkaroon daw muli ng validation ng mga datos mula sa epidemiology bureau ng DOH. Dito lumabas ang tamang bilang na dalawa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, “Ang posibleng dahilan kung bakit pumanaw ang mga sanggol sa COVID ay dahil vulnerable po sila sa mga kumplikasyon ng sakit buhat ng kanilang immature immune system.” 

    Binigyan diin ng Undersecretary ang kahalagahan ng breast milk bunsod ng tanong na sinumite ng isang news reporter tungkol sa pagkakaiba nito sa formula milk. Bukod pa daw sa ipinagbabawal ng Milk Code ang pagdo-donate ng formula milk.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Vergeire, “Mas mainam po ang breast milk para sa mga sanggol at bata dahil ito po ay kumpletong pagkain. Ibig sabihin, nilalaman nito ang vitamins, minerals, at iba pang sustansyang kinakailangan ng mga sanggol hanggang anim na buwan, at patuloy po ang benepisyo nito hanggang dalawang taong gulang.

    “Bukod po dito, naglalaman din ng antibodies ng nanay ang kanyang breast milk na nagpapalakas ng resistensya ng kanyang anak. Hindi po ito nakukuha sa formula milk.”

    More from Smart Parenting

    Inulit ng undersecretary ang nasabi na niya sa nakaraang virtual presser na mayroong 16 human milk bank “sa loob ng National Capital Region, maging sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na maaaring makapag-supply ng breast milk para sa mga sanggol.”

    Dugtong niya, “Dito po natin makukuha ang pasteurized donor milk na ligtas at masustansyang breast milk. Tayo po ang makikipag-ugnayan sa local government para dito.”

    Pinaalalahanan din niya ang pamunuan ng lokal na pamahalaan na ipinagbabawal ng batas, partikular ang Executive Order No. 51, ang marketing activities kasabay ng pamamahagi ng formula milk.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Diin niya, “Bawal ang advertisement na nagsasabing ang formula milk ay maaaring maging substitute para sa mga batang wala pang tatlong taong gulang.”

    Inulat ni Vergeire na ayon sa datos ng April 30 mula sa DOH ay may 8,488 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ang 1,043 sa mga ito ay gumaling at 568 naman ay pumanaw na. 

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles