;
embed embed2
  • Ang Mga Magulang Ba Ang Dapat Managot Sa Masamang Asal Ng Anak?

    Para sa Chinese government, dapat panagutan ng mga magulang ang salbaheng bata.
    by Angela Baylon .
Ang Mga Magulang Ba Ang Dapat Managot Sa Masamang Asal Ng Anak?
PHOTO BY Shutterstock
  • Bilang mga magulang responsibilidad natin na siguruhing mapalaki nang mabuti at masunurin ang ating mga anak. Pero ang mga magulang nga ba ang dapat sumalo ng kasalanan ng anak?

    Sa China, isang batas ang isinusulong upang mapanagot ang mga magulang ng mga kabataang nagpakita ng hindi magandang asal o di kaya'y nakagawa ng paglabag sa batas.

    Ayon sa ulat ng Reuters, sa ilalim ng family education promotion law, kailangang sumailalim sa family education guidance programs ang mga magulang o guardian ng mga batang nakitaan ng masamang pag-uugali.

    Naniniwala kasi ang isang opisyal sa China na ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa pagbuo ng pamilya ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumalaking pasaway ang isang bata.

    Sa ilalim din ng naturang batas, hinihikayat ang mga magulang na siguruhing makakapaglaan sila ng oras upang maka-bonding ang kanilang mga anak.

    Batas sa Pilipinas

    Sa ilalim ng Republic Act No. 9344, nakatakda sa 15-anyos ang Minimum Age of Criminal Responsibility. Ibigsabihin nito, maaaring hindi mapanagot sa batas ang mga edad 15 pababa kung mahuli silang gumawa ng krimen. Gayunpaman, kailangan pa rin nilang sumailalim sa intervention programs.

    Kasabay ng mga panawagan na babaan pa ang edad na 15, mayroon ding mga nagsusulong sa bansa na panagutin ang mga magulang ng mga menor de edad na nakakagawa ng krimen.

    Sa isinulong na panukalang batas noong 2019, pagkakakulong ng 30 araw hanggang 6 na buwan ang maaaring harapin ng mga magulang ng mga batang lumabag sa batas kung hindi sila sasailalim sa mandatory intervention programs.

    Maaalala rin na noong 2018, sinabi ng Quezon City Police na maaaring mapakulong o idemanda ang mga magulang ng mga kabataang paulit-ulit na lumalabag sa curfew.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga dapat gawin kung hindi sumusunod ang anak

    Ayon sa child development psychologist na si Dr. Tovah Klein, may anim na paraan kung paano tutugunan ng mga magulang sa positibong paraan ang napapansing hindi kaaya-ayang pag-uugali ng anak: 

    1. Siguruhin na maiparamdam sa anak na siya na ay nasa safe environment.
    2. Maging bukas na makinig at makipag-usap sa anak.
    3. Hayaan ang anak na maglaro nang mag-isa.
    4. Huwag agad agad magalit kung may nagagawing mali ang anak.
    5. Intindihin ang anak at unawain na limitado pa ang kaniyang kakayahan bilang bata.
    6. Mag-set ng limits at boundaries at ipaliwanag kung bakit ito dapat sundin.

    Basahin dito ang mga payo ng eksperto kung paano didisiplinahin ang anak na pasaway.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles