embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Cherry Pie Picache Bumili Ng Isang Gabi Ng Kanyang Play Tungkol HIV Para Sa Anak

    Ang award-winning actress ay may 17-year-old son na tennis player.
    by Jocelyn Valle .
  • Ginamit ni Cherry Pie Picache ang pagkakataong makasama sa isang stage play, na tumatalakay sa HIV at AIDS, na buksan ang pag-uusap ng sensitibong paksa sa kanyang only child na teenager na, si Nio Tria. Ayon sa batikang aktres na sa edad 17 ay nasa punto ang anak niya na magkaroon ng mas malawak na discovery at exploration, kaya sinisiguro niyang malaya silang nakakapagdiskusyon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumaganap si Cherry Pie sa Under My Skin bilang doktor ng mga pasyenteng may human immunodeficiency virus (HIV), na kapag hindi nagamot ay nagkakaroon ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Napag-alaman niya mula sa research na ginamit sa stage play at iba pang platform na maraming kabataan — ang ilan ay edad 13 at 14 — ay apektado na. Bukod pa dito ang mga sanggol na nasalinan ng sakit mula sa kanilang mga ina. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinabihan ni Cherry Pie si Nio na basahin ang kanyang script at kausapin siya kung may mga tanong. Ito ang kuwento ng movie at TV star sa open forum na naganap pagkatapos ng press preview ng Under My Skin nitong February 5, 2020 sa Peta Theater sa Quezon City.

    Mahalaga daw na makapanood ang mga kabataan tulad ni Nio at kapwa naman niya mga magulang para mapag-usapan ang isyu. Aniya, “Ang pakiramdam ko naman dito, culturally gano’n tayong mga Pinoy, di ba? Ayaw nating ma-embarrass, nakakahiya, ayaw nating umamin, lalo na sa mga exclusive schools. That’s what I’m trying to focus on, to let them know, ‘No, you should watch it. At least you can have an open mind about it. Or see a different perspective na hindi ito embarrassing.’”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pansin ni Cherry Pie na ang mga kabataan ngayon ay “sobrang aggressive,” base na rin sa mga obserbasyon ni Nio. Sa isang bar, halimbawa pa niya, “in 20 minutes, something can happen,” patungkol sa intimate na pangyayari. 

    Dagdag niya, “I also discuss the importance of condom and everything else. Wala ka pa nga sa morals and values. Hopefully after this, dapat ma-dissemenate na ang gano’ng information.”

    More from Smart Parenting

    Kaya ang ginawa ni Cherry Pie ay bumili siya ng isang gabi ng pagtatanghal ng Under My Skin, na mapapanood sa Peta Theater tuwing weekend mula February 7 hanggang March 22, at iimbitahin niya ang mga kaibigan ni Nio para sabay-sabay silang manood at matuto.

    “I want the, ano, ’yon ngang sa exclusive schools na sheltered na wala masyadong pakialam,” pahayag niya nang may ngiti, sabay paggaya kung paano sila magsalita. “’Yong ‘What’s that? Yeah, I know.’ Sila, I want them to be aware. Sila dapat ang nakakapanood nito. So that’s what I’m going to do.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Nio ay anak ni Cherry Pie sa ex-partner na si Gary Tria. Base sa isa niyang Instagram post ay nanatili silang magkaibigan pagkatapos ng kanilang relasyon at patuloy sa co-parenting arrangement nila sa tinatawag niyang “our greatest blessing.”

    Ipinapakita din sa iba pang Instagram posts ang closeness ng mag-ina. Ang unang deskripsyon ni Cherry Pie sa kanyang profile ay tennis mom at pangalawa lang ang pagiging aktres. Manlalaro si Nio ng International Tennis Federation (ITF), at suportado siya ng kanyang mommy. “Glorified yaya,” ika nga ni Cherry Pie sa sarili. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi sa tennis tournament magkasama ang mag-ina ay sa mga pamamasyal at food trip. Sabay din silang nanood ng U2 concert noong December 2019 sa Philippine Arena sa Bulacan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles