Trending ngayon sa social media ang video ni Chito Miranda na karga ang kanyang bunsong anak na si Manuel Alfonso o Cash habang kumakanta sa stage.
View this post on Instagram
Kuwento ng Parokya ni Edgar frontman na nag-special appearance ang kanyang dalawang taong gulang na anak sa kanilang concert sa Toronto, Canada.
"Yung nagko-concert ka tapos kelangan mo din magpa-tatay," saad ni Chito sa video na may halos 1 million views na sa Instagram.
Mapapanood sa video na buhat ni Chito ang anak habang kumakanta ng "Inuman Na." May suot si Cash na headset na tumakip sa kanyang mga mata kaya biro niya sa caption, "Naging si Cyclops sandali eh."
Matapos nito ay sinabihan niya ang anak, "Oh, go back there!"
Chito Miranda inspires netizens to multi-task
Komento ng mga followers ni Chito, "Literally a stage dad! Salute!"
Bilib din ang iba dahil napagsasabay ni Chito ang pagtatrabaho at pagiging tatay. Ani ng isa, "Parenting hacks 101!"
Sa simpleng video, naipakita ni Chito na kaya rin ng mga tatay na mag-multi-tasking. "Ulirang ama goes to Chito Miranda, I understand you so much Sir. Kudos!" sabi ng isang mommy follower na nakaka-relate kay Chito.
Parehas daw sila ng set-up ng kanyang asawa. Bitbit ng asawa niya ang anak nila sa trabaho kapag may lakad siya.
Chito Miranda grateful he can bring his family during his band tours
Base sa Instagram posts ni Chito, lumipad ang buong pamilya niya noong January 31 papuntang Vancouver para sa kanilang US-Canada tour.
View this post on Instagram
Kuwento ni Chito, sobrang saya niya na nasasama niya ang kanyang pamilya tuwing may tour sila sa ibang bansa kasama ang Parokya.
"Unang-una, malaking bagay kasi para sa amin ni Neri na ma-experience ng mga kids namin lahat ng pwede nilang ma-experience. Aside sa school, feeling kasi namin madami din silang natututunan sa pag-travel."
"Pangalawa, hindi ako nase-stress at naho-homesick kahit gaano katagal yung tour. Dati kasi, kahit 2 weeks lang yung tour, ang sungit ko na hahaha. Ngayon, kahit more than a month ako mag-tour, wala akong paki kasi kasama ko pamilya ko... kaya tuwang-tuwa yung mga producers at management namin kasi hindi ako nagi-inarte hahaha."
"Higit sa lahat, nage-enjoy sila kasi kung saan saan sila nakakapunta (pati na rin ako hehe). Dati kasi nagkukulong lang ako sa hotel room tuwing may tour, naghihintay lang na tumugtog at umuwi. Ngayon, dahil kasama ko pamilya ko, masaya ko silang nasasamahan kung saan saan hehe!"
Habang nasa tour, nakapag-Disneyland pa ang mag-anak. Sa isang post, ibinahagi ni Chito kung gaano siya kasaya bilang magulang na naparanas niya sa mga anak ang mga bagay na dati ay pangarap lamang nila.
View this post on Instagram
"Nung maliit pa ako, madalas sabihin sa akin ng Mom ko na dream nya talaga na madala kaming magkakapatid sa Disneyland.
Kaya nung nagka-anak kami ni Neri, ang isa sa mga una kong ginawa was dalin si Miggy sa Disneyland kasama ng Mom and Dad ko.
Kaya sobrang saya ko na nagawa ko yun para sa mga anak ko and sobrang nauunawaan ko kung bakit isa yun sa mga pinangarap ng Mom ko para sa aming magkakapatid."
Bukod kay Cash, may dalawa pang anak si Chito at Neri Naig, sina Pia at Miggy.