embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Andi Eigenmann At Jake Ejercito Magkasamang Ipinagdiwang Ang 8th Birthday Ni Ellie

    Nag-share din ang lola ni Ellie na si Jaclyn Jose ng kanilang birthday celebration.
    by Jocelyn Valle .
  • Eighth birthday ni Ellie Eigenmann kahapon, November 23, 2019 at base sa Instagram posts ng kanyang award-winning actress-grandmother na si Jaclyn Jose ay tila nagdiwang sila sa isang restaurant kasama ang kanilang pamilya na binubuo ng mommy ni Ellie na si Andi Eigenmann, baby sister na si Lilo, at uncle na si Gwen.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nauna nang bumati si Andi sa Instagram noong araw ding iyon. Nagbigay pugay siya sa kanyang panganay, na tinawag niyang “my ultimate dream come true!” Dagdag pa niya, si Ellie ay “light of my life” at “reason I am where I am today.” Sigurado din daw siyang nagbibigay liwanag ang kanyang darling daughter sa buhay ng maraming tao kaya hinikayat niya itong manatili lang sa pagiging siya.

    More from Smart Parenting

    Kalakip ng kanyang mensahe ay ilang hiling at payo. Aniya, “All I hope is to be able to give back to you by doing the best that I could, everyday, in raising you to be the best human being you could be: smart, with your own decisions. Rich, with love and friendship. And powerful, which you already are, because you are kind.

    “That is the best super power you could have, Elle. So I hope you take that with you wherever life takes you. Time and again I never fail to say this: Choose kindness no matter what! Even if at times, the world may not always be kind to you.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa huli ay tinawag ni Andi ang birthday girl na “sweetest, adorablest, wittiest, unicornest, slimiest, mermaidest girl I know!” at kanyang “first true and great love.”

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang araw bago ang actual birthday ni Ellie ay nakasama naman niya ang kanyang daddy na si Jake Ejercito sa isang celebration na ginanap sa eskuwelahang kanyang pinapasukan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pumunta si Andi at Jake sa school ni Andi para i-celebrate ang kanyang kaarawan.
     PHOTO BY @UNOEMILIO/INSTAGRAM STORIES

     

    Nag-post si Jake ng ilang larawang sa kanyang Instagram Stories kuha sa birthday party, kabilang ang rare shot nilang mag-ama kasama si Andi at si Lilo, anak ni Andi kay Philmar Alipayo.
    PHOTO BY @unoemilio/Instagram Stories
    More from Smart Parenting

    Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na maraming naging gusot sa umpisa bilang co-parents si Andi at Jake, isa sa mga anak ng dating aktor at presidente na si Joseph “Erap” Estrada. Noong October 2016 ay inanunsiyo ni Jake sa isang Instagram post na siya ang biological father ni Ellie. Sa sariling pahayag ni Andi ay ipinaliwanag naman nitong desisyon nilang gawing pribado ang paternity matters ng anak bagamat bahagi na ng buhay ni Ellie si Jake sa simula pa lamang. Mas naging malapit pa si Jake at Ellie.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nitong November din, ilang araw bago ang kaarawan ng bata ay nagbiyahe silang dalawa sa Roxas City, na kabisera ng Capiz province. Pahayag ni Jake sa Instagram post na layunin niyang may bago siyang lugar sa Pilipinas na gagalugarin kasama si Ellie. ’Yon nga lang daw ay masyadong nasisiyahan ang bata sa isang lugar kaya gusto nitong balik-balikan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa araw ng birthday ni Ellie, isang pakiusap ang ginawa ni Jake sa kanyang Instagram post. Sabi niya, “Well, look who’s just turned 8!! Crazy how time flies! Keep to your sweet and sunny ways, my love. God knows I’ll try to take care of the rest. But could we just hit the pause button even for a little while?? Love you most with Nutella and toast!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles