-
Sabi Ni Kara David, 'Dagdag Karangalan' Ang Pagtatapos Ng Anak Bilang Magna Cum Laude
Kabilang si Julia Kristiana David sa UP Diliman Class of 2022.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Nagu-umapaw ang saya ni Kara David sa pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang unica hija na si Julia Kristiana David.
"And she graduated magna cum laude!" lahad ni Kara sa isang Instagram post kalakip ang ilang litrato mula sa graduation ni Julia. "Wow!"
Kuwento ng batikang broadcast journalist na kilala sa kanyang mga premyadong documentary: "Masaya na kami na makapagtapos lamang, pero dagdag karangalan pa ito. Napakahusay mo talaga anak. So proud of you! All your hardwork paid off."
Sabi pa ni Kara na si Julia ay nagtapos ng Bachelor of Science in Family Life and Child Development sa University of the Philippines Diliman at kabilang sa Class of 2022.
Mismong si Kara ay graduate din ng UP Diliman, sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication. Nagturo rin siya bilang Assistant Professor sa UP College of Mass Communication at kamakailan lang ay naatasang pangunahan ang journalism department nito.
Noon at ngayon, nagbibigay si Julia ng rason para maging proud ang kanyang Mommy Kara.PHOTO BY Instagram/iamkaradavidADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa naunang post ni Kara para ianunsyo na magtatapos na si Julia sa kolehiyo, ibinahagi niya ang lumang litrato ng anak. Aniya sa caption, "Parang kailan lang… ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo."
Dugtong niya, "So proud of you, anak. Masipag, matalino, mapagkumbaba at mapagmalasakit sa kapwa. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay. Congratulations Julia Kristiana David. Mahal na mahal ka namin at lagi kaming susuporta sa iyo."
Tips para sipagin ang anak mag-aral
Una sa lahat, sabi ng mga eksperto, mahalaga na tulungan ng magulang ang anak na magkaroon ng pagnanais para sa "lifelong learning." Ito ang patuloy na paggamit ng kaalaman mula sa parehong formal (mula sa eskuwelahan) at informal (sa labas ng eskuwelahan) para sa trabaho at personal na kasiyahan.
Narito ang payo ng mga educator na magulang din:
1. Bigyan halaga ang pagiging unique ng anak. Mahahanap mo ito kung aalamin ang kung saan siya interesadong bagay o gawain at saan siya magaling.
2. Isali ang anak sa mga gawain o activities na marami siyang matututunan. Hindi kailangang may kinalaman sa kanyang paga-aral o eskuwelahan. Maaari mo siyang samahan sa labas at magpunta, halimbawa, sa museum at exhibit.
3. Enganyuhin ang anak na magkaroon ng growth mindset. Maaari mong purihin ang kanyang achievements nang magpursige pa siya.
4. Iwasan ang masyadong pagtutok sa gradong nakukuha ng anak sa eskuwelahan. Mas mainam na bigyang halaga ang natututunan ng bata. (Basahin dito kung bakit hindi garantisadong tagumpay ang dulot ng matataas na grado sa eskuwelahan.)
5. Hayaan ang anak na magtanong. Ibig sabihin lang nito ay interesado siyang matuto at nage-enganyo siyang mag-isip.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos6. Turuan ang anak kung paano matuto. Maaaring gumamit ng libro o internet sa pagtuturo sa bata kung saan nanggagaling ang mga tamang impormasyon.
7. Maging parte ng komunidad. Mas nalilibang ang bata na mag-aral at matuto kasama ng mga kapwa bata.
8. Maging modelo ng lifelong learning sa anak. Kaya huwag ding tumigil na matuto at mag-aral.
9. Tulungan ang anak na gustuhing matuto nang makamit ang love of learning. Makakatulong kung gagawing enjoyable at fun ang, halimbawa, pagbabasa (reading activities for preschoolers) o di kaya pagsusulat (preschool writing activities), pati na ang math at paglalaro (games for preschoolers).
Read also: How To Get Child Interested In Studying: 4 Tips For Parents
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments