;
embed embed2
  • Nag-Sorry Si LJ Reyes Sa Anak, Pero Sagot Ni Aki: ‘You Complete Us, Mom’

    Inalala ni LJ ang usapan nila ni Aki pagkatapos ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.
    by Jocelyn Valle .
Nag-Sorry Si LJ Reyes Sa Anak, Pero Sagot Ni Aki: ‘You Complete Us, Mom’
PHOTO BY YouTube/The Boy Abunda Talk Channel (L); Instagram/lj_reyes
  • Bago tuluyang matapos ang anim na taong pagsasama nina LJ Reyes at Paolo Contis, ilang buwang kumapit si LJ sa paniniwalang kailangan ng anak nilang si Summer, 2, pati na ang panganay niyang si Aki, 11, ang kumpletong pamilya.

    Kaya sa tuwing mababanggit ni LJ ang mga anak sa lampas isang oras niyang interview kay Boy Abunda sa YouTube channel ng talk show host, hindi napipigilan ng aktres na mapaluha. Aniya, “’Yung pain ko, naisantabi kasi mas nasasaktan ako para sa mga bata." (Basahin dito ang tungkol sa kanilang hiwalayan.)

    Kuwento ni LJ, sobra siyang nag-alala kay Aki, na baka malaman pa ng bata sa ibang tao ang pinagdadaanan niyang hirap. Lahad pa niya sa anak nila ng ex-boyfriend na si Paulo Avelino: "Wala pong social media si Aki, pero may one time lang na nagtanong siya sa akin, kung ano ba talaga ang dahilan."

    Dagdag ni LJ, "Parang ang feeling niya, may iba pang dahilan, may iba pang issue. So, napakasakit po ng tanong sa akin ng anak ko. Hindi ko po masagot on the spot. Sabi ko na lang sa anak ko, ‘Wait lang, sasagutin kita.’

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "’Ta’s nag-gather ako ng sarili ko, kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko kasi sa akin manggaling ang truth. Sa panahon ngayon ng social media, marami s’yang puwedeng mabasa. Marami s’yang puwedeng marinig. Maraming tao ang puwedeng gumawa ng kuwento, pero gusto ko, sa akin manggaling ang katotohanan."

    Kaya kahit mabigat ang kanyang kalooban, sinikap ni LJ na kausapin nang masinsinan ang anak. "Sabi ko sa kanya, ‘I’ll never lie to you at ako ang paniniwalaan mo. Kung meron kang tanong, sasagutin ko.'

    "So, kinuwento ko po ang mga dahilan kung bakit nangyari ang mga itong lahat. Sinabi ko sa kanya, ‘I’m sorry for everything. I wanted a complete family for you and Summer. ’Tapos kincut n’ya ’ko do’n. Sabi niya sa akin, ‘You complete us, mom.’"

    Dito na bumigay ang luha ni LJ. Ika nga niya, "Grabe po ang kirot sa puso ko. Na-touch po ako sa bata. Pero nakapa-sweet po talagang bata ni Aki. At ’yun po ang pinoprotektahan ko."

    Nilinaw ni LJ na naging malapit sina Aki at Paolo sa isa't-isa. "Tinrato po siya ng anak ko na parang totoong tatay niya," lahad ng aktres. Katunayan, ibinahagi pa noon ni LJ sa isang Instagram post na siya at si Paolo ang laman ng dasal ni Aki. (Basahin dito.)

    Sa ngayon, namamalagi ang mga mag-iina sa pamilya ni LJ sa New York, U.S.A. Paliwanag niya, “We left because I felt like I really needed to get myself and my kids out of the situation physically. Para kahit papaano matulungan rin kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a family."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles