;
embed embed2
  • Naipapasa Ng Nabakunahang Buntis Ang COVID-19 Antibodies Sa Kanyang Baby, Ayon Sa Studies

    Nakitaan ng COVID-19 antibodies ang umbilical cord at breastmilk.
    by Jocelyn Valle .
Naipapasa Ng Nabakunahang Buntis Ang COVID-19 Antibodies Sa Kanyang Baby, Ayon Sa Studies
PHOTO BY Shutterstock
  • Bagamat hindi pa kasama ang mga buntis sa malawakang COVID-19 vaccine program sa maraming bansa, may ilan sa kanila ang lumahok sa vaccine trials at iba pang medical studies.

    Lumabas sa trials at studies na hindi lang ang buntis ang nakatanggap ng proteksyon laban sa coronavirus, pero pati na ang kanyang sanggol.

    Ang isang buntis mula sa U.S. state na Florida, ayon sa ulat ng Forbes, ay nakatanggap ng first dose ng Moderna COVID-19 vaccine noong kanyang 36 weeks. Pagkaraan ng tatlong linggo, nanganak siya sa isang malusog na baby girl. Nakita sa umbilical cord blood ng sanggol ang ebidensya ng COVID-19 antibodies.

    Sa isa pang study, ang mga breastfed newborn ay nakitaan ng parehong antibodies na pinaniniwalaang naipasa sa kanila mula naman sa gatas ng kanilang mga nanay na nakatanggap ng bakuna.

    Kaya maaaring maitama na ang mga naunang pangamba ng karamihan na may posibleng hatid na panganib at pinsala ang bakuna sa pagbubuntis.

    Ito ang pahayag ni Brenna Hughes, vice chair for obstetrics and quality sa Duke University sa United States, sa panayam niya sa The Washington Post.

    Sa katunayan, dagdag ni Hughes, na miyembro ng COVID-19 task force na binuo ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), maaaring magbigay pa ng proteksyon ang bakuna sa sanggol kahit nasa sinapupunan pa ito.

    Kahanay ang ACOG ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), World Health Organization (WHO), at Society for Maternal/Fetal Medicine (SMFM) sa pagsulong ng adhikaing pagbabakuna sa mga buntis.

    Maituturing daw kasing high risk ang mga buntis sa COVID-19 infections na maaaring sanhi ng fetal loss at maternal death.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kinumpara ng mga eksperto ang kaso ng Florida woman sa mga kaso noon ng mga buntis na tumanggap naman ng bakuna laban sa influenza at TDaP (tetanus, diphtheria, pertussis). Nakitaan ng antibodies para sa mga ganoong sakit ang kanilang mga sanggol, kaya protektado na ang mga ito hanggang paglaki.

    Umaasa ang mga eksperto ng parehong proteksyon mula sa COVID-19 antibodies. Sa ngayon kasi hindi pa malinaw kung sapat na ang antibodies na makukuha ng sanggol habang nasa sinapupunan o di kaya kapag dumedede na sa kanyang nanay na tumanggap ng bakuna.

    Malaki raw ang posibilidad na kailanganin pa ng sanggol ang COVID-19 vaccine tulad ng mga bakuna laban sa flu (6 months pataas) at TDaP (2 months pataas).

    Kamakailan, naibalita na magsasagawa ang Moderna ng study sa U.S. at Canada, kung saan bibigyan ng COVID-19 vaccine ang tinatayang 6,000 kabataan mula 6 months old hanggang 11 years old. Layunin ng study na tutukan ang dosing, safety, at efficacy ng vaccine para sa mga sanggol at maliliit na bata.

    What other parents are reading

     

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles