-
Pagbubuntis Sa 36 Weeks: Kasing Laki Na Ng Papaya Si Baby Sa Tyan Mo
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Mabibili mo na ang iyong pregnancy at baby essentials sa Smart Parenting ChatnShop! Pindutin mo lang ang 'ChatnShop Now' button at pwede ka nang pumili ng mga produktong kailangan mo. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng aming community care team mula sa pagbayad at sa pag-ayos ng delivery ng mga pinamili mo. Parang nakikipagkwentuhan ka lang sa kapwa mo Smart Parenting mom!
Kapag lampas walong buwan na ang dinadala sa sinapupunan, malapit mo nang marating ang full-term pregnancy. Ang kailangan mo na lang gawin ay alaga pa nang husto ang iyong sarili habang hinihintay ang paglabas ni baby. Mainam na maging alisto sa mga sintomas na hatid ng pagbubuntis sa 36 weeks.
Mapapansin mo na tila hindi na kasing bilis tulad ng dati ang iyong paglaki at pagbigat. Normal ito dahil mula 25 hanggang 35 pounds lang dapat ang madadagdag sa timbang kung pasok ka sa average body mass index bago mabuntis. Pero asahan mo ang karagdagang one-half pound kada linggo hanggang sa due date. Lumalaki at bumibigat na kasi nang tuluyan si baby.
Mahihirapan ka nang kumilos, mula sa simpleng pagsusuot ng panty at paglalakad nang tuwid. Makakaramdam ka ng paninikip sa lower tummy dahil bumababa na ang iyong uterus papunta sa pelvis. Tila nagsasanay na kasi ang uterus para sa contractions na mangyayari sa panganganak.
Sintomas ng 36 weeks na buntis na kailangan ng doktor
Kung sakaling mapaanak ka sa mga panahon na ito, tatawaging two weeks premature ang iyong sanggol at kakailanganin niyang dalhin at manatili sa neonatal intensive care unit (NICU) ng ospital kung saan ka magsisilang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya dapat na pagtutunan ng pansin ang paghilab ng tiyan na maaaring labor signs na pala. Kausapin ang iyong doktor tungkol dito at kaagad ipag-alam kapag may kakaiba kang nararamdam, tulad ng mga sumusunod:
- Pagiging madalas, malakas, at mabilis ng contractions na sanhi ng iyong paghingal at paghabol ng hininga
- Pagdudugo o bleeding
- Pagkakaroon ng punit o butas sa panubigan
- Pananakit nang husto sa may tiyan
- Pananakit ng ulo
- Pagtaas ng blood pressure
- Paglabo ng paningin
- Pagmamanas nang biglaan
- Pagsusuka
- Pagtigil ng sanggol sa pagkilos
Bukod sa labor signs, maaari silang senyales ng pregnancy complications, gaya ng preeclampsia, o kaya problema sa placenta.
Mga karaniwang nararamdaman sa 36 linggo ng pagbubuntis
Sa kabilang banda, may mga sintomas ng pagbubuntis sa 36 weeks na sadyang pangkaraniwan. Maaaring magtaka ka sa ilang pagbabago ngunit kadalasan discomfort lang ang hatid na mabibigyan naman ng kalutasan.
Mas maluwag na paghinga at pagkain
Para sa isang first-time mom, kapansin-pansin ang tila pagkakahulog o pagbaba ng baby bump sa may pelvic area. Dahil dito, nadadagdagan ang espasyo para sa lungs at diaphragm para makahinga nang mas maluwag.
Nababawasan na rin ang pressure sa stomach kaya mas madali nang makakakain. Iyon nga lang parang nawawalan ng gana ang buntis na kumain nang marami.
Pananakit sa pelvic area
Kasabay ng pagposisyon ni baby sa pelvic area para maging handa sa pagsilang, lumuluwag na ang iyong ligaments para mapadali ang kanyang paglabas. Kaya natural lang na makaramdam ka ng pressure at pain mula sa lower back at abdomen hanggang sa pelvic area at maging sa hips.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBraxton Hicks
Ang nararamdamang paninigas at pahilab sa tiyan na parang gusto nang lumabas ni baby ay tinatawag na Braxton Hicks, o false labor contractions. Pero banayad at hindi ito madalas mangyari kumpara sa tunay na labor contractions. Madalas pa nga ay nawawala kaagad kapag nag-iba ng posisyon sa pagkaupo o pagkahiga.
Para makasiguro kung Braxton Hicks nga ang nararamdaman, kausapin ang iyong doktor.
Problema sa pagtulog
Magiging mahirap na ang pagtulog dahil sa pain at discomfort na iyong nararamdaman. Subukang uminom ng mainit na gatas o kaya ang meditation bago mahiga sa kama at matulog nang nakatagilid.
Pangangati ng balat
Maraming buntis ang nagsasabing nakararanas sila ng pangangati ng balat, lalo na sa may tiyan kaya tuloy nagiging maitim na stretch marks. Makakatulong daw ang paglalagay ng lotion na mabisa kontra stretch marks, pero piliin iyong may mild formulation at organic ingredients.
Pagkakaroon ng heartburn at indigestion
Sanhi ng relaxed muscle value sa may pagitan ng stomach at esophagus pati na rin ang pagdagan ng enlarged uterus sa stomach ang pagkabagal ng panunaw. Maiibsan ito kung iiwasan ang pagkain at pag-inom nang mabilisan. Huwag na rin muna ang mga maanghang at masebong pagkain upang maiwasan ang heartburn at indigestion.
Pagiging kabagin at hirap sa pagdumi
Apektado ang digestive system ng buntis sa pagbabago ng hormones at ginagawang pressure ni baby kaya parating puno ng hangin ang tiyan. Makakatulong dito ang pag-inom ng maraming tubig at pagkain ng fiber-rich food. Hangga’t maaari huwag umire nang todo kapag dumudumi para hindi mauwi sa almoras ang kalagayan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMadalas na pag-ihi
Sa kakaipit ni baby sa iyong bladder, madali ka tuloy maihi. Minsan pa nga kahit bumahing o umubo ka lang, bigla kang naiihi. Huwag mo lang pigilan at baka magkasakit ka naman ng urinary tract infection (UTI). Iwasan mo na lang ang pag-inom ng kape, tsaa, at softdrinks.
Paglakas ng vaginal discharge
Huwag mabahala kung parang lumalakas at dumadalas ang vaginal discharge. Nakakatulong ito para mapigilan ang pagkakaroon ng infection at maging handa ang katawan sa panganganak.
Kapag naging mapula, malagkit, at mukhang gelatin ang vaginal discharge, tinawatag itong “bloody show.” Senyales ito ng nalalapit na labor.
Pamamanas
Sa pagtaas at pagdami ng blood at bodily fluids, napupunta ang mga iyon sa tissues at kumakalat sa katawan. Kaya naman namamaga ang maraming parte ng katawan, tulad ng kamay at paa. Sanhi din ito ng varicose veins, paglabo ng paningin, pagbara sa ilong, at pagdugo ng gilagid.
Ready na ba ang iyong hospital bag? Pwede mong mabili ang mga kailangan mo dito. Makakakuha ka pa ng 10% discount sa iyong first purchase for ChatNShop. Promo runs until December 31, 2020. Gamitin ang code na ito: HELLOCHATNSHOP
Development ni baby sa 8 months sa tiyan
Samantala, halos buo na si baby sa sinapupunan. Kasing laki na siya ng papaya na 19 inches long at 6 pounds. Kahit siksik na siya sa kinalalagyan, dapat hindi pa rin matigil o mabago ang kanyang kilos. Ituloy mo lang ang pagbilang ng kanyang sipa habang gising siya para aware ka na aktibo siya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaganda rin na dalasan ang pagkausap at pagkanta kay baby. Tumatalas na kasi ang kanyang pandinig at mas madali siyang maging pamilyar sa boses mo.
Ang ilan pang development kay baby ay ang lubusang paggana ng kanyang liver at kidneys. Nagsasanay na rin siya sa paghinga ng amniotic fluid para ready na siya sa paghinga ng totoong hangin paglabas niya.
Iyon nga lang, hindi pa kumpleto ang kanyang digestive system, at mangyayari lang talaga iyon kapag ipinanganak na siya at dumedede na. Umaasa pa siya sa placenta para sa kanyang pagkain, pero lumalakas na ang kanyang sucking muscles
Sa third-trimester ultrasound na maaaring ibigay sa iyo ng doktor, posibleng makita mo si baby na wala pa sa tamang posisyon. Walang dapat ikabahala dahil may ilang linggo pa naman para makarating siya doon.
Kasabay ng sintomas ng pagbubuntis sa 36 weeks ang patuloy na pag-aalaga sa sarili at paghahanda sa panganganak. Mainam na alamin at kausapin ang doktor sa mga pagbabago sa patakaran sa ospital bunsod ng COVID-19 pandemic. (Basahin dito ang ilang paalala.)
Kailangan ba at kailan ang swab test para sa COVID-19 kung buntis? Basahin ang sagot dito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments