embed embed2
Surrogacy Ang Pinayo Kay Nadine Samonte Noon Sa Pagbubuntis
PHOTO BY @nadinesamonte/Instagram
  • Sa mga hindi nakakaalam, na-diagnose si Nadine Samonte ng kanyang doktor na hindi na magkakaanak matapos ang kanilang October 2013 wedding ng kanyang businessman-husband na si Richard Chua. Nung panahon na yun, pinayuhan pa nga siya at ang kanyang mister na subukan na lamang ang surrogacy kung nais nila talagang maging magulang.

    “Na-depress ako, 27 years lang ako that time,” pagbabalik-tanaw ni Nadine sa SmartParenting.com.ph. “It’s God’s grace talaga. You know what, hindi namin talaga ini-expect na mabubuntis ako. So bigla na lang. Dinasal lang namin. Sabi namin, ‘Bahala na Kayo, Lord. Bigay Niyo po. Kung hindi pa, we’ll wait.’ Biglaan, as in sobrang nagulat.”

    What other parents are reading

    Ngunit naging maselan ang pagbubuntis ni Nadine kay Heather Sloane, ngayon ay 3 years old na, dahil nagkaroon siya ng autoimmune disorder na Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS). Kinailangan niya na magpa-injection dalawang beses sa isang araw kada tatlong araw at uminom ng 56 tabletas na gamot. Kaya gayon na lamang ang kanyang pasalamat sa tulong ng “doctor and prayers” at ligtas niyang naisilang ang kanyang panganay noong August 27, 2016.

    Isa malaking sorpresa naman ang pagbubuntis niya kay Austin Titus, 6 months old, na aniya ay “unplanned” at hindi inaasahan. Mas delikado ito dahil, paliwanag niya, hindi niya natapos ang proseso ng mga injection na naumpisahan niya noon kay Heather. Kaya naman kahit 28 weeks pa lamang siya kay Titus ay nagkakaroon na siya ng contraction. Sa tulong muli ng kanyang doktor ay naabot niya ang 35 weeks upang maipanganak ang kanyang bunso noong April 28, 2019.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kasama ni Nadine Samonte ang buong pamilya sa parenting discussion ng Lactum noong October 27, 2019 sa Adventure Zone sa Shangri-La The Fort.
    PHOTO BY Jocelyn Valle
    What other parents are reading

    Pagkatapos ng dalawang maselang pagbubuntis ay binalaan na si Nadine ng kanyang doktor sakaling may balak pa siya at ang kanyang mister na magkaroon ng pangatlong anak. Magiging “very, very risky” na raw ito hindi lamang sa kanya kung hindi pati na rin sa kanyang ipagbubuntis. Kaya naman kailangan niyang sumailalim muli sa buong proseso at tapusin lahat ito.

    Inamin ni Nadine na nakakapagod at nakakaubos ito ng oras, lakas, at salapi. “Ang hirap pero pag nakita mo ang mga anak mo,” sabi niya, sabay ngiti, “super worth it. I’d do it all over again if I have to. Tinanggap ko at in-embrace ko lahat ng paghihirap, lahat ng hardships. Sabi ko, kakayanin ko ’to.”

    Gusto pa rin nilang mag-asawa ng third child. Sabi niya, “Let’s see pag nag-2 years old si Titus. We want sana, pag binigay ni Lord. ’Yon ang parati kong sinasabi. It’s a blessing talaga. Kung hindi, okay lang.”

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close