;
embed embed2
  • Gusto Ng Pangulong Rodrigo Duterte Walang Klase Hangga't Walang Bakuna

    Ganito sana ang gustong mangyari ng pangulo, sa kabila ng pahayag ng DepEd na magsisimula na ang klase sa Agosto.
    by Ana Gonzales .
Gusto Ng Pangulong Rodrigo Duterte Walang Klase Hangga't Walang Bakuna
PHOTO BY iStock
  • "I will not allow the opening of classes na dikit-dikit 'yung mga bata. Wala nang aral. Laro na lang. Unless I am sure that they are really safe."

    'Yan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, nitong Lunes, Mayo 25, patungkol sa pagsisimula ng klase Agosto ngayong taon. Ayon sa kanya, hindi niya isasakripisyo ang kaligtasan ng mga kabataan. "It's useless to be talking about the opening of classes," dagdag pa ng pangulo. "Para sa akin, bakuna muna. 'Pag nandiyan na ang bakuna, okay na."

    What other parents are reading

    Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na tuloy pa rin ang pasukan sa Agosto 24. Sa katunayan, sa isang linggo, Hunyo 1 na ang nakatalang petsa para sa enrollment ng mga bata.

    Sabi pa ni Roque, face-to-face classes lang ang ayaw ng presidente hanggat wala pang bakuna para sa COVID-19. Dagdag pa niya, kung sa Agosto ay mas maluwag na ang mga quarantine measures, pwede nang gawin ang tinatawag na blended learning—may online at physical classes.

    "Habang wala pa tayo sa new normal, 'yung wala nang community quarantine, hindi pa rin tayo magkakaroon ng face-to-face na mga klase," pahayag ni Roque. "Pero, 'pag dumating ang ika-24 ng Agosto at nasa 'new normal' na tayo, pwede naman," dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    Tanong ng taong bayan: Paano kung hindi tayo makapunta sa new normal at hindi pa rin ma-lift ang mga quarantines? "Hindi naman ibig sabihin na hindi na mag-aaral ang ating mga kabataan," sagot ni Roque. "Mayroon po tayong blended learning."

    Nauna nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase Agosto ngayong taon. Papayagan lamang ang face-to-face classes sa mga paaralang nasa areas na hindi na nasailalim ng community quarantine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman maibsan ang dami ng mga mag-aaral sa loob ng mga classrooms, inanunsyo na ng DepEd na magpapatupad sila ng iba't-ibang distance-learning measures katulad ng online classes.

    What other parents are reading

    Samantala, hindi naman alam ng mga magulang kung paano makakasali ang mga anak nila sa mga naturang distance learning measures na ito, dahil hindi naman lahat ay may internet access at computer sa bahay.

    Sabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, kailangang makahanap ang mga education officials ng balanse sa pagitan ng pag-aaral at kaligtasan ng kalusugan ng mga bata. Aniya, bagaman naka-lockdown ang mga paaralan, hindi dapat ma-lockdown ang edukasyon ng kabataan.

    Para sa iba pang balita at kwento tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles