Tagalog,pregnancy stage,big kids stage,preschool stage,San Miguel Corporation Will Give Away Food And Alcohol To The Poor And Frontliners,san miguel, san miguel corporation, somco, free food, free alcohol, covid19, covid-19, good news,Bente-kwatro oras na magpapamahagi ng mga pagkain ang SMC.
LifeNews

San Miguel Magpapamigay Ng Pagkain at Alcohol Sa Daily Wage Workers At Frontliners

Bente-kwatro oras na magpapamahagi ang kumpanya para sa mga nangangailangan.
PHOTO BYWikimedia

Habang patuloy na pinipilit intindihin ng mga Pilipino ang mga guidelines ng community quarantine bunsod ng COVID-19, hindi maiiwasang maglabasan ang kabi-kabilang aberya dahil sa kawalan ng kaayusan at kalituhan.

Sa kabila ng lahat ng ito, isa-isa namang nagsusulputan ang mga mabubuting balita. Kabilang na riyan ang pagtutulong-tulong ng iba't-ibang restaurants at cafes para mapakain ang mga medical practitioners at iba pang frontliners na nangunguna sa pagharap sa banta ng COVID-19.

Sa isa pang magandang balita na nauna nang inilabas ng Esquire Philippines, ibinahagi ni San Miguel Corporation president Ramon S. Ang sa CNN Philippines, na magpapamigay sila ng food donations sa mga komunidad na pinakaapektado ng kasalukuyang community quarantine.

Kabilang dito ang mga mahihirap pati na rin ang mga daily wage earners na mawawalan ng kabuhayan dahil sa isang buwang tigil operasyon ng maraming kumpanya.

Kasama rin sa mga aabutan nila ng tulong ang mga frontliners tulad ng mga healthcare workers, hospitals, at government workers na ilan sa mga pinakaunang humaharap sa banta ng virus.

Bago pa man nagkaroon ng community quarantine, nauna na ngang nag-panic buying ang ilan sa ating mga kababayan, kaya naman pati mga health workers ay naubusan na ng kanilang mga pangangailangan. "Panic has no purpose at this time," pahayag ni Ang.

Dagdag pa niya, hindi mauubusan ng supply ang SMC dahil sapat ang kanilang kakayahan para gumawa ng sapat para sa mga nangangailangan. "This isn't about making profits. We have a responsibility to make sure that food is made available to as many people as possible," pahayag pa ni Ang.

watch now

Para masigurong makakagawa ng sapat na pagkain para sa mga pagbibigyan, 24/7 mananatiling bukas ang food manufacturing facilities ng SMC.

Magpapamahagi rin sila ng 70-percent ethyl alcohol sa mga local government units na nangangailangan.

Sabi pa ni Ang, tinitignan din niya ang posibilidad na makapagbigay ng disinfectant powder sa mga LGUs, kasama na ang 20-liter containers hanggang 1,000-liter tote tanks ng alcohol para naman sa disinfection ng mga ospital, government facilities, at pampublikong lugar. "We are in a race against time to try and stop the spread of COVID-19. Our government and healthcare frontliners need all the support and help they can get," pahayag niya.

Bagaman karamihan sa mga SMC offices sa Metro Manila ay naka-work-from-home setup na, mananatiling bukas ang fuel, power, at infrastructure subsidiaries ng kumpanya. Kabilang dito ang Petron Corporation, SMC Global Power Holdings Corp., at SMC Infrastructure.

Kumusta ang experience ninyo ngayon nasa Para naman sa mga pinakahuling balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ang link na ito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close