embed embed2
  • Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli: Tuloy Ang Ligawan Kahit Kasal Na

    Nakakakilig ang CLOY-inspired post-wedding photo shoot ng mag-asawang Guidicelli.
    by Jocelyn Valle .
  • Binusog sa kilig ni Matteo Guidicelli ang kanyang social media followers nang ibahagi niya ang ilang litrato mula sa post-wedding photo shoot nila ng asawang si Sarah Geronimo. Naganap ang kanilang secret wedding ceremony noong February 20, 2020.

    Nag-post ang actor-singer isang araw pagkatapos ng matagumpay na online concert ni Sarah nitong Sabado, March 27, 2021, na may titulong Tala: The Film Concert. Tala rin ang titulo ng hit song ng tinaguriang Popstar Royalty na lumikha ng viral dance craze.

    Lahad ni Matteo sa kanyang caption, “My wife and I would like to share with you something very special we did right after our wedding.”

    Nagpaabot din siya ng pagbati at pagmamahal sa kanyang misis, “I’m always super proud of you, love. Congratulations for last night’s show! INCREDIBLE! I love you so much. Thank you for being a ‘tala’ to everyone’s lives.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pinasalamatan naman ni Matteo ang “talented group of people” na tumulong para maisakatuparan ang kanilang post-wedding photo shoot na inspired ng hit Korean drama series na Crash Landing On You (CLOY).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kuwento ng CLOY ay tungkol sa isang South Korean heiress na aksidenteng napadpad sa teritoryo ng North Korea, kung saan kinupkop siya ng isang sundalo at nahulog ang loob sa isa't-isa. Bida ang Korean superstars na sina Son Ye-jin at Hyun Bin, na kamakailan ay umaming mayroon silang relasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tulad ng bidang lalaki sa CLOY, kasapi si Matteo ng military bilang reservist. Nakamit niya ang second lieutenant rank mula sa Philippine Army pagkatapos sumailalim ng training sa Scout Rangers noong 2019.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles