embed embed2
  • Kasal Nina Sarah Lahbati At Richard Gutierrez, Masayang Nairaos Sa Maliit Na Kwarto Lang

    Wala pang 20 katao ang dumalo sa okasyon
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Naging simple pero makabuluhan ang pag-iisang dibdib nina Richard Gutierrez, 36, at Sarah Lahbati, 26, noong Sabado, March 14, 2020, sa kabila ng banta ng COVID-19.

    Bagamat matagal nang naka-plano ang kasal ng dalawa, ipinaalam nila ilang araw bago ang takdang petsa na ipagpapaliban muna nila ito para na rin maging malayo sa sakit ang kanilang mga imbitadong panauhin. Nagdesisyon sina Sarah at Richard pagkatapos ianunsyo ng gobyerno noong March 12 na ang pagpapatupad ng community quarantine ay sisimulan ng March 15.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi natuloy ang planadong engrandeng selebrasyon, pero ikinatuwa ng marami nang lumabas ang balitang itinuloy pa din nina Sarah at Richard ang kanilang kasal, kasama ang kanilang pamilya lamang, sa pamamagitan ng isang civil ceremony.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa kabuuan, wala pa sa 20 katao ang dumalo sa okasyon. Wala din sa mga litrato at videong lumabas ang kanilang dalawang anak, sina Zion at Kai, dahil na rin marahil sa pag-iingat sa kanilang kalusugan. 

     

    PHOTO BY @gideonhermosa/Instagram Stories
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang renowned stylist na si Gideon Hermosa ang nagbahagi ng mga video ng kasal sa kanyang Instagram Stories. Dinisenyuhan nya gamit ang maraming imported na bulaklak ang isang bulwagan sa Taguig City Hall, na siyang nagsilbing venue para sa kasal.

    What other parents are reading

    Makikita sa video ang simpleng seremonya kung saan nagpahayag ng kanilang free will sina Sarah at Richard na maging mag-asawa. 

    "Since you wish to contract marriage, please join your right hand and express your intention before this court," sabi ni Judge Bernard Bernal sa kanila. Inulit niya ito at sinabing, "Mag-asawa naman kayo so it's okay to have contact with each other," na may halong biro patungkol sa "social distancing." 

     

    PHOTO BY @gideonhermosa/Instagram Stories
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkatapos ng kasal, nagbigay din ng maikling mensahe ang mga miyembro ng pamilya nina Sarah at Richard.

    Sabi ng kakambal ni Richard na si Mond Gutierrez, "It's proof you've battled so many things throughout your relationship." 

    Ang Swiss/Moroccan father ni Sarah na si Abdel Lahbati ay nandoon din. Aniya, "We're both happy. We always support you Sarah," patukoy sa ina ni Sarah na si Esther.

     

    Sarah Lahbati's father Abdel would not miss his daughter's special day for anything.
    PHOTO BY @gideonhermosa/Instagram Stories
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Mensahe ni Esther, "Sabi ko kay Annabele kahapon, for the sake of sa taas at sa baba, and spiritually na magi-gain, iisa na lang sila. Pinakamagandang dumating na ito." 

    Ang mga magulang ni Richard ay nagbigay din ng mensahe. Ani Eddie Gutierrez, "Ang buhay nyo ibang klase. I know that you have given up a lot just for you to get together, and I know that you love each other very much."

     

    Annabelle Rama shed tears as she gave a message for her bunso Richard and his wife Sarah.
    PHOTO BY @gideonhermosa/Instagram Stories
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Si Annabelle Rama naman, naging emosyonal nang magsalita. 

    "Mukha ni Sarah super happy.  Nung nasa meeting tayo hinahanap sa akin ni Richard yung marriage license. I was planning to keep it. Ayaw ko pang makasal yang dalawang yan, sabi ko next year na lang. I saw Sarah maga mata nya. Kawawa naman. 

    What other parents are reading

    "Kami ni Eddie 45 years, sana makuha nyo yung magpasensya sa isa't isa. I'm so happy nandyan na kayong dalawa."

    Pinasalamatan naman ni Sarah ang kanyang mga magulang at biyenan.

    Sa kanyang magulang: "Thank you for letting me be one with Chard, for loving Zion and Kai, and for supporting and loving me.

    Sa kanyang mga biyenan: "Thank you for taking good care of us all the time, for taking care of Chard and raising him so well, for welcoming me into your beautiful family." 

     

    PHOTO BY @gideonhermosa/Instagram Stories
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Si Richard, ganun din ang mensahe sa mga magulang.

    "Thank you so much for everything, for taking good care of me, and my family. Thank you for all the sacrifices, and for allowing us to finally become one."

    Nagbigay din ng pahayag ang bagong mag-asawa sa isa't isa.

    Sabi ni Sarah kay Richard,"I promise to love you faithfully forever."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At si Richard kay Sarah, "Love, I promise to take care of you, love you forever."

    What other parents are reading

    Ayon kay Gideon, nakapagsimula na silang mag-set up sa Shangri-La at the Fort, na siyang orihinal na venue ng kasal, nang magdesisyon sina Sarah at Richard na ipagpaliban muna ito. Pero nabuhayan muli siya ng loob nang magsabi ang dalawa na magkakaroon pa din ng simpleng seremonya.

    Ayon sa Instagram post ng mag-asawang Sarah at Richard, ipapadala nila sa mga ospital at charitable institutions ang mga bulaklak mula sa florist/stylist na si Teddy Manuel na hindi nagamit para sa engrandeng kasal. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles