embed embed2
  • Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Nag-Shopping Na Para Sa Bago Nilang Bahay

    Ayon sa kwento ni Dr. Vicki Belo, malapit nang lumipat ng tahanan ang bagong mag-asawa
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Ngayong umaga, February 27, 2020, ibinahagi ng kilalang Pinoy dermatologist na si Dr. Vicki Belo ang isang video nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, kung saan makikitang magkahawak-kamay na nagsa-shopping ang bagong mag-asawa sa home section ng isang sikat na department store.

    Mukhang nandoon si Dr. Vicki para samahan at tulungan ang mag-asawa na mamili ng mga gamit para sa kanilang unang bahay. Kasama din niya ang kanyang apat na taong gulang na anak na si Scarlet Snow, na noong una ay halatang nahihiya pang makipag-usap kina Matteo at Sarah. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "You say 'Congratulations, Ate Sarah and Kuya Matteo,'" turo ni Dr. Vicki kay Scarlet, bilang pagbati sa dalawa na ikinasal sa isang Christian ceremony noong February 20, 2020. Sa halip ay naki-"high-five" na lang muna si Scarlet.

    More from Smart Parenting

    Tanong ni Dr. Vicki sa mag-asawa, "What are you looking for?" 

    Sumagot si Matteo na "Shopping for the wife," sabay halik sa pisngi ni Sarah.

    "Shopping for the house, playing husband and wife," dagdag ni Dr. Vicki.

    Bagamat tahimik lamang sa kabuuan ng video at halatang naninibago pa sa kanyang bagong estado si Sarah, bakas sa mukha nito ang kasiyahan.

    Sa huling bahagi ng video ay maririnig si Dr. Vicki na nagpapaliwanag kay Scarlet, "Tita Sarah is moving to her new house so they're buying plates and utensils and cups."

    More from Smart Parenting

    Ibinida naman ni Matteo kay Scarlet na mayroon silang bagong alagang aso ng misis niyang si Sarah, saka ipinakita ang larawan nito kay Scarlet. "You're gonna meet our dog soon," sabi niya, at sagot ni Scarlet ay "We will invite her to our pet party!" 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa caption ng video, ipinahayag ni Dr. Vicki ang kanyang kasiyahan na makita sina Matteo at Sarah na nagsisimula sa kanilang buhay may-asawa

    "So happy to see Mr and Mrs Guidicelli @matteog @justsarahgph doing normal husband and wife duties. @scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much. Matteo though is so sweet and patient with her."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibinahagi din ni Dr. Vicki ang kwento sa kanya ni Matteo: "He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world."

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles