;
embed embed2
  • ‘Oh My Gas, Ang Taas!’ Basahin Ang Mga Tipid Tips Bago Mag-Roadtrip Ngayong Tag-Init

    Magtataas muli ang presyo ng gasolina simula March 29 kaya't maghanda na.
    by Judy Marie Santiago Aladin .
‘Oh My Gas, Ang Taas!’ Basahin Ang Mga Tipid Tips Bago Mag-Roadtrip Ngayong Tag-Init
PHOTO BY SHUTTERSTOCK
  • Kung kailan naman handa na ang ating mga hubadera OOTDs at itinerary para sa beach trip ngayong tag-init, nagbabadya na naman ang muling pagtaas ng presyo ng gasolina.  

    Simula March 29, 2022, magtataas na muli ang presyo ng diesel ng Php 8.65 kada litro, at ang gasolina naman ng Php 3.4 kada litro.  

    Nauna nang nagpahayag ang Cleanfuel ukol sa oil price hike na ito sa kanilang Facebook page, ngunit asahang magtataasan na rin ng presyo ang iba pang kumpanya bukas. 

    Wala pa namang pahayag mula Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung magpapatupad ito ng pagtaas ng pamasahe. Basahin dito kung paano ka makakakuha ng mga diskwento sa gasolina. 

    Summer Roadtrip Tipid Tips

    Narito naman ang mga tips kung paano makatipid sa gasolina, ngayong panahon na masarap magpunta ng beach at mag-roadtrip kasama ang pamilya. 

    1. Dalhin lamang ang kailangan. 

    Ayon sa Topgear, kung mas mabigat ang kotse, maaaring mas mataas ang kailangang gasolina nito upang tumakbo. Kaya naman, kung bibiyahe kayo ng inyong pamilya, dalhin lamang ang kailangang mga gamit. Huwag din kalimutan ang mga importanteng tools gaya ng hydraulic jack at early warning device kung sakaling may emergency. 

    Basahin dito ang listahan ng mga gamit na ineempake ng mga nanay bago magpunta sa beach. 

    2. Huwag gamitin ang air-con hangga't maaari.  

    Kung sa gabi naman kayo magbibiyahe, maaaring buksan niyo nalang ang mga bintana para makabawas sa makokonsumong gasolina kung nakabukas ang air-con. Maigi ito lalo na kung kayo ay pupunta sa matataas na lugar gaya ng Tagaytay o Baguio para magbakasyon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. I-check ang mga gulong kung sapat ang hangin nito. 

    Isa raw ito sa mga bagay na hindi pinagtutuunan ng pansin ng mga drayber, kaya naman wagas ang konsumo ng gasolina ng sasakyan nila. Mainam na tuwing magpapa-gas, ipa-check niyo na rin ang tire pressure at tubig para makatipid sa gasolina. 
     
    Basahin ang iba pang gas tipid tips dito.  

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles