embed embed2
  • 10 Mabisa At Abot-Kayang Paraan Para Matanggal Ang Iyong Eye Bags

    Hindi mo kailangang gumastos ng malaki para magmukhang fresh.
    by Ana Gonzales .
10 Mabisa At Abot-Kayang Paraan Para Matanggal Ang Iyong Eye Bags
PHOTO BY iStock
  • Kamakailan nga ay tinalakay na natin sa ilang naunang Smart Parenting articles ang pagod at puyat. Marami kasi sa atin ngayon ang hirap makatulog, gawa na rin ng anxiety dahil sa mga nangyayari sa paligid natin. 

    Isa sa mga kilalang naidudulot ng puyat at pagod ang pagkakaroon ng eye bags. Para sa ilang tao, ang eye bags ay ang pamamaga ng ilalim na bahagi ng kanilang mga mata. Ngunit para sa karamihan, ito ay iyong pangingitim ng ilalim ng mata.

    Kusa naman itong mawawala, ngunit maaari itong manatili kung mayroon kang mga unhealthy habits na hindi mo babaguhin.

    What other parents are reading

    Bakit nagkakaroon ng eye bags? 

    Kulang ka sa tulog

    Habang natutulog ka, may mga fluids na naiipon sa tissue ng mga mata mo. Kung hindi sapat ang tulog na nakukuha mo, maaaring mag-leak ang iyong mga blood vessels. Hahalo ang leak na ito sa fluids na mayroon na sa mata mo. Ito ang siyang magiging sanhi ng eye bags. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon kang allergies o sinus problems

    Ang mga allergies ay nagdudulot ng pamamaga sa sinus tissues. Maaari itong maging dahilan para magmukhang maalsa ang laman sa ibaba ng iyong mga mata.

    What other parents are reading

    Paninigarilyo at pag-inom

    Ang mga bisyong ito ay maaaring makaapekto sa iyong pagtulog. Bukod pa riyan, nakakaapekto rin sa elasticity ng iyong balat ang paninigarilyo habang ang pag-inom ng alcoholic drinks naman ay maaaring maka-dehydrate sa iyo. 

    Bukod pa sa mga nabanggit, maaari ring magdulot ng eye bags ang hindi mo pag-aalis ng makeup, overexposure sa araw, at sobrang pagkain ng mga maaalat na pagkain.

    What other parents are reading

    Paano maiiwasan ang eye bags?

    Matulog nang sapat at nasa tamang oras

    Dapat ay tama ang haba ng tulog mo sa edad mo. Mararamdaman mo sa katawan mo ang resulta ng sapat na tulog. Bukod sa mas magiging mahaba ang pasensya mo, maiiwasan mo pa ang pagkakaroon ng eye bags. 

    Pwede ka ring magdagdag ng isa pang unan para maiwasan ang pagkakaroon ng fluids sa iyong mga mata.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Iwasan ang labis na pag-inom at paninigarilyo

    Bukod kasi sa nakakapagdulot ito ng eye bags, maaari rin itong maging sanhi ng marami pang mga karamdaman tulad ng cancer at cardiovascular diseases.

    What other parents are reading

    Ugaliing maghilamos bago matulog

    Huwag na huwag mong hahayaang makatulog ka nang hindi naghihilamos, lalo na kung nagsusuot ka ng makeup. 

    Malaki rin ang maitutulong ng mga simpleng skincare routine para masigurong maayos ang pagdaloy ng mga fluids sa iyong mukha.

    What other parents are reading

    Gumamit ng eye cream na may retinoid

    Pinapagana ng retinol ang produksyon ng collagen sa iyong mata. Madali lang hanapin ang mga eye creams na may retinoid sa mga pangunahing drug stores at beauty shops online. 

    Gumamit ng sunscreen

    Maaari ring magdulot ng eye bags ang labis na exposure sa araw. Kaya naman, dapat ay lagi kang gumagamit ng sunscreen. Hindi lang iyong inilalagay sa katawan, kundi iyong inilalagay sa mukha. 

    What other parents are reading

    Magtanong sa doktor tungkol sa iyong allergies

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importanteng maresetahan ka ng antihistamine kung mayroon kang allergies. Kung hindi mo kasi hahanapan ng lunas ang iyong allergies, hindi magiging mabisa ang mga gagawin mong hakbang na pangtanggal ng eyebags.

    Gumamit ng essential oils

    Ihalo mo lang ang iyong paboritong essential oil sa coconut oil at saka mo ilagay sa iyong mga mata. Rose geranium, fennel, lavender, German chamomile, at rosemary ang ilan sa mga mabibisang essential oils pangtanggal ng eyebags.

    What other parents are reading

    Uminom ka ng maraming tubig

    Marami ngang nalulunasan ang pag-inom ng tubig. Isa na riyan ang pagkakaroon ng eye bags. Kapag kasi dehydrated ka, mag-iimbak ang katawan mo ng tubig sa iba't-ibang bahagi nito. Kabilang na riyan ang ilalim ng iyong mata.

    Bukod sa libre na ngang pangtanggal ng eye bags ang tubig, nababawasan din nito ang toxins sa iyong katawan.

    Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C

    Makakatulong ang regular na pagkain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C para makagawa ang katawan mo ng mas maraming collagen. Ang collagen ay isang protina na makakatulong para mas maging malusog ang iyong balat, lalong-lalo na ang nasa ilalim ng iyong mata. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa mga pagkaing mayaman sa vitamin C at mabisang pangtanggal ng eye bags ang bell peppers, strawberries, broccoli, cabbage, cauliflower, blueberries, grapefruit, at lemon.

    Labanan ang iron deficiency

    Isa ring mabisang pangtanggal ng eye bags ang pagkain ng mga pagkain sagana sa iron. Pwede ka ring uminom ng mga iron supplements kung hindi ka kumakain ng red meat, pork, poultry, seafood, beans, spinach, raisins, apricots, at peas.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga ito sa mga mabisang pangtanggal ng eyebags. Kailangan mo lang talagang siguraduhin na maayos ang iyong lifestyle, nakakakuha ka ng sapat na tulog, at nakakakain ka na tama.

    Problemado ka ba sa eye bags mo? Anu-ano ang mga nasubukan mo nang solusyon? I-share mo lang iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close