-
Bakit Laging Sinisinok Si Baby? Hindi Kailangan Mabahala Agad
May mga ilang dahilan at lahat ay hindi dapat ipangambaby Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Normal ang sinok (o hiccups) sa kahit sinong tao, matanda man o bata, kahit sanggol sa sinapupunan. At maaaring magkaroon nito ang mga bagong silang na sanggol. Ngunit hindi kailangang mabahala ang magulang kung bakit laging sinisinok ang baby.
Unang-una, paliwanag ng Mayo Clinic, nangyayari ang sinok kapag ang diaphragm (isang respiratory muscle na matatagpuan sa ibabang parte ng dibdib at importante sa paghinga) ay humilab. Sa bawat hilab sa diaphragm, biglang nagsasara ang vocal cords kaya may hatid itong tunog na “hic.”
At dahil maliit ang tiyan at katawan ng baby, sabi naman ng Parents, madaling mapuno ang tiyan, halimbawa, ng hangin kaya nagagalaw ang diaphragm at naiirita. Humihilab tuloy ito kaya nagkakaroon ng sinok.
Dagdag dito ay hindi pa kumpleto ang kakayanan ng sanggol na huminga at lumunok, ayon sa panayam kay Peter Vishton, Ph.D., na siyang may gawa ng DVD parenting resource material na may titulong What Babies Can Do: An Activity-Based Guide to Infant Development.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi pa ni Dr. Vishton, na head researcher sa Child Development Research Center ng College of William and Mary sa United States, na sinusubukan ng sanggol na lumunok habang humahabol ng hininga kaya humahantong sa sinok. Mas matagal daw mawala ang sinok ng sanggol kesa sa mas malaking bata dahil na din inaalam pa nito ang paraan na lumunok nang hindi hinahabol ang hininga.
Noong December 2019, nailathala sa medical journal na Clinical Neurophysiology ang pag-aaral na isinagawa ng mga researcher sa University College London (UCL) tungkol sa pagsinok ng sanggol. Suhestiyon nila na sa tuwing sumisinok ang sanggol, nagkakaroon ng electrical activity sa utak nito na nakakatulong naman sa maayos na paghinga. Posible din itong dahilan kung bakit laging sinisinok ang baby.
What other parents are reading
Pinag-aralan ng mga researcher ang 217 na mga sanggol, at isinilang sila mula 30 weeks hanggang 42 weeks. Sinukat nila ang brain activity ng mga sanggol gamit ang electrodes na ikinabit sa mga ulo nito. Naglagay din sila ng movement sensor sa mga tiyan ng mga sanggol para malaman nila kapag sumisinok ang mga ito.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAyon pa sa kanilang pag-aaral, lahat daw ng sinok ay nangyari habang gising at tulog ang mga sanggol. Bawat sinok, may nangyayaring tatlong hiwalay na brain waves, at ang hinala nila, ang huli dito ay tumutulong sa sanggol na iugnay ang tunog ng sinok sa paghilab ng diaphragm.
Nagbigay ng pahayag ang nanguna sa pag-aaral, si Kimberley Whitehead, isa ring research associate sa University College London’s Neuroscience, Physiology, and Pharmacology department. Sabi niya sa news release na hindi pa pawang malinaw ang mga dahilan kung bakit sinisinok ang tao. Pero baka daw may kinalaman ito sa development reason kasi malimit sinukin ang mga sanggol.
Tinukoy naman sa pag-aaral na ang pagsinok ay nagsisimula sa sinapupunan mula pa sa 9 weeks ng sanggol dito. Mas madalas din daw ang pagsinok ng premature babies. Halos 15 minutes daw ang kanilang pagsinunok kada araw.
What other parents are reading
Paliwanag ng senior author at researcher na si Dr. Lorenzo Fabrizi na maaaring makatulong ang brain activity na sanhi ng sinok para makatulong sa utak ng sanggol na matutunan kung paano ma-monitor ang breathing muscles. Dahil dito, magiging boluntaryo ang paghinga sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng diaphragm.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa niya na hindi pa buo ang mga circuit na gumagawa ng body sensations mula panganganak kaya sa sandaling mabuo ang mga ito ay napakalaking bagay para sa paglaki ng sanggol.
Samantala, marami sa mga mommy sa Smart Parenting Village ang nakapansin bakit laging sinisinok ang baby ay kung tuwing busog ang mga ito. May isang mommy ang nagkuwento na kapag sobrang tawa ng kanyang 4-year-old na ngayong anak ay agad itong sinisinok. Wala naman daw dapat ikabahala sa mga ganitong kaso, ayon sa mga eksperto ng UCSF.

- Shares
- Comments