embed embed2
Pagbubuntis Week 27: Nagiging Kabagin Ka At Nasisinok Na Si Baby Sa Tiyan Mo!
PHOTO BY iStock
  • Sa huling linggo ng second trimester, tuluyan nang nawala ang iyong waistline dahil sa laki ng tiyan na tila basketball. Pero ang ibig sabihin nito ay patuloy ang paglaki ni baby at ang kanyang paghahanda sa paglabas. Kaya konting tiis na lang kahit nakararanas ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 27.

    READ MORE ON PREGNANCY:

    Marahil natututunan mo nang makinig sa iyong katawan at tugunan kung ano ang ipinahihiwatig nito. Nalalaman mo na kung kailan dapat magpahinga dahil mabilis ka ngayon mapagod, hingalin, pawisan, mahilo, at sumakit ang ulo. Sinisikap mo nang humanap ng kumportableng posisyon para maibsan ang kirot at pulikat sa ibabang parte ng katawan upang makatulog ka nang maayos.

    Iba pang sintomas ng pagbubuntis sa week 27

    Kung ano man ang naging resulta ng iyong glucose tolerance test, kailangan mong bantayan ang iyong timbang at pagkain. Maaaring sumangguni sa nutritionist lalo na kung at risk sa pregnancy complications, tulad ng gestational diabetes at preeclampsia.

    Mula 15 hanggang 30 pounds lang dapat ang dagdag sa timbang sa mga mayroong normal weight base sa pre-pregnancy body mass index (BMI).

    Bukod sa healthy diet, makakatulong ang regular exercises upang mapigilan ang paglobo nang husto at mabawasan ang pananakit ng katawan. Umpisahan sa stretching at walking sa bawat makuhang pagkakataon. Subukan ang low-impact exercises tulad ng prenatal yoga (basahin dito kung paano)

    May ilan pang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 27 na posibleng magsulputan habang magbalikan ang dati nang nararamdaman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Biglaang pag-ihi

    Bagamat hindi na bago sa iyo ang madalas na pagpunta sa banyo, baka magulat ka na hindi mapigilang maihi kapag bumahing o umubo. Sa laki kasi ni baby sa iyong uterus, umaabot ang pressure sa iyong bladder.

    Idagdag sa regular exercise routine ang Kegel exercises at pelvic thrusts para lumakas ang iyong pelvic floor muscles. Ang mga ito ang bumubuo ng foundation ng pelvis, na siyang bumabahay sa bladder, uterus, at rectum.

    May praktikal na gamit ang pantyliner sa mga pagkakataong maihi nang konti. Siguraduhin lang na regular na magpalit ng pantyliner dahil madali itong napupuno hatid na rin ng dumadaming vaginal discharge.

    Maiiwasan ang urinary tract infection (UTI), pero makabubuting komunsulta sa doktor kung nakakaramdam ng kirot sa pag-ihi.

    Pangangati ng balat

    Kasabay ng paglapad ng uterus ang pagbanat ng balat. Nagreresulta ito sa pagkakatuyot at pangangati ng balat, pati na ang pagkakaroon ng stretch marks at rashes.

    Nakaranas si Ryza Cenon ng grabeng pangangati dulot ng pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy (PUPPP) rash (basahin dito) habang ipinagbubuntis ang panganay na ipinanganak nito lamang October 31, 2020.

    Hindi mapakaling mga binti

    Posibleng panay ang paggalaw-galaw ng iyong mga binti dahil sa tingling sensation na tila may mga langgam na naglalakad sa iyong balat. Tinatawag ang kondisyon na ito bilang restless leg syndrome (RLS).

    Kadalasan umaatake ang RLS sa gabi, kaya bigla kang nagigising. Makakatulong ang elevation para maibsan ang RLS. Ipatong ang mga paa at binti sa unan habang nakahiga sa kama at saka tumagilid kapag matutulog na. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagiging kabagin

    Apektado ng pressure mula sa lumalapad na uterus ang buong digestive tract, kaya nagugulo ang normal function nito. Ang nangyayari tuloy, parang parating puno ng hangin ang iyong tiyan at malimit kang kabagin.

    Bumabagal din ang iyong panunaw at nahihirapan ka na sa pagdumi. Bawasan na lang muna ang pagkain ng fried foods at mga kilalang nagdadala ng hangin sa tiyan, gaya ng broccoli, beans, at root crops. 

    Pagdami ng bodily fluids

    Tumataas ang blood production at circulation para sa pangangailangan mo at ng baby mo. Dahil dito, tumataas din ang dami ng fluids sa katawan at napupunta ang karamihan sa tissues, lalo na sa lower body. Kabilang sa mga resulta nito ang increased vaginal discharge, vision problems, varicose veins, bleeding gums, stuffy nose, nosebleeds, at swollen ankles, feet, hands.

    Development ni baby sa tiyan sa ika-27 linggo ng pagbubuntis  

    Samantala, patuloy ang development ni baby sa iyong sinapupunan. May haba na siyang halos 36.6 cm, mula ulo hanggang paa, at bigat na halos 875 grams. Hindi na siya mukhang tuyot na pasas tulad ng mga nakaraang linggo. Mas nagkakalaman na kasi siya at may halo pang taba. 

    Mabilis ang maturity ng organs at senses ni baby. Nalalasahan na niya ang kinakain mo sa pamamagitan ng amniotic fluild.

    Kaya na niyang ibukas at isara ang kanyang mga mata. Mas klaro na ang pagdinig niya sa iyong boses at tibok ng puso. Nasisinok na siya, pero wala pang tunog dahil hindi pa naman siya nakakahinga ng totoong hangin.

    READ MORE ON PREGNANCY:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para lalo pang mapaghandaan ang paglabas ni baby, mainam na gawin nang final ang birth plan. Tandaan na may mga bagong patakaran ang ospital sa panahon ng COVID-19 pandemic (basahin dito). Ibayong pag-iingat pa ang pairalin kasabay ng pag-iinda sa mga sintomas ng pagbubuntis sa week 27.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles