embed embed2
  • Paano Mawawala Ang Sinok Ni Baby: Puting Sinulid Ba Ang Kailangan?

    May mga nanay na naniniwala pa rin sa pamahiin.
    by Jocelyn Valle .
Paano Mawawala Ang Sinok Ni Baby: Puting Sinulid Ba Ang Kailangan?
PHOTO BY iStock
  • Kahit walang masamang epekto ang pagsinok (hiccups) at hindi ito nakakaabala lalo na sa bagong silang na sanggol ay hindi pa rin maiiwasan ng magulang na mag-alala. Iisip pa rin ng paraan si mommy o si daddy kung paano mawawala ang sinok ng newborn baby. 

    Ayon sa pamahiing Pinoy, pumutol ng puting sinulid o di kaya pumunit ng kapirasong papel pagkatapos ay dilaan ito at idikit sa noo ng sinisinok na sanggol. Walang siyentipikong dahilan pero saksi ang ating mga nakakatanda na mabisa daw ang ganitong katutubong pamamaraan. 

    Ilang mommies sa Smart Parenting Village ang umamin na minsan na nilang sinubukan na maglagay ng sinulid o papel nang sininok ang kanilang anak. Ang iba naman ay duda sa pamahiin at may sarili silang solusyon sa sinok.

    What other parents are reading

    Paano mawawala ang sinok ni baby

    Kuwento ni Mommy Sarah Jane, naimpluwensyahan siya ng kanyang mga magulang na sundin ang pamahiin. Mga hibla ng lampin ang gamit nila kaya nga daw puro tastas na ang mga dulo nito. Tinigil na nila ang ganoong gawain nang 6 months na si baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naintriga si Mommy Kai sa pamahiin kaya sinubukan niya ito ng isang beses. Napansin niya na nadi-distract si baby sa sinulid sa noo kaya umiiyak ito hanggang tuluyan nang mawala ang sinok. Natutunan naman ni Mommy Hanna sa pediatrician ng kanyang anak ang paglagay ng basang bulak sa noo ng sanggol at epektibo daw ito.

    Karamihan sa mga mommy ay pinapadede ang kanilang mga baby kapag wala pang 6 months dahil hindi pa puwedeng painumin ng tubig ang mga ito. Pero may takot ang iba na baka mabulunan sa tubig ang sanggol kaya hinahayaan na lang nila hanggang mawala ang sinok nito. May mangilan-ngilan na tinatapik ang likuran ng sanggol na parang pinapadighay (burping) o di kaya ay pinapaiyak at ginugulat ito.

    Payo naman ni DeAnn Davies, ang director ng child development sa Scottsdale Healthcare sa United States, na nalathala sa Parents, dalhin ang sinisinok na sanggol sa isang tahimik na lugar. Ang sinok daw kasi ay maaaring senyales na overwhelmed si baby sa kanyang kapaligiran at hindi pa niya alam kung paano labanan ang ingay. Kaya mainam kung ilayo muna siya sa ibang bata o alagang hayop at, kung bukas man ang TV, patayin ito. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang totoo, ayon sa mga eksperto, walang scientifically proven na sagot kung paano mawawala ang sinok ng newborn baby na subok na mabisa sa lahat ng pagkakataon. Pero may magagawang paraan ang magulang para mapigilan na sinukin ang sanggol.

    What other parents are reading

    Iwasan na masyadong busugin si baby

    Isa daw ang overfeeding sa mga dahilan ng pagsinok, sabi ng pediatrician na si Dr. William Sears sa Parenting. Kapag daw mabilis mapuno ang tiyan, agad din sumasakit ang diaphragm muscle at nagkakaroon ng sinok. Para sa mga breastfeeding moms, hinay-hinay lang sa pagpapadede. Ipadighay muna ang sanggol bago ito ilipat sa kabilang suso. Kung sa bote naman, time out muna pag nangalahati na para makadighay saglit si baby.

    Siguraduhin na hindi nakakalunok ng maraming hangin ang sanggol

    Ang sobrang hangin ay puwedeng magdulot ng pagsinok, ayon pa kay Dr. Sears. Nirerekomenda niya sa breastfeeding moms na tignan mabuti kung tama ang latch-on technique na ginagamit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dapat daw kasi ay nakabuka nang mabuti ang mga labi ni baby sa suso at selyado ng mga ito hindi lang ang nipple pero pati ang paligid ng areola. Kapag may kadalasan ang gulping noises, ibig sabihin masyadong mabilis sumuso ang sanggol at marahil nakakalunok na ng maraming hangin.

    Kung bottle-fed naman si baby, dagdag ni Dr. Sears, kailangan 45-degree angle ang posisyon ng bote habang dumedede. Sa ganitong paraan, ang hangin ay aakyat sa ilalim ng bote at maiiwasan na malunok lahat ng sanggol.

    Iwasan na padedehin si baby na nakahiga

    Mas mainam, sabi ni Dr. Sears, na paupuin ang sanggol sa kandungan na may 30 hanggang 45 degree na angulo at pagkatapos ituwid ang pagkakaupo nito sa loob ng 20 minuto. Hindi na daw aakyat ang hangin sa taas ng tiyan ng sanggol at madadalian na itong dumighay.

    Kung ginawa na ng magulang ang mga paraan kung paano mawawala ang sinok ng newborn baby pati na ang pagpigil dito ngunit malimit at matagal pa rin ang pagsinok, may dahilan na para magtaka. Kausapin ang doktor tungkol dito, lalo na kung may ibang sintomas ng reflex ang sanggol, tulad ng pagsusuka, pagkabalisa, pag-ubo, at walang ganang kumain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close