embed embed2
  • 4 Signs Na Dapat Ipatingin Sa Doktor Ang Rashes Ni Baby, Ayon Sa Pedia

    Baka kasi hindi na lang simpleng baby rash meron ang anak mo.
    by Jocelyn Valle .
4 Signs Na Dapat Ipatingin Sa Doktor Ang Rashes Ni Baby, Ayon Sa Pedia
PHOTO BY Shutterstock
  • Dahil maselan pa ang balat ni baby, hindi kataka-taka na madali itong mamula at mamantal. Huwag mabahala dahil may gamot sa rashes, halimbawa, sa mukha ng baby. Basta, ayon sa mga eskperto, malaman mo ang sanhi at bantayan ang paglala nito.

    Common types of baby rash

    May ilang dahilan kung bakit namumula at namamantal ang balat ni baby. Kaya iba-iba rin ang uri ng baby rash at paggamot sa mga ito. Nagbigay ng paliwanag si Dr. Claire Chan Lim, isang pediatrician, sa interview niya sa SmartParenting.com.ph.

    Diaper rash

    Sabi ni Dr. Lim, nagkakaroon ng diaper rash kapag naiirita ang balat ng sanggol. Maaaring sanhi ito ng pawis, ihi, o di kaya dumi sa suot na diaper ni baby. Makakatulong daw kung:

    • Dalasan ang pagpapalit ng diaper. Kapag naihian o nadumihan na ito ni baby, palitan na kaagad para hindi magkaroon ng pagkakataon na mairita siya.
    • Punasan ang puwitan ni baby gamit ang soft wet cloth o di kaya linisan gamit ang mild soap at tubig. Iwasan gumamit ng prepackaged baby wipes na may halong alcohol at iba pang chemicals na lalong makakairita sa balat ni baby.
    • Pahiran ng barrier cream ang puwitan ni baby sa tuwing papalitan siya ng diaper. Piliin iyong gawa sa zinc oxide. Iwasan ang paglalagay ng baby powder sa puwitan ni baby.
    • Maghugas muna ng mga kamay bago at pagkatapos palitan ng diaper si baby upang maiwasan ang infection mula sa diaper rash.

    Eczema

    Kadalang inuugnay ang eczema sa baby rash kung ang mga magulang ay may family history ng atopy o allergy, ayon kay Dr. Lim. Maaaring allergic si baby sa cow's milk o isang pagkain, pati na sa laundry detergent o fabric conditioner bilang panlaba sa kanyang mga damit. Puwede ring sensitive siya sa pagbabago-bago ng panahon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para maibsan ang nararamdaman ni baby, subukan na:

    • Panatiliing malinis at tuyo ang parte ng katawan na apektado ng baby rash.
    • Pahiran ng moisturizer o emollient ang affected area.
    • Kung paliliguan si baby, saglit lang gamit ang maligamgam na tubig.
    • Ipatingin si baby sa doktor para malaman ang sanhi ng kanyang allergy at maiwasan ang kanyang exposure sa allergen.
    • Painumin ng anti-histamine medicine si baby kung may reseta ng doktor.

    Heat rash o prickly heat

    Nagkakaroon ng bungang-araw (heat rash o prickly heat) si baby kapag sobra siyang magpawis at nagkakaroon ng bara sa kanyang sweat glands. Ang nangyayari tuloy, naiipon ang pawis sa ilalim ng balat at nagkakaroon ng red bumps at blisters.

    Uso ang bungang-araw kapag summer dahil sa mainit at humid na panahon. Mabilis itong sumulpot sa mukha at mga singit sa leeg, braso, binti, at dibdib. Kaya makakabuti kung iwasan na suotan si baby ng masisikip na damit.

    Bug bites

    Kapag maliliit, makakati, at masakit ang baby rash, malamang na mula iyon sa kagat ng mga insekto at kulisap, tulad ng lamok, langgam, at ticks. Makakatulong ang soothing cream bilang gamot sa rashes tulad ng sa mukha ng baby. Piliin ang soothing cream na calamine at sterioids-like hydrocortisone.

    When to see a doctor

    Kung hindi umuubra ang home remedies, posibleng hindi na lang pangkaraniwang baby rash ang nararanasan ng anak mo. Payo ni Dr. Lim na komunsulta kaagad sa doktor kapag:

    • May lagnat si baby habang patuloy ang pamumula at pamamantal ng kanyang balat. Ang mga ganyang klase ng rashes ay puwedeng "infectious in origin," sabi ni Dr. Lim.
    • Lampas isang linggo na ang rashes sa mukha at katawan ni baby.
    • Kumakalat ang rashes sa buong katawan at kasabay nito ang respiratory symptoms, gaya ng pag-ubo, paghalak, at pagsusuka.
    • Bukod sa lagnat, mayroon pang nararamdaman si baby na stiff neck, seizure o di kaya di mapigilan na pangangatog, at sensitivity sa ilaw. Posibleng sanhi ito ng infection of the brain o meningococcemia.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Baby rash prevention

    Para maiwasan ang baby rash, maaaring gawin ng magulang ang sumusunod:

    • Dalasan ang pagpapalit ng diaper ni baby
    • Piliin ang irritant-free laundry detergent
    • Suotan si baby ng "comfortable, breathable fabrics" gaya ng cotton
    • Panatiliin na malinis at tuyo ang balat ni baby
    • Iwasan na ipahawak, ipahalik, at ipakarga si baby sa ibang tao
    • Bantayan ang pagkain na nagbibigay ng skin reaction kay baby
    • Gumamit ng shampoo na sadya para sa sensitive skin ni baby at sabon na rin bilang gamot sa rashes sa mukha ng baby
    • Sikapin na makumpleto ang bakuna ni baby
    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles