embed embed2
  • 3 Importanteng Milestones Ni Baby Sa Unang Buwan At Tips Mula Sa Pediatrician

    Ito ang skills na kayang gawin ng karamihan sa mga bagong panganak na sanggol.
    by Jocelyn Valle . Published Apr 25, 2023
3 Importanteng Milestones Ni Baby Sa Unang Buwan At Tips Mula Sa Pediatrician
PHOTO BY Canva
  • Simula bagong panganak hanggang ika-30 araw, tinatawag ang sanggol na newborn. Nakakamanghang masaksihan ang paglaki ng newborn, at ang unti-unti niyang paglago bilang tao habang inaabot ang importanteng milestones sa unang buwan.

    Ang developmental milestones ay ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad. Sakop din nito ang cognitive/mental development, na may kinalaman sa pag-iisip at kakayahang matuto; social/emotional development; at language/communication development. 

    Pero gabay lamang ang developmental milestones at hindi "hard deadlines," ayon kay Dr. Faith Alcazaren, isang pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts. Kaya hindi kailangang mataranta kaagad kung hindi pa agad magawa ng anak ang mga ganoong skills.

    Ika nga ni Dr. Alcazaren, maaabot din ng anak ang developmental milestones sa kanyang sariling panahon. Pero may magagawa ka ring tulong para makaagapay siya sa naaayon na bilis, o pace. Mainam din na magkuwento sa doktor ni baby tungkol sa iyong mga obserbasyon nang mapaliwanagan ka pa nang husto at, kung sakali, matugunan kaagad ang developmental delay.

    Importanteng milestones ni baby sa unang buwan

    Ang panahong ito ay para sa pagkokontrol ni baby ng kanyang mga braso at biyas. Nagsisimula na rin ang development ng kanyang senses habang naoorganisa ang kanyang nervous system. Ibig sabihin, gumagana ang kanyang utak, o brain, sa tamang bilis.

    Nahahawakan ang kanyang mukha at bibig, at saka nakukuyom ang mga kamao

    Sinusubukan ni baby na magkaroon ng coordination ang kanyang mga braso at biyas, ayon sa Fatherly, pero hindi pa siya makasunod sa sinasabi ng kanyang brain. Kaya normal lang na bigla siyang gumalaw-galaw. Mapapansin mo rin na dumadalas ang paglalapit ng kanyang mga kamay sa kanyang mukha at bibig.

    Huwag mataranta kung hindi mo makita ang leeg ni baby dahil parati siyang nakatungo. Huwag ding matakot kung mabilis ang kanyang paggalaw na parang nangingisay at panay ang kamot niyasa kanyang katawan. Natututunan pa lang niya kasing ikontrol ang kanyang katawan.

    Sa kabilang banda, sabihan ang iyong doktor kapag napapansin mong hindi masyadong ginagalaw ni baby ang kanyang mga braso at biyas, ayon sa The Bump. Obserbahan din kung ang kanyang mga braso at biyas ay lubhang malambot o di kaya naninigas naman. Isa pa ang malimit na panginginig ng baba (chin) o kaya panga (jaw). Maaaring senyales ang mga iyon ng neurological issues.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagugulat sa malakas na ingay at lumilingon sa tunog

    Fully developed na ang pandinig ni baby. Karaniwan kasing nagsisimulang makarinig ang sanggol sa kanyang 35 weeks sa tiyan ni mommy. Kaya lumilingon siya kapag may naririnig siyang pamilyar na tunog at boses. Kabilang dito ang boses ni mommy at ni daddy, kung madalas siyang kinakausap noong fetus pa lang siya.

    Huwag mag-alala kung hindi ka tinititigan ni baby kapag kinakausap mo siya. Mangingilala siya sa paglipas pa ng mga buwan. Huwag ding mabahala kung hindi pa siya lumilingon sa tunog, basta may reaksyon siya dito.

    Sa kabilang banda, sabihan ang doktor kung walang reaksyon si baby sa tunog o di kaya natatakot naman. Mainam na matignan ang kanyang pandinig at iba pang neurological issues.

    Nahahasa ang rooting reflex

    Isa ang rooting reflex sa mga automatic na galaw ng mga sanggol na mahalaga sa kanilang pangangalaga (newborn reflexes). Ang ilan pa ay Moro reflex (ito iyong pagiging magulatin ni baby, lalo na kung hindi siya swaddled) at sucking reflex (sa sandaling lumapat ang nipples ni mommy sa loob ng bibig ni baby, kaagad sumisipsip si baby para makadede).

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang rooting reflex ay tumutulong para malaman ni baby kung nasaan ang dede ni mommy (kung breastfeeding) o di kaya ang bote (kung bottle feeding). Halimbawa: Kapag hinawakan ang kanyang pisngi, pati na labi, kaagad siyang ngumunguso at gumagawa ng tunog na dumedede. Nakakatulong ang ganitong reflex para mahanap ni baby ang suso ni mommy para makadede.

    Merong mas mahalaga pa sa rooting reflex at iba pang newborn reflexes (tonic neck reflex, stepping reflex, palmar grasp reflex). Ito ay ang kung paano dumede si baby. Kung nahihirapan siyang dumede, mahina ang kanyang pagsipsip, o kaya masyadong mabagal ang pagdede, mahalagang komunsulta sa doktor ni baby.

    (Basahin dito ang updated guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention at American Academy of Pediatrics tungkol sa developmental milestones.)

    Tips mula sa pediatrician

    May mga payo si Dr. Alcazaren para matulungan ang anak na maabot ang importanteng milestones ni baby sa unang buwan:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Bigyan ng environment si baby na makakatulong na malinang ang kanyang senses sa pamamagitan ng maraming interaksyon sa tao. Halimbawa nito ang mas madalas na pagtitig at pagkikipag-usap kay baby dahil kilala na niya ang iyong boses, amoy, at mukha.

    2. Hindi mapapantay ang human interaction ng paggamit ng gadget o kaya de-susing laruan. Kaya sikapin na mismong makipaglaro kay baby.

    3. Kung nagpapadede habang gising si baby, iwasan na gumamit ng telepono o gadget para sa anak lang ang atensyon. Hindi lang kasi ang iyong gatas ang mahalaga, pero pati ang iyong atensyon at pag-aruga. Gamitin ang oras habang nagpapadede para magtignan ang anak, na siya namang gusto ni baby.

    4. Bigyan ng tummy time si baby para palakasin ang kanyang neck muscles. Tandaan na ang development ng muscles ni baby ay mula sa ulo pababa sa kanyang mga binti. Tinatawag itong cephalocaudal direction.

    Hindi makakagulong, o roll over, si baby kung hindi kakayaning iangat ang kanyang ulo gamit ang neck muscles. Ang rekomendasyon ng American Academy of Pediatrics (AAP) ay ipadapa ang mga sanggol habang gising at alerto sa loob ng tatlo hanggang limang minuto, at mula dalawang hanggang tatlong beses kada araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Tugunan ang pag-iyak ni baby para malaman kung ano ang kanyang kailangan. Hindi ito pagi-spoil sa sanggol. Pag-iyak talaga ang kanyang paraan para makipag-ugnayan, at ang tungon ng magulang ang nagbibigay ng kalinga at ligtas na pakiramdam.

    Mahalangang maabot ng anak ang importanteng milestones ni baby sa unang buwan. Pero importante ring huwag mainip nang ma-enjoy ang paglaki ni baby. Paglampas ng isang buwan, tinatawag na ang sanggol bilang infant. Basahin ang infant milestones month by month dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close