baby,Smart Parenting Village,clothes for newborn,Anong Pwedeng Gawin Sa Mga Preloved Baby Clothes,donate, preloved baby clothes, baby, used clothes, where to donate baby clothes,Nagtanong kami sa mga nanay sa Smart Parenting Village kung anong ginagawa nila sa mga preloved baby clothes
ParentingBaby

'I-Barter Para Sa Snacks' At Iba Pang Wais Tips Para Sa Preloved Baby Clothes

Alamin rin kung saan pwedeng i-donate kung marami pang nakatagong damit at gamit si baby.
PHOTO BYSHUTTERSTOCK

Isa na siguro sa pinaka-aabangan ng ibang mga bagong nanay o first-time moms ang pamimili ng cute na damit para sa kanilang anak. Maging babae o lalaki man kasi ang kanilang unang anak, tiyak na ang sarap nitong bihisan parang mga manyika.

Kaya hindi maiiwasan ng ibang nanay na mag-Add To Cart ng mga damit mula sa mga online shop bago dumating si baby, hangga’t may paglalagyan pa sa cabinet. Dagdag pa ang mga regalo ng mga kamag-anak at kaibigan sa baby shower, birthday, at binyag! 

Ang problema, mabilis palang lalaki si baby! Ang mga cute na cute na tie-sides na binili ng bultuhan, halos isa hanggang tatlong buwan lang pala magagamit. Ano nang gagawin mo sa mga napagliitan o preloved clothes ni baby? Benta, pamigay, o tago?

Tinanong namin ang mga taga-Smart Parenting Village, at ito ang kanilang mga sagot.  

Mga pwedeng gawin sa preloved clothes ni baby 

1. Itago ang mga damit na may sentimental value. 

Maraming nanay ang sumagot na itinatago nila ang mga damit na may halaga sa kanila, gaya nang unang damit pagkapanganak, damit sa binyag, damit sa first birthday, at iba pa. May mga nagsabi rin na tinatago nila ang mga damit ng baby nila lalo na kung nagpaplano silang mag-anak muli. 

Sabi ni Mommy Paola Karissa Mortel, tinago niya ang mga damit na may sentimental value at yung medyo may kamahalan para sana maipasa sa sunod na baby at masulit ito.

"But through the years, especially today na mag-7 na yung child ko and wala pa din kasunod, I decided na ipamigay na din and yung iba nabenta ko as preloved. Yung pinagbentahan ko, binili ko ng gamit pa din ng anak ko.” 

Si Mommy Jeremiah Delina naman, proud na tinatago niya lahat ng damit ng kanyang baby. “Yung damit ng eldest ko, nagagamit pa ng youngest. My eldest is a boy and the rest all girls na.” 

Ayon sa kanyam napag-tsismisan pa daw sila noon dahil ang luluma ng mga damit ng anak niya. Nakakabilib ang sagot ng kanyang anak, "This is from my kuya, and I will also lend this down to my sister. Alam nila ung value and napaka thoughtful ng dating.” Dagdag niya, ganito din daw siya kahit sa mga gamit at laruan. “Yung stroller, 13 yrs na andito pa din working and looking okay.” 

watch now

2. Ipamigay sa nangangailangan.

May mga nagsabi din na ang mga damit ng kanilang baby ay “hand me downs,” kaya pinamimigay nila ang mga napagliitang damit sa ibang tao. 

Ayon kay Mommy Jinky Rea Friaz Sicat, “Usually pinapamigay ko yung mga nakaliitan ng baby ko lalo na sa mga may anak na baby pa and less fortunate.

Nagbibigay din ako sa mga kakilala na manganganak pa lang." 

Maari ring ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo o nasunugan ang mga damit ni baby. Tumatanggap din ng donasyon na damit ang Childhope Philippines, isang NGO na tumutulong sa mga street children.

Ayon kay Dr. Herbert Carpio, Executive Director ng Childhope Philippines, pwedeng bigyan ng bagong buhay ang mga lumang damit. "Tinatanggap natin yan para maibigay sa mga maliliit na batang nangangailangan. Basta maayos ang kondisyon, malinis, at mapapakinabangan, sinisigurado namin na makakaabot ang inyong tulong sa mga bata."

Pwede ninyo silang i-message sa Facebook para mag-donate.  

3. I-barter kapalit ng ibang goods. 

Noong panahon ng kabi-kabilang quarantine level sa iba’t-ibang lugar, kanya-kanyang hanap ng pagkukunan ng pangdagdag sa panggastos sa araw-araw. 

Ayon kay Mommy Jho Roy, “Budget meal [lang] para can afford, tulong na din po, kapalit snacks/foods ni LO. Laking tulong po sa amin. Ang laki ng natipid namin. Ngayon po back to pamigay ulit kami.” 

4. Ibenta kung maayos pa ang kondisyon. 

May mga mommies na nag-comment na ibinebenta nila ang mga damit na minsanan lang o hindi pa naisuot o di kaya ay mga branded o medyo may kamahalan nung binili nila ito.  

Sabi ni Mommy Kat Encomienda Pascasio, hindi niya iniipon ang mga damit dahil limitado lamang ang espasyo nila sa bahay. 

“Plus all my 3 kids were "ukay" babies. I find it impractical to buy new clothes for infants since they grow out of it quickly, so I used to order infant clothes sa mga ukay sellers in FB (for 1K you get more or less 30pcs of hand-picked infant clothes). Not bad na for clothes na sandali lng magagamit.” 

Dagdag pa niya, dahil mura niya ito nabili, hindi masakit sa loob niya na ipamigay ito. 

Pwede mo ibenta ang mga preloved na damit at gamit ni baby sa SPV, tuwing Budol Biyernes. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close