family,kids,parenting,cursing,People & Society,Family/Children,Genres,sc24,pagmumura,nagmumura,anak,Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nagmumura Ang Anak,pagmumura, cursing, nagmumura, anak, family, parenting, kids,Ito ang mga dapat mong gawin kapag napansin mo ang pagmumura sa iyong anak.
ParentingBig Kids

Pagmumura: Ano Ang Dapat Gawin Kung Nagmumura Ang Anak

Alamin kung bakit nagmumura ang bata ang ano ang dapat mong gawin bilang magulang
PHOTO BYADOBE

Isa sa ginagawa ng mga bata ay ang panggagaya sa mga taong nakapaligid sa kanila. Bukod dito, maaari din nilang gayahin ang kanilang napapanood sa telebisyon at mga social media platforms tulad ng pagmumura. Paliwanag nga ni Jacqueline Sperling, PhD, isang clinical psychologist at instructor sa Harvard Medical School na malaking bahagi ng debelopment ng bata ang panggagaya, Karaniwan nilang ginagaya ang naririnig nilang sinasabi o nakikita nilang ginagawa ng ibang tao. Normal sa isang bata ang pagkakaroon ng kuryosidad sa mga bagay na nasa kanilang paligid kaya ginagaya nila o sinusubukang gawin ito kahit hindi nila alam kung tama o mali ang kanilang ginagawa. Minsan magugulat ka sa mga bibitiwan nilang salita o ikinikilos at agad kang mapapatanong kung kanino nila ito natutuhan kung wala naman ito sa bahay gaya na lamang ng pagmumura.

Ayon Australian website na Raising Children, kadalasan na nagmumura ang mga bata dahil sa pagnanais nilang subukan ang mga salitang kanilang naririnig kung ano ang epekto nito pero hindi nila nauunawaan pa ang kahulugan nito. Karaniwan na ito sa mga batang nagsisimula pa lamang ding matutong magsalita. Basahin ang artikulo para malaman ang dapat gawin kapag nakarinig ka ng pagmumura mula sa iyong anak.

Ano ang dahilan ng pagmumura ng isang bata?

Bukod sa naunang nabanggit na pangggaya, ilan pang dahilan ng kanilang pagmumura ay maaaring para kumuha ng atensyon, nakatutuwa ito sa kanilang pandinig o agad silang nakakukuha ng reaksiyon, at kapag nakakaramdam sila ng matinding pagkabigo o frustration.

1. Pagkuha ng atensyon

Nais nilang kunin ang atensyon ng kanilang mga magulang dahil alam nilang agad silang papansinin kapag sinabi nila ito kahit alam nila na mapagagalitan sila.

2. Pagsunod o pakikibagay sa iba

Ginagaya ng ibang bata ang kaibigan o kalaro nila bilang pakikisama o pakikibagay para masabi at makaramdam na kabilang sila sa grupo na kanilang sinasamahan.

3. Paglabas ng matinding damdamin o emosyon

Nakapagmumura ang ibang bata dahil ito ang naiisip nilang paraan para ilabas o ang ekspresyon ng kanilang damdamin o emosyon gaya ng galit o pagkabigo.

Ano ang dapat gawin kapag nakarinig ng pagmumura mula sa iyong anak?

Ngunit paano kung narinig mong nagmura ang iyong anak pero sa bahay hindi naman ito naririnig at itinuturo? Dapat bang pagalitan agad ang bata?

watch now

Mahalagang malaman ang dahilan ng pagmumura nila para matulungan ka kung paano tutugunan ito sa halip na magalit agad o parusahan ang iyong anak dahil sa ginawang pagmumura. Pinakamabuting paraan palagi ay ang pakikipag-usap sa kanila tungkol sa pagpili ng mga salita na kanilang gagamitin. Mainam na maipaliwanag ang kahulugan ng pagmumura at kung paano nakasasakit ng damdamin ng iba ito at tiyak na ayaw rin nilang masabihan sila nito.

1. Kung ang pagmumura ay para kunin ang iyong atensyon, nakaiimpluwensiya ang iyong reaksiyon sa maaaring pag-ulit niya ng pagmumura. Halimbawa kung natawa ka o agad kang nagalit, posibleng gawin niya ito ulit dahil mabilis niyang nakukuha ang iyong atensiyon. Maaaring manatiling kalmado at kausapin ang iyong anak na hindi dapat ang pagmumura at makasasakit ito ng damdamin ng ibang tao.

2. Kung ang pagmumura ay para makisama sa mga kaibigan o kalaro, tanungin ang iyong anak kung bakit nagmumura ang kanilang kaibigan o kalaro. Ipaisip sa kaniya kung nakabubuti ba itong gayahin niya. Ipaliwanag na maaaring gumamit ng ibang salita para maging ekrespresyon sa halip na pagmumura.

3. Kung ang pagmumura ay dahil sa matinding galit o emosyon, tulungan ang iyong anak na unawain ang kaniyang nararamdaman. Makabubuti ring kilalanin ang kanilang emosyon halimbawa sa pagsasabi ng “Napansin ko na sobrang nagagalit ka, ano ang dahilan?” Ipaliwanag sa kanila na okay lang ang nararamdaman nila at normal na nagagalit pero hindi kailangan ang pagmumura at maaari siyang gumamit ng angkop na mga salita na hindi masakit sa pandinig o makasasakit ng ibang tao para ilabas ang nararamdaman,

Turuan din ang iyong anak kung paano magiging kalmado mula sa matining emosyon gaya ng paghinga nang malalim, pagbibilang ng 1-10 para gumaan ang pakiramdam, o pagsasabi ng kanilang nararamdaman.

RELATED: Avoid Angry Outbursts! 5 Constructive Ways to Let Your Child Express His Anger

Paano kung patuloy ang pagmumura ng aking anak?

Kung patuloy na nagmumura ang iyong anak, kausapin sila sa pagpili ng salita na kanilang ginagamit.

· Paliwanag ng mga eksperto, mahirap pa sa mga batang wala pang 4 na taon na maintidihan na hindi dapat sa bata ang pagmumura. Hindi pa rin nila lubos na iintindihan ang kaluhugan nito kaya maaaring sabihin sa kanila na “Hindi maganda ang salitang iyon o Hindi natin ginagamit ang salitang iyon.”

· Gayundin sa mga preschoolers na, hindi pa nila lubos ding nauunawaan ang kahulugan ng mga salita pero maaaring maunawaan nila na makasasakit ng damdamin ang paggamit nito. Kaya maaaring sabihin sa kanila na “Hindi tayo dapat gumagamit ng salita na masasakit ng tao.” Ipaliwanag na ang lahat ng salita na naririnig nila sa ibang tao ay hindi dapat sinasabi rin ng bata.

· Para sa mga batang mas higit nang nakauunawa, mainam ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng mga salitang ginagamit sa pagmumura. Tanungin sila kung ano ang naiisip nila tungkol sa salitang ito o nararamdaman nila kapag sinabihan sila nito ngayong nalaman nila ang kahulugan ng salita.

Iba pang tips para sa pagmumura ng bata

Tandaan na ang tahanan ang lugar kung saan unang nahuhubog ang bata. Ito rin ang pinakaunang “safe space” para sa kanila kaya naman mahalagang maramdaman nila na ligtas sila rito. Kailangan ang pagbuo ng isang kapaligiran sa tahanan na malaya ang mga batang mapag-usapan ang kanilang nararamdaman nang walang panghuhusga at makatutulong sa kanila sa padebelop ng kanilang kakayahang sosyal at emosyonal.

Hindi natin mapipigilan na hindi ma-expose ang mga bata sa pagmumura kahit hindi natin ginagawa sa bahay dahil sa malawak nilang pakikipag-ugnayan sa labas. Kaya mainam na sikaping mapigilan sila sa pagmumura at mas mahikayat na gumamit ng magagalang na pananalita.

4 na tamang asal na dapat ituro sa iyong anak

1. Pagtuturo sa mga bata sa paggamit ng magagalang na pananalita sa loob ng tahanan gaya ng “Salamat po, Sorry po, Excuse me po.” Kung ito ang higit na maririnig nila madaling ipaunawa sa kanila na hindi katanggap-tanggap ang pagmumura.

2. Pagkakaroon ng malinaw na tuntunin sa bahay kapag may nagmumura at dapat para sa lahat ang tuntunin na ito at hindi lamang para sa mga bata para hindi rin malilito o magkukumpara ang mga bata.

3. Pagbabantay sa mga pinapanood at pinapakinggan ng mga bata. Kilalanin din ang mga nagiging kalaro at kaibigan nila.

4. Pagbibigay ng papuri sa iyong anak kapag napapansin mong maayos at angkop niyang napamamahalaan ang kaniyang galit at kapag hindi siya nagmumura sa kabila ng sitwasyon.

Totoo ang kasabihang “kung ano ang ginagawa ng matanda, ginagaya ng bata.” Kaya dapat na maging maingat tayo sa mga bagay na naririnig o nakikita ng ating mga anak dahil malaki talaga ang posibilidad na gayahin nila ito. Mabuting ituro at ipaunawa din sa kanila sa murang edad pa lamang kung ano ang hindi mabuti at tamang bagay na narinig o nakita nila.

OTHER RELATED ARTICLES:

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close